Syet! ansakit na ng ulo ko… di ko pa rin natatanggap yung part ng iba kong groupmates sa panpil.. In fairness, nakakapressure din pala ito. Kahit na tapos ko na gawin yung site at ipapasok na lang yung mga wala pa doon, nakakakaba pa rin kasi baka di ko matapos. Hindi naman kasi ganun-ganun lang ang pag-edit ng template noh! Sana naiisip nila yun.
Ilang araw na rin akong nakatutok sa pc dahil dito sa project na to. Baka mag-mutate na ako sa sobrang radiation mula sa monitor ng PC. Nagsisimula na nga ata ang mutation eh, nagiiba na yung itsura ng mata ko.
Pero natutuwa naman ako dahil marami sa mga pinatesting ko sa site ang nagsabing maganda ang layout at yung kabuuang site. Mejo may kahinaan pa rin nga lang talaga yung scripts ko kasi hindi siya ok sa Internet Explorer. Kaya kung may balak kang tignan yung site, switch browser ka muna… kasi promise, super chaka niya sa Internet Explorer! Use Firefox.
Ayun. Ayun muna. Ansakit na talaga ni ulo eh