Wala na, hindi na talaga pwede si Eloisa maging roommate. So pano yun? Wala na talaga?
Pinapagcanvass ako ng aking ama sa magagastos sa pagbili ng mga appliances na kailangan para tumira sa dorm. Sa aking paunang pagcocompute, aabot sa mahigit 30000 pesos yung magagastos. Parang nakakapanghinayang talaga. Kelangan kasi bumili ng bagong refrigirator, kama, kalan at gasul syempre. Tapos yung rent na 5000 solo ko pang babayaran. Hay, sorry pa at ma, pabigat talaga ako.
Kung matutuloy ang pamumuhay ng solo, kelangan kong mabuhay sa budget na 7000 pesos every month. Kasama na lahat. Pagkain, renta, pamasahe, kuryente, tubig, at kung anich anich pang mga pangangailangan. Pati ang mga computer rentals, pagpapaprint at mga merienda. Wala munang gimik, kelangan talagang mag-aral ng todo. Although alam ko naman na pwedeng pwede kong iwithdraw yung pera ko sa ATM na galing sa scholarship, hindi pa rin talaga tama. Para kasing trust fund chorva yun, trust fund na pwedeng i-withdraw anytime.. haha.. anggulo na..
In short, kung matutuloy man ang aking pamumuhay nang mag-isa, bukod sa lungkot, magigipit din ako sa budget. Mahirap pero handa kong kayanin. Mas mahirap pa rin naman ang magcommute araw-araw kaya tiwala ako na kaya kong malagpasan ang pag-iisa na malayo sa pamilya. Sana lang talaga hindi ako mabaliw pag mag-isa lang ako sa bahay araw-araw. Tapos wala pang laptop! Kaya ko toh!