Be still. It's my turn.

Home » Post Item » Operation Linis Kwarto

Operation Linis Kwarto

October 23, 2006

Dahil napagalitan ako nung isang araw, at nanganib ang aking pagdodorm, kelangan kong gumawa ng good deed para maisalba ang aking buhay next sem.

OPERATION LINIS KWARTO!

Yung kwarto kasi naming magkakapatid **oo, share kami** hindi nalilinis kapag may pasok.  Yung mga libro nakakalat kasi wala nang oras para iligpit pa.  Ngayon na ang tamang panahon para magpaimpress!  Kelangan maging good girl muna ako hanggang Tuesday **tuesday na kasi yung alis ng tatay ko papuntang Thailand ulit**.  Kaya ko ito!!

Kung may iba pa kayong suggestion para maging good girl ako, paki-post lang dito.  Hay, dang hirap magpanggap!!

Ni-PM niya ako nung isang araw, may tinatanong, kaso lang umalis na ako agad kasi gagamit pa yung ate ko.  Haha.  Sayang, sana nakausap ko man lang siya, namimiss ko na siya ng sobra.  Ay syet!  Tama na nga!

Wala pa rin akong magawa sa sembreak ko!  Balak kong sumama sa Baguio sa pinsan ko, sana isama nila ako!  Kelangan ko ng gala!!!

Posted by stillness at 9:16 am | permalink

Previous Comments

gusto mo stillness ipagluto mo rin sila ng breakfast, o kaya’y ipaglaba at plantsa..tapos, damay mo nrn ung cr sa paglilinis..ahihi joke lang, basta di ka ma-bad shot, good shot na rin un,..hehe labo ba oks yan.. :D

teka, di ko alam kung tama ang nasa isip kong tao eh..pero sya un no..haha, konti pa at malilimutan mo rin yan *di tlaga e* haha! :D

Posted by panghent at October 23, 2006, 1:43 pm

panghent! pinayagan na ako! wee!!

Posted by stillness at October 24, 2006, 4:51 pm

Add a comment