Be still. It's my turn.

Home » Archives » 21. October 2006

Sem Evaluation

October 21, 2006

Matagal ko nang pinlano gawin itong sem evaluation na ito pero di ko maisip yung tamang timing.  So i guess ito na yung tamang timing.

Ang mga sumusunod ay ang mga subjects na tinake ko last semester at ang orresponding eveluation ko sa kanila.

Art Stud1–  Art Studies, parang Humanities sa old curriculum.  Kinuha ko itong subject na ito dahil akala ko madali lang tapos ineexpect ko na may field trip.  I guess I could say that my expectations were not met.  Walang fieldtrip at paimportante ang term paper.  My lack of creativity made me pay in this subject.  Anghirap kasi makaisip ng interesting na topic na gagawan ng term paper.  Tapos one of my groupmates was not super cooperative, sarap niyang saksakin talaga!  Highlight ng subject na ito yung pagpaparinig sa amin ng prof ko ng yet-to-be-released song ng Sugarfree.  Siya kasi yung producer ng bagong album ng Sugarfree eh. Astig.
          Expected Grade: 1.25 to 1.75

CW10– Creative Writing for Beginners.  I love this subject.  Siguro dahil super bait ng prof namin.  Kahit na ako lang ang upperclassmen sa class namin **oo, lahat sila freshie**, ayus lang kasi sa totoo lang, yung mga freshie talaga ngayon yung ka-age ko.  So masasabi ko na hindi naman ako gaano naOP.  Saka interesting din yung class, dapat nga lang masipag ka sa paggawa ng sandamakmak na writing exercises para pumasa.  I'm glad to say na nakapagpass naman ako ng lahat ng required na writing exercise, though others were late, hindi naman strict sa deadline mashado si mam abad eh.  Hindi rin naging mashadong mahirap itong class na ito kasi natural na sa akin ang hilig sa pagbabasa which is the first step to being a good writer **ohyeah!**.  I won't recommend this class sa mga tamad magsulat at hindi nagbabasa ng mga novels, deads ka dito pagnagkataon.
          Expected Grade: 1.25-1.5

PanPil17– Panitikang Pilipino: Pop Culture.  Interesting ang subject.  Nakakatawa si Sir Vlad.  Interesting ang readings **na sobrang dami** at ang mga film viewing.  Nakakalungkot nga lang dahil di ako naging mashadong close sa mga groupmates ko.  Huli na kasi nung napagdesisyunan naming gumawa ng project.  yung tipong wala na talagang time para sa bonding.  Dahil dito sa subject na ito, seryoso kong pinagaralan ang iba't ibang HTML codes, ang paggawa ng layout sa Photoshop, at ang pag-edit ng video sa Nero, para makagawa ng sarili kong website.  Astig kasi sineryoso ko na sa wakas ang HTML, tapos naisip ko, Panpil lang pala ang makakaforce sa akin para ayusin ang aking scarce knowledge sa HTML.
          Expected Grade: UNO!!! ang laki ng hirap ko dun sa website noh! 

PE 2 OR– Orienteering.  Parang Camping/Outdoor Recreation.  Ang PE na by accident ko lang nakuha.  Hindi talaga ito yung balak ko kunin pero wala na akong nagawa.  Masaya tong PE na ito, magiging close talaga kayo ng classmates mo, pati na rin ng mga camp counselors. Mapapalapit ka kay Mother Nature.  Pero grabe ang sakit sa katawan kapag umaakyat ng bundok.  Nacommit ko yung first ever absent ko sa buong college life ko dahil dito.  Dinala pa ako sa ospital dahil sa allergy eklavu.  Pero kahit ganun, sobrang saya niya!
         Wala nang expected grade kasi meron na sa CRS.  Yipee! Uno ako!!  Natupad na rin ang pangarap kong makauno sa PE!

Math55–  Elementary Analisis III.  Part 3 ng Calculus series ng mga Engg people.  Eto na siguro yung pinakamadaling math na naencounter ko sa buong stay ko sa UP.  Dahil na rin siguro mabait at magaling yung prof namin, saka parang GE na kasi yung dating niya.  Three units na lang kasi siya, unlike the other Maths na five units.  Madali kasi nagegets ko na kahit sa notes lang ako tumingin.  Hindi ko nagalaw yung bagong bili kong book na ngayon ko lang binili kahit 2sems ago pa siya nirequire.  In short, di ako nakagamit ng tunay na libro sa buong calculus life ko sa UP.
          Wala na ring expected grade kasi meron ns sa CRS.  Naka-dos ako!! wahu!! Yan na ang pinakamataas kong kaya sa Math! hooray! Babay Math Building!

Physics72–  Electromegnetism and Optics.  Di ako sure dun sa course desription. Ahaha, basta ganyan yung mga pinag-aralan namin.  Eto yung subject ko last sem kung saan, sobrang na-lost ako.  Di ko alam kung ako yung may problem, or yung prof pero sobrang nahirapan talaga ako.  Yun na.
             Expected Grade:  I expect to get 2.5 dito.  Mababa pero, wala eh, iekee yung performance ko..

Physics72.1– Laboratory.  Pinakamasayang Physics Lab ko ever!  Astig ang prof, astig ang groupmates.  Super idol ko si Sir Gudz kasi sa kanya ko natutunan yung mga bagay na namimiss ko sa lecture.  Sana nga siya na rin yung prof ko sa lec.  Kung nagkaganun, baka lalo lang napamahal sa akin ang physics.  Bait si sir, he does not tolerate any form of dishonesty.  Sobrang natakot ako nung 14% lang yung worksheet ko na isa.  Aminado naman ako na hindi ako nag-exert ng effort dun, pero nagpapasalamat ako kay sir na ginawa niya yun kasi kung hindi, never ko marerealize yung pagkakamali ko.  I've learned my lesson from there and started working independently.  Super Salamat Sir!
             Wala na ring expected grade.  I was lucky to get a 1.75 in this class!

ES1–  Engineering Science 1: Engineering Drawing.  Di naman sa pagmamayabang, pero eto na siguro yung subject ko last sem kung saan pinaka-confident ako.  Carry lang kasi nagawa na namin ito nung high school saka mejo forte ko rin yung mga topics.  Hindi ko nga lang mauuno to kasi sumablay ako sa 2nd long exam kung saan 46.25% lang yung grade ko.  Pero yung 1st at 3rd, 98.25% at 99.5% ako.  Tatanga-tanga lang talaga ako.
             Expected Grade: 1.25 **hehe**

CWTS1–  Rappelling.  Enjoy ako sa subject na ito kasi nandito yung barkada ko.  Saka parang naglalaro lang.  I learned not only to face my fear of heights, but also to conquer it.  Ansaya!  Super ool pa nung JI namin na si Ate Marix!! ahaha
             Pasado naman ako dito.  See you guys next sem!!

Overall, last sem was fun.  Nung hindi pa natatapos yung sem, iniisip ko na ito na yung worst sem ever ko sa UP pero after writing and reading my thoughts, naisip ko na I've had the most fun last sem.  Andaming nangyari, andaming bagong naexperience, andaming bagong taong naappreciate.  Angsaya!

So ayun, yan na lahat.  Sana lang umabot yung GWA ko sa Dos or better na standards ng scholarship.  Sayang talaga yung 25K eh..

Posted by stillness at 8:05 am | permalink | Add comment