Ngayon ko lang narealize, lagi pala akong maaga sa mga usapan. Ayoko kasi ng nale-late. Saka nakakahiya sa kausap ko. Minsan, di bale nang ako ang naghihintay kaysa naman ako ang hinihintay. Ngayon ko lang nalaman na totoo pala itong isang testimonial ko sa Friendster
'mie-jeza' | 6/10/2006
si ***… clasmate ko sa art stud,, grupmate din sa paper… hay nakoh.. daming pacenxa ng girl na toh… willing na maghintay kahit matagal… hehehe… at first, she seems to be a silent type. pero since, nakakasama ko xa at somehow, napafeeling close,,, naks! hindi rin naman talaga xa katarayan! hehe.. madalas xang online… techie… astig! hehe…
Sige nah,, testi koh rin ah? haha!.. ingatz!
Patience is a virtue. Yan ang lagi kong sinasabi sa sarili ko. Nag-hang ang PC -Patience is a virtue. Timed out ang site - Patience is a virtue. Late sila groupmates - Patience is a virtue. Traffic jam sa EDSA - Patience is a virtue. Hindi ako ma-tae - Patience is definetely a virtue.
Virtue - ano nga ba ang ibig sabihin ng virtue? Kapag ba lahat ng tao sa Pilipinas ay may virtue, uunlad ba ang bansa? Mawawala ba ang mga TG, squatters, beggars, at mga kriminal? Di ko kasi talaga alam ang eksaktong ibig sabihin ng virtue. **kukuha ng dictionary**
So yun pala ang ibig sabihin ng salitang VIRTUE. Kita mo, di ko alam yung buong meaning pero lagi kong ginagamit. Naalala ko tuloy nung bata pa ako, paborito ko ang salitang SHIT. SHYET pa nga ang pagkabasa ko noon. Narinig ko lang sa iba. Akala ko pareho lang sila ng "cool", "wow", "astig" at kung ano pang salitang pang-puri. Minsan nga sinabi ko pa sa nanay ko, "Shyet ma, Shyet si Patrick Garcia!" Translation: "Wow ma, Cool si patrick Garcia!"
Patrick Garcia - hay buhay! Ka-gwapong bata! Siya yung crush nung matabang bata sa isang commercial ng hotdog noong mga grade two pa lang ako. Mestizo, cute, shit talaga. Hindi lang niya alam kung gaano na karaming sleepless nights ang binigay niya sa akin. Ano kaya ang feeling na maging boyfriend si Patrick Garcia?
Boyfriend- kelan kaya ako magkakaboyfriend? NBSB member kasi ako eh. Ayus lang naman kung after ten years pa pero, wala lang. Gusto ko lang maranasan kung paano yung may naghahatid sa akin pauwi, yung may nagbubuhat ng mabigat na libro ko sa physics, yung may nanlilibre ng pamasahe, yung may nagchecheck kung kumain na ako ng dinner kahit alas-singko pa lang ng hapon. Siguro hindi ganun ang nangyayari kapag may boyfriend pero ganun yung naiimagine ko.
Imagination- Imagination ko lang lahat ito. Antagal kasi dumating nung kausap ko eh. Buti na lang may dala akong papel at bolpen.
—
Ang essay na ito ay isinulat sa Mini-Stop Katipunan kaninang 9:22 ng umaga. Maaga nanaman ang awtor sa usapan kaya feeling niya late ang kausap.
—
Hindi talaga alam ng awtor ang ibig sabihin ng VIRTUE dati.
—
Pinayagan nang magdorm ang awtor!!! woohoo!!
nakakatuwa naman ang blog mo dito sa I.PH.
teka, papalitan ko nga ba ang link mo or dun pa rin sa blogspot?
:) oh well.
naalala ko nga yung commercial ng hotdog na yun. lolz. pero wala akong crush dun sa garcia na yun wahehehe.
adik din ako sa shiyet! shit! ginawa ko ngang sheste eh!
:) yun lang. astig no?
Posted by utakGAGO at October 25, 2006, 7:00 pmyep! astig talaga! sige pakipalitan na lang yung link.. salamat!
Posted by stillness at October 26, 2006, 3:17 pmang ganda
Posted by Michelle at November 8, 2007, 8:06 pm
“shiyeeet”!!! pinayagan ka na magdorm!! “shiyeet” talaga! hahaha..buti naman!
uyyyy..dumarating na sa panahong nacu-curious na sa boypren..hehe, miyembro din ako ng samahang yan eh, although SSB (single since birth) ang name nung samin..haha, minsan napapaisip din ako jan..hmm..patience is a virtue.
(next week siguro? hahaha)
Posted by panghent at October 24, 2006, 8:28 pm