Be still. It's my turn.

Home » Archives » 18. October 2006

Official Sembreak Day1

October 18, 2006
Nahirapan ako makatulog kagabi.  Mga bandang 1am na nung napagdesisyonan kong matulog, kasi wala na akong kausap sa YM.  Pero kahit mga 1hour na akong nakahiga, di pa rin ako makatulog.  Nasobrahan ata ako ng tulog kahapon ng tanghali. 

Official sembreak day 1 ko ngayon*since kahapon lang naman yung deadline nung last kong requirement* Pero as usual, wala pa rin akong magawa.  Ganun ba talaga yun?  Masaya lang isipin ang bakasyon pag wala pa ito, kapag hirap na hirap ka pa sa schoolwork at sobrang dami pa ng mga requirements sa school.  Pero kapag nandyan na, bigla mong marerealize na boring pala sa bahay buong araw, na sana may pasok na lang at sana nakikita mo yung friends mo.  Haaay, nakakamiss ang UP.

Mas mahirap pa kung natural na sayo ang pagiging boring.  Tinanong ako nung isa kong classmate sa panpil kung ano daw pinagkakaabalahan ko, sabi ko, wala kasi boring akong tao.  Meron naman ako talagang pinagkakaabalahan, pero feeling ko lang kasi hindi siya interesting para sa ibang tao.  Abala ako sa paggawa ng layout ng blog sa photoshop.  Abala ako sa pagsusulat ng isang short story tungkol sa isang gwapong bading.  Abala ako sa pag-iisip.  Wala nga lang akong sport kasi di ako athletic type.  Wala rin kaming cable kaya wala akong mashadong alam sa mga foreign show bukod dun sa mga pinapalabas sa studio23 at rpn9.  Techie daw ako pero wala akong ipod, pero meron naman akong laptop, cellphone at digicam na sarili.  Matalino daw ako kasi valedictorian ako nung high school at nag-aaral ako sa UP.  Paborito ko yung The Catcher in the Rye at To Kill a Mockingbird.  At nabasa mo na ba yung short story na "A Perfect Day for Bananafish" ni J.D. Salinger?  Gusto ko rin yun.  Favorite show ko yung Grey's Anatomy, pero di na ako mashadong nakakapanood kasi naging abala ako sa acads.  At ayun pala, abala rin ako sa acads.

Ayoko mang isipin na nagiging GC ulit ako, wala akong magagawa kasi yun na yung nangyayari.  Well, sino ba naman ang hindi gaganahang mag-aral kung meron kang 25000pesos every sem basta ang GWA mo ay hindi bababa sa 2.00?  Ansaya diba?

Ayan, so di naman pala ako boring na tao.  Tinatamad lang siguro akong magkwento ung isang araw kaya nasabi kong boring ako.

Posted by stillness at 8:33 am | permalink | comments[4]