Be still. It's my turn.

Home » Archives » 17. October 2006

Tulog

October 17, 2006

Mabuti naman at nakakatulog na ako ngayon.  Grabe, sa sobrang walang magawa, kahit tanghaling tapat na, tulog pa rin ako.  Nakabukas pa ang YM ko nun kaya pasensya na sa mga nag-pm sa akin kasi di ko nalagay sa stat na tulog ako.  Sorry talaga.

Ano ba ang agenda ngayong araw na ito?

  • gusto ko sana manood ng DVD kaso walang maganda dito sa bahay.  Ayoko naman tapusin yung 24 ng mag-isa. 
  • gusto ko rin sana manood ng sine kaso walang kasama, walang pera at walang magandang palabas.  Ayoko naman nung Texas Chainsaw 2 kasi morbid mashado.  Sana may magyaya naman sa sine, hehe, at sana libre!! woohoo!
  • balak ko matulog ulit ngayong hapon pero naisip ko, baka hindi ako makatulog sa gabi.
  • hindi pa rin kumpleto ang site! punyeta nakakabadtrip na talaga… Halos ako na nga gumawa ng lahat tapos parang konting kwento lang hindi pa nila nagawa? Sobra naman yun!
  • kelangan na pala talagang maghanap ng venue para sa debut ko sa may.  Syet, patulong?
  • sana bukas may magawa naman ako… friends gala tayo??

Simula nung may nakabasa na nung blog ko sa blogspot na fadingreallyfast *hephep, wag mo nang subukan, binura ko na* eh mejo nawalan na ako ng gana magsulat sa blog.  Ilang beses na ba nangyari sa akin to?  Lagi na lang may nakakaalam ng mga bagay na dapat ay secret lang.  Kasi pag sinabi kong secret yun, ibig sabihin sobrang importanteng secret yun.  Saka pag secret yun, kahit malaman mo pa, hindi naman uunlad ang Pilipinas kaya wag na lang diba??

Ang masama pa nito, mali pa yung nabisto sa akin.  Basta, as in sobrang mali… hindi naman tunay yung iniisip niya eh.  Sa totoo lang, ibang tao talaga yung sobrang crush ko… sana binasa pa niya yung ibang post para mas naliwanagan siya…

Posted by stillness at 1:40 pm | permalink | Add comment