Haha.. ako na yata talaga ang dakilang pasaway ng pamilya namin. At dahil doon, di na ata talaga ako papayagan mag-dorm. Ha? Oo, parang nung isang araw lang pinapayagan na ako, tapos ngayon hindi nanaman. Inaway ko pa kasi yung kapatid ko eh. Sorry siya, eh madamot talaga ako eh. Alam kong mali pero ganun talaga ako eh, yung akin, akin lang, kung gusto mo rin, bili ka ng sayo. Hindi ako madaling magpahiram, maglulupasay ka muna. Gusto ko lumuha ka muna ng dugo, tapos kapag nasira mo yng gamit ko, wag ka nang magpapakita sa akin, lalo na kung alam mo na galing sa sarili kong pera yung pinangbili ko dun.
(more…)