Be still. It's my turn.

Home » Post Item » Random updates

Random updates

October 28, 2006

Sa lahat ng sakit, pinakaayaw ko yung sipon.  Ayaw ko kasi yung maya-maya may hawak na tissue at sumisinga.  Ang ikee pa ng feeling kasi di ako makahinga.  Pero syempre, malas talaga ako, kaya two days na akong may sipon, samahan mo pa ng lagnat at slight na ubo.  Perfect combo, isn't it?  Sana naman gumaling na ako bago magsimula ang classes dahil kadudertz talaga kapag may sipon sa school.  Parang ayaw mong lumapit sa friends mo dahil baka mahawa sila sayo at ikaw pa ang sisihin nila.

Wala pa rin akong nahahanap na kasama sa apartment.  Sa bawat araw na dumadaan, lalong lumalabo ang chances na makapag-apartment pa ako.  Patay talaga ako next sem.

Kahapon, nag-pm nanaman siya.  Pero di ko nakausap kasi AFK ako nung nagmessage siya tapos nung nagreply na ako, mga ten minutes later, wala na siya.  Sad no?  Ilang araw na ring walang communication.  Baka di ko na siya kilala pag nagkita ulit kami.

Kelangan ko palang pumunta sa UP bago mag-november 3 para pumirma sa isang papel upang ako ay maging eligible for enrolment next sem.  Shit, nakakatamad.  Angganda kasi ng bagong pakulo ng RegCom eh, angganda talaga.  Gagastos ako ng humigit kumulang isang daang piso sa pamasahe para lang pumirma sa kapirasong papel?  Oh well, gagawin ko na rin, kesa naman maabala pa ako pagdating ng registration.  Sa UP pa naman, pag sinabi mong "abala", sobrang sakit sa ulo yun.  Hindi lang siya yung abalang pwedeng matapos sa isang oras.  Kung minalas ka pa, baka abutin ka pa ng isang buong araw.   Sakit nun!

Watched this video last night sa MTV.  Loved it at once.. haha.. kapag talaga may sakit, nagiging cheesy.. haha.  Pero promise, cool yung song, astig yung melody and lyrics..

Check this out! Never be lonely by The Feeling

Posted by stillness at 9:05 am | permalink

Previous Comments

sino bang hindi maiinis pag may sipon ?? haha! goodluck sa paghahanap ng apartment. kaya yan!!:D hehe have a nice weekend=)

Posted by rina at October 28, 2006, 11:02 pm

Add a comment