Be still. It's my turn.

Home » Post Item » Landslide

Landslide

October 22, 2006

Haha.. ako na yata talaga ang dakilang pasaway ng pamilya namin.  At dahil doon, di na ata talaga ako papayagan mag-dorm.  Ha? Oo, parang nung isang araw lang pinapayagan na ako, tapos ngayon hindi nanaman.  Inaway ko pa kasi yung kapatid ko eh.  Sorry siya, eh madamot talaga ako eh.  Alam kong mali pero ganun talaga ako eh, yung akin, akin lang, kung gusto mo rin, bili ka ng sayo.  Hindi ako madaling magpahiram, maglulupasay ka muna.  Gusto ko lumuha ka muna ng dugo, tapos kapag nasira mo yng gamit ko, wag ka nang magpapakita sa akin, lalo na kung alam mo na galing sa sarili kong pera yung pinangbili ko dun.

Pero mali talaga ako at tanggap ko yun.  Sana lang talaga, hindi na madamay ang pagdodorm ko kasi sobrang mahihirapan talaga ako next sem kung uwian pa rin ako.

Nadedepress nanaman ako.  Ganito na lang palagi pag bakasyon.  Kung ang mga lalaki, nagmamasturbate pag walang magawa, ako naman, nadedepress.  Wala kasing magawa kaya nag-iisip na lang ako, tapos lahat naman ng naiisip ko nakakalungkot. haaay

Sana sana matuloy ang dorm!!

Posted by stillness at 9:46 am | permalink

Previous Comments

face the consequences na lang.

o kaya offer ka ng bribe, baka payagan ka nila ulit ;p

Posted by billycoy at October 22, 2006, 2:14 pm

sana nga payagan ako ulit.. salamat billycoy!

Posted by stillness at October 22, 2006, 2:18 pm

waah, andami ko na palang namiss na posts! tsktsk, kauuwi ko lang kasi, anyway, ang ganda ng comparison mo..parang..whoa..hahaha..

Posted by panghent at October 22, 2006, 11:52 pm

wah panghent! san ka nagpunta??

natutunan ko yang comparison na yan sa isa kong kaibigan na lalake. totoo daw yan..

Posted by stillness at October 23, 2006, 8:28 am

haha natawa ako sa analogy mo! =) posible nga yan!

Posted by dyan at October 23, 2006, 10:54 am

Add a comment