Be still. It's my turn.

Home » Post Item » Happy Halloween!

Happy Halloween!

October 31, 2006

In just a few hours, pupunta na kami sa sementeryo.  Yearly namin ginagawa ito kagaya ng ibang Pilipino.  Dinadalaw namin yung puntod ng Lolo ko sa Manila Memorial Park.  Hindi ko na inabutan yung lolo kong yun, kaya hindi ko din alam ang marami tungkol sa kanya.  Pero kahit ganun, hindi pa rin ako papayag na ma-miss ang pagdalaw sa kanya.  Parang feeling ko kasi malulungkot siya at maiinggit sa mga katabi niya na maraming dumadalaw. 

Yung iba nga party mode pa eh.  Dati nung hindi pa pinagbabawal ang alcoholic beverages sa loob ng sementeryo, laging nagiinuman yung mga kasama naming matatanda.  May isang beses nga na nawasak yung nguso ng kotse namin dahil sa sobrang kalasingan ng tatay ko.  Nagdrive pa kasi kahit nakainom na.  Maliit pa kami nun kaya wala talagang sasalo sa pagdidrive kapag nalasing na yung tatay ko.  Hehe, buti nga buhay pa kami hanggang ngayon eh.

Para sa mga kids, rich or not, living around Alabang, I'm very disappointed to say na walang Halloween Trick or Treat ngayon sa Ayala Alabang Village!  Baket kaya noh?  Sayang handa pa naman yung Princess Sara costume ko! wooohooo!

Dadalhin ko mamaya yung digicam ko sa cementeryo, maghahanap ako mg mumu. Haha!

Nga pala, sobrang sure na!  Titira ako sa Katipunan nang mag-isa next sem! Nakakalungkot na medyo OK na rin. Hehe.  Sa next post na to! :)

Posted by stillness at 5:41 pm | permalink

Previous Comments

home alone ka next sem? wow apartment pala yan diba, haha..hmmm..hahaha..tambay na! joke joke..haha!

naks, picture parin kahit na medyo creepy ang location..haha..gudluck sa trip mo! :D

Posted by panghent at October 31, 2006, 6:40 pm

Haha.. bawal tumambay mashado. Target ko maging US next sem. Para matuwa naman yung parents ko kahit malaki gastos nila sa akin. hehe…

Posted by stillness at October 31, 2006, 6:59 pm

ah oo nga naman tama tama..wow, US talaga! grabe, ibang level..haha..kayang kaya mo na yan..wala nang biyahe na uubos ng oras mo..hehe!

teka, sa comp shops ka nalang pala magbblog niyan? nakkkuuuu..wala nang online-an!

Posted by panghent at October 31, 2006, 8:43 pm

onga, sa first month siguro, kung hindi sa comp shops, baka tuwing weekends na lang ako makapagblog at makaonline. Pero baka sa december may sarili na rin akong laptop. hehe. sana!

Posted by stillness at November 1, 2006, 7:29 am

(waaaahhh… nasayang yung isang comment ko… haahha… hindi ko alam na required pala pati e-mail…. heheheheheh
anyway ulitin ko na lang….)
gudlak sa ghost hunting mamaya… sana makakita ka… at makipagkilala sa iyo… hahahahhahaahah
wala kc akong dinadalaw sa sementeryo since naka-cremate lahat ng deceased relatives ko…..
anyway, kung ikaw e parang ngayon mo lang na-miss ang trick or treat… ako naman… ngayon lang nakapag-trick or treat… hahahaahha… hindi na nga ako binibigyan ng kendi nung mga ate sa museong pambata e…. hahahahahahaha

Posted by edgar at November 1, 2006, 9:09 am

Add a comment