In just a few hours, pupunta na kami sa sementeryo. Yearly namin ginagawa ito kagaya ng ibang Pilipino. Dinadalaw namin yung puntod ng Lolo ko sa Manila Memorial Park. Hindi ko na inabutan yung lolo kong yun, kaya hindi ko din alam ang marami tungkol sa kanya. Pero kahit ganun, hindi pa rin ako papayag na ma-miss ang pagdalaw sa kanya. Parang feeling ko kasi malulungkot siya at maiinggit sa mga katabi niya na maraming dumadalaw.
Yung iba nga party mode pa eh. Dati nung hindi pa pinagbabawal ang alcoholic beverages sa loob ng sementeryo, laging nagiinuman yung mga kasama naming matatanda. May isang beses nga na nawasak yung nguso ng kotse namin dahil sa sobrang kalasingan ng tatay ko. Nagdrive pa kasi kahit nakainom na. Maliit pa kami nun kaya wala talagang sasalo sa pagdidrive kapag nalasing na yung tatay ko. Hehe, buti nga buhay pa kami hanggang ngayon eh.
—
Para sa mga kids, rich or not, living around Alabang, I'm very disappointed to say na walang Halloween Trick or Treat ngayon sa Ayala Alabang Village! Baket kaya noh? Sayang handa pa naman yung Princess Sara costume ko! wooohooo!
—
Dadalhin ko mamaya yung digicam ko sa cementeryo, maghahanap ako mg mumu. Haha!
—
Nga pala, sobrang sure na! Titira ako sa Katipunan nang mag-isa next sem! Nakakalungkot na medyo OK na rin. Hehe. Sa next post na to!
I found this in my email a few minutes ago and nearly fell off my chair! haha, Nabasa ko na kasi yung iba dito, as in nandun talaga sila kung saan sinabi dyan. This makes life in UP so much fun. I think the people who wrote these need a blog for themselves. And I'll absolutely be a fan of their blogs! haha. Enjoy!
**my apologies to those who are not from UP, some acronyms may mean nothing to you. Anyway, funny pa rin naman kahit di mo na alamin yung ibang acronyms.. hehe.. i guess..**
FA Wall:
"nobody cares"
somebody
answered:
"not even the carebares?"
then another:
"not even kier?"
then:
"not even zoren?"
lastly:
"not even zorro?"
all written by different people.
AS:
AS chairs:
"push
button to eject seatmate"
"push button to eject urself"
"push
button to kill teacher."
"push
button to eject teacher"
….reply: "it's jammed! We're doomed!"
AS cubicle:
"Donate your bulbol here.." tapos may chewing gum na pagdidikitan. …
AS chair :
"you know bobo? bobo is you!"
AS 1st floor CR:
"if you forget the past, then you porget the purious.."
AS 1st floor CR uli:
"Im a simple gay "
tapos me sumagot:
"sira! Dapat 'Im simple and gay!' Taga peyups ka ba? duh!"
tapos me sumagot ulit (with matching arrow pa na nakaturo dun sa reply)
"sira ka rin! yung simple is used as an adjective tapos yung gay is used as a noun. kaya ok lang yung simple gay nya!"
CHEM:
Chem chair:
"push button to spray acid on prof's face."
Another chem chair:
"You Boron!!!"
BIO:
Bio chair:
"Push cadaver to haunt
teacher."
FO Santos:
"SA MGA NAGTATAPON NG BASURA DITO… bawal."
ENG'G:
Sa Men's CR, facing the urinal:
"Hawak ko saking mga kamay ang kinabukasan ng bayan!"
Reply:
"the future you are holding is very small."
GAB:
sa likod ng armchair sa isang room sa
GAB:
"takas ng ward 7"
MATH:
sa cr sa may math building:
"SUMAPI SA NPA! "
may sumagot:
"PAANO? "
may sumagot pa:
"MAGFILL UP NG COUPON AT IHULOG SA PINAKAMALAPIT NA DROP BOX SA SUKING TINDAHAN!"
sa math building, sa likod ng isang
"teacher's chair" sa 3rd floor:
"BABALA: asawa ni babalu"
sa math 3rd floor, sa isang upuan
uli.
"you'll NEVER find what you're looking for"
May nag-reply:
"find x."
sa math 3rd floor, sa isa pang upuan uli.
nakasulat sa armchair:
"F*CK DA WORLD! "
ta's may sumagot:
"F*CK U TOO! –WORLD—"
3rd floor math cr:
"kaibigan, pagkapatos mong
umihi, paki PLUS mo naman, hehehe."
UPIS
sa loob ng music room.
"maam _______(music prof) boses palaka!"
tas may sumagot
"nakarinig ka na ba ng boses ng palaka"
tas may sumagot uli
"weh "
tas may nag-react uli
"oo, sabi kokak!kokak! "
VINZONS:
Wall ng vinzons
"Do not steal. The government hates competition"
men's cr sa Vinzon's:
"remember: the hands that clean this toilet are the same hands that cook your food."
men's cr waaaay above the urinal:
"if you can reach this, the fire department wants you!"
NIGS:
sa isang upuan:
"f*ck nigs!"
may nagreply:
"who's nigs?"
MAIN LIB
Sa isang lamesa ng main lib, filipiniana section:
"UP STUDENTS HAS BECOME PATETHIC"
tapos may sumagot…
"mali pang grammar at spelling mo, halatang di ka taga UP"
KALAI:
nietzsche-"god is dead"
God- "Nietzsche is dead!"
SC:
sa labas ng PNB:
"in case of emergency break ass and push butt"
sa girls' CR:
"Bawal ang vandal Dito!…
Mommy said: First Aid Terramycin"
sa girls' CR uli:
"My boyfriend and I had sex and now I'm pregnant"
Reply:
"Pray to God"
Source: www.peyups.com
("funniest vandal" thread)
Wala na, hindi na talaga pwede si Eloisa maging roommate. So pano yun? Wala na talaga?
Pinapagcanvass ako ng aking ama sa magagastos sa pagbili ng mga appliances na kailangan para tumira sa dorm. Sa aking paunang pagcocompute, aabot sa mahigit 30000 pesos yung magagastos. Parang nakakapanghinayang talaga. Kelangan kasi bumili ng bagong refrigirator, kama, kalan at gasul syempre. Tapos yung rent na 5000 solo ko pang babayaran. Hay, sorry pa at ma, pabigat talaga ako.
Kung matutuloy ang pamumuhay ng solo, kelangan kong mabuhay sa budget na 7000 pesos every month. Kasama na lahat. Pagkain, renta, pamasahe, kuryente, tubig, at kung anich anich pang mga pangangailangan. Pati ang mga computer rentals, pagpapaprint at mga merienda. Wala munang gimik, kelangan talagang mag-aral ng todo. Although alam ko naman na pwedeng pwede kong iwithdraw yung pera ko sa ATM na galing sa scholarship, hindi pa rin talaga tama. Para kasing trust fund chorva yun, trust fund na pwedeng i-withdraw anytime.. haha.. anggulo na..
In short, kung matutuloy man ang aking pamumuhay nang mag-isa, bukod sa lungkot, magigipit din ako sa budget. Mahirap pero handa kong kayanin. Mas mahirap pa rin naman ang magcommute araw-araw kaya tiwala ako na kaya kong malagpasan ang pag-iisa na malayo sa pamilya. Sana lang talaga hindi ako mabaliw pag mag-isa lang ako sa bahay araw-araw. Tapos wala pang laptop! Kaya ko toh!
Sa lahat ng sakit, pinakaayaw ko yung sipon. Ayaw ko kasi yung maya-maya may hawak na tissue at sumisinga. Ang ikee pa ng feeling kasi di ako makahinga. Pero syempre, malas talaga ako, kaya two days na akong may sipon, samahan mo pa ng lagnat at slight na ubo. Perfect combo, isn't it? Sana naman gumaling na ako bago magsimula ang classes dahil kadudertz talaga kapag may sipon sa school. Parang ayaw mong lumapit sa friends mo dahil baka mahawa sila sayo at ikaw pa ang sisihin nila.
—
Wala pa rin akong nahahanap na kasama sa apartment. Sa bawat araw na dumadaan, lalong lumalabo ang chances na makapag-apartment pa ako. Patay talaga ako next sem.
—
Kahapon, nag-pm nanaman siya. Pero di ko nakausap kasi AFK ako nung nagmessage siya tapos nung nagreply na ako, mga ten minutes later, wala na siya. Sad no? Ilang araw na ring walang communication. Baka di ko na siya kilala pag nagkita ulit kami.
—
Kelangan ko palang pumunta sa UP bago mag-november 3 para pumirma sa isang papel upang ako ay maging eligible for enrolment next sem. Shit, nakakatamad. Angganda kasi ng bagong pakulo ng RegCom eh, angganda talaga. Gagastos ako ng humigit kumulang isang daang piso sa pamasahe para lang pumirma sa kapirasong papel? Oh well, gagawin ko na rin, kesa naman maabala pa ako pagdating ng registration. Sa UP pa naman, pag sinabi mong "abala", sobrang sakit sa ulo yun. Hindi lang siya yung abalang pwedeng matapos sa isang oras. Kung minalas ka pa, baka abutin ka pa ng isang buong araw. Sakit nun!
—
Watched this video last night sa MTV. Loved it at once.. haha.. kapag talaga may sakit, nagiging cheesy.. haha. Pero promise, cool yung song, astig yung melody and lyrics..
Check this out! Never be lonely by The Feeling
Akala ko ayos na ang lahat pero may sumusulpot pa ring problema na tila ba ayaw talagang paginhawain ni Lord ang buhay ko. Pinayagan na talaga ako magdorm at napagkasunduan na namin ng tatay ko kung saan ako titira pero saka naman nagback-out yung kasama ko dapat. Medyo may kamahalan din naman kasi at sa abas pa ito ng UP. Pero isang maikling sakay lang naman ay nandun ka na sa UP kung ikaw ay magmumula sa apartment ng nahanap ko. Ngayon, kung hindi ako makakahanap ng kasama, kahit isa lang, hindi na talaga ako magdodorm. di rin naman kasi namin kakayanin bayaran ang 5500 pesos buwan-buwan nang mag-isa lang.
Kelangan talaga may kahati kahit papaano.
So, gagamitin ko ngayon itong pinakamamahal kong blog upang humagilap ng makakasama na magliligtas sa akin sa susunod na semestre. Heto ang mga Terms and Conditions ng nahanap ko na apartment.
- Magbabayad ng two months advance at one month deposit na renta upang makatira dito sa unang buwan. Ang pagbabayad ay thru a post-dated cheque. Ang renta sa isang buwan para sa isang kwarto na pangdalawahan ay at least(maaari pa itong tumaas depende kung saang floor ang kwarto) 5500 pesos per month. Hiwalay pa ang bayad sa kuryente at tubig na may sariling metro sa bawat unit. Magbabayad ng 20 pesos per month para sa garbage collection fee
- Ang apartment building ay may gwardiya at pinagbabawalan ang bisita paglampas ng 10pm. Ang mga tenants naman ay walang curfew.
- Maluwag ang kwarto, maliwalas at presko.
- Ang mga kwarto ay wala pang furnishing. Ang aking ama ay nakahandang magdonate DAW ng refrigirator, TV, kalan at kama. Pero syempre kelangan pa rin pagusapan ang mga gastusin ukol dito.
- Ako ay mabait na bata, hindi humihilik, naglalasing at magulo. Nagsisleep talk nga lang ako pero bearable naman ata ito. Masipag din ako mag-aral kaya asahan mong mahahawa ka sa akin.
- Mabuti kung close tayo at nag-aaral ka sa UP or Ateneo dahil doon malapit ang aking titirahan. Mainam din kung babae ka, para masaya.
Ayun. Sana i-pm mo ako kung interesado ka. Maraming salamat!