Be still. It's my turn.

Home » Archives » 26. October 2006

Problema nanaman

October 26, 2006

Akala ko ayos na ang lahat pero may sumusulpot pa ring problema na tila ba ayaw talagang paginhawain ni Lord ang buhay ko.  Pinayagan na talaga ako magdorm at napagkasunduan na namin ng tatay ko kung saan ako titira pero saka naman nagback-out yung kasama ko dapat.  Medyo may kamahalan din naman kasi at sa abas pa ito ng UP.  Pero isang maikling sakay lang naman ay nandun ka na sa UP kung ikaw ay magmumula sa apartment ng nahanap ko.  Ngayon, kung hindi ako makakahanap ng kasama, kahit isa lang, hindi na talaga ako magdodorm.  di rin naman kasi namin kakayanin bayaran ang 5500 pesos buwan-buwan nang mag-isa lang. 
Kelangan talaga may kahati kahit papaano.

So, gagamitin ko ngayon itong pinakamamahal kong blog upang humagilap ng makakasama na magliligtas sa akin sa susunod na semestre.  Heto ang mga Terms and Conditions ng nahanap ko na apartment.

  • Magbabayad ng two months advance at one month deposit na renta upang makatira dito sa unang buwan.  Ang pagbabayad ay thru a post-dated cheque.  Ang renta sa isang buwan para sa isang kwarto na pangdalawahan ay at least(maaari pa itong tumaas depende kung saang floor ang kwarto) 5500 pesos per month.  Hiwalay pa ang bayad sa kuryente at tubig na may sariling metro sa bawat unit.  Magbabayad ng 20 pesos per month para sa garbage collection fee

  • Ang apartment building ay may gwardiya at pinagbabawalan ang bisita paglampas ng 10pm.  Ang mga tenants naman ay walang curfew.

  • Maluwag ang kwarto, maliwalas at presko.

  • Ang mga kwarto ay wala pang furnishing.  Ang aking ama ay nakahandang magdonate DAW ng refrigirator, TV, kalan at kama.  Pero syempre kelangan pa rin pagusapan ang mga gastusin ukol dito.

  • Ako ay mabait na bata, hindi humihilik, naglalasing at magulo.  Nagsisleep talk nga lang ako pero bearable  naman ata ito.  Masipag din ako mag-aral kaya asahan mong mahahawa ka sa akin.

  • Mabuti kung close tayo at nag-aaral ka sa UP or Ateneo dahil doon malapit ang aking titirahan.  Mainam din kung babae ka, para masaya.

Ayun.  Sana i-pm mo ako kung interesado ka.  Maraming salamat!

Posted by stillness at 11:57 pm | permalink | comments[2]