Dahil napagalitan ako nung isang araw, at nanganib ang aking pagdodorm, kelangan kong gumawa ng good deed para maisalba ang aking buhay next sem.
OPERATION LINIS KWARTO!
Yung kwarto kasi naming magkakapatid **oo, share kami** hindi nalilinis kapag may pasok. Yung mga libro nakakalat kasi wala nang oras para iligpit pa. Ngayon na ang tamang panahon para magpaimpress! Kelangan maging good girl muna ako hanggang Tuesday **tuesday na kasi yung alis ng tatay ko papuntang Thailand ulit**. Kaya ko ito!!
Kung may iba pa kayong suggestion para maging good girl ako, paki-post lang dito. Hay, dang hirap magpanggap!!
—
Ni-PM niya ako nung isang araw, may tinatanong, kaso lang umalis na ako agad kasi gagamit pa yung ate ko. Haha. Sayang, sana nakausap ko man lang siya, namimiss ko na siya ng sobra. Ay syet! Tama na nga!
—
Wala pa rin akong magawa sa sembreak ko! Balak kong sumama sa Baguio sa pinsan ko, sana isama nila ako! Kelangan ko ng gala!!!