Ako ay isang batang mahilig sa adventures. Kahit ano game ako, kahit saan mo ako dalhin, basta hindi ako pinagbawalan, sasama ako. Ako yung taong hindi umiiyak kapag nawala sa isang lugar na hindi ko kabisado. Ako yung taong trip na trip ang madapa kaya sobrang daming peklat.
Nung Monday, napagdesisyunan ko mag-"Manila Adventure". Mula Diliman, nagcommute ako papuntang MaSci sa Padre Faura tapos tumuloy ako sa Recto para maghanap ng libro sa ES11 dahil naubusan na sa school at sobrang importante na makakuha ako. Ginawa ko ito sa aking four and a half hours break. Ansaya di ba?
Grabe sa Recto. Parang gusto ko sabihin na iyon na ang "hatest"(kung may ganito ngang word) place ko sa Manila. Madumi, magulo, masikip, mainit, maingay, madaming tao. Hindi ko alam kung paano nagiging conducive for learning ang ganitong lugar para sa mga estudyante na nag-aaral sa mga universities na nakapaligid dito gaya ng UE at FEU.
Anyway. Ayun. Mga 1 hour din akong palakad lakad sa recto para maghanap ng libro. Kasalanan ko ba kung hindi ko alam kung saan ang UE?? Nakakainis.
Ang nakakatuwa lang sa adventure na ito ay nasakyan ko lahat ng tren sa manila sa loob ng isang araw. MRT, LRT1 at LRT2. Masasabi ko na ang pinakamaganda syempre ay LRT2 dahil ito ang pinakabago at ang may pinakamaluwag na tren at istasyon. Pinakaayaw ko naman ang LRT1. Nga pala, first time ko rin pala sumakay sa LRT1 nun! Ansaya talaga ng mga first-times!!
Ikaw? Mahilig ka rin ba sa adventures?
Weird. Once a week na lang ako naguupdate. This is so not me. I'm like, so conyo!
Haha. Wala lang. This past week kasi, napagtripan namin (ako, friendX at friendY) yung mga conyo sa KFC sa Katipunan. Wala naman akong galit sa mga taga-THE ARENEYO, sa tingin ko lang mashado silang conyo. Sandali, mukhang may mali ata akong nasabi. Masama nga pala mag-Generalize. Ganito na lang. Karamihan ng mga nakakasalamuha kong taga-ateneo, conyo. Pwede na.
Hindi ko sasabihin na walang masama sa pagiging conyo dahil meron talaga. Kapag conyo ka kasi, ibig sabihin hindi mo kayang magsalita ng isang wika ng diretso. Para sa mga taga-Akademya, isa itong sign ng kahinaan sa wika. Dapat kung magsasalita ka ng English, siguraduhin mong tama ito at wag kang maghahalo ng ibang wika upang walang masabi sayo.
Pero ang pagiging conyo ay hindi lang naman tungkol sa hindi pakakapagsalita ng tuwid na Tagalog o Ingles. Kung baga, iba ang conyo sa barok. Si Manny Pacquaio ay hindi conyo kahit na hindi niya matuwid yung English niya. Ang conyo, may arte sa salita, may confidence at may accent na sobrang kakaiba. Sa sobrang weird nito, hindi siya madaling i-describe.
Speaking of Manny Pacquiao, nanalo siya, di ako mashadong masaya. Medyo late na ito, pero naaawa talaga ako kay Morales. Mashado kasi siyang nagmukhang payat at mahina dahil nagbawas siya ng maraming weight.
Ayun. Update lang sa acads ko. Grabe, windang ako sa ME41 ko. First ever major in my entire life! Kelangan ko magbigay ng extra effort kasi feeling ko mabagal ako makapick-up ngayon. Hay! First exam na namin sa December5!!! Shiit!
uhhh.. eto ang aking peborit na tanong.. wah.. anu ang essence nang pagiging babae?? ahahha..
walang kwenta.. parang ms. universe na tanong
Posted by potpot at November 12, 2006, 2:56 pm
Ang essence ng pagiging babae. Hmmm, di ko alam eh. Puro kasi lalaki yung kasama ko ngayon, parang feeling ko one of the boys na rin ako. Pero kung sasali ako sa beauty pageant at itatanong sa akin yan, baka bumaba na lang ako ng stage dahil di ko talaga matranslate sa tagalog yung meaning ng 'essence'. Angsaklap ko noh?
wla ba ikaw un automatic off ng Lpg? meron kami nun sa pinas. safe pa.
hehe!
ahmm tanong ko, ano mga klase mga panaginip mo? ung mga natatandaan mo lang.
haha ang weird ng tanong ko
good luck sa iyo!:)
Posted by rina at November 13, 2006, 4:22 am
Yung regulator ng LPG ko, manual lang yung pag-on at pag-off. Grabe nga eh, pagbalik ko doon nung monday, talaga palang nakabukas yung regulator. Buti na lang walang nagleak. Hindi nasunog ang "condo". haha!Yung mga panaginip ko, weird. Kasi madalas promiscuous ako sa mga dreams ko. Lagi ko napapanaginipan na kasama ko yung crush ko at may ginagawa kaming kalandian. Ganun. Lakas kasi talaga ng imagination ko eh. Marami din naman ibang types ng dreams pero yun yung madalas. hehe
![]()
san ka sa muntinlupa?
Posted by the Whore at November 13, 2006, 8:22 am
Taga-Katarungan Village ako. Baranggay Poblacion. Ikaw?![]()
sige tanong…
ano ba ang magandang tanong sa iyo? at ano naman ang magandang sagot mo sa magandang tanong na iyon?
Posted by billycoy at November 13, 2006, 1:05 pm
Magandang tanong: Baket ang ganda mo ngayon??
Magandang sagot: Kasi bulag ka lang. Matagal na kaya akong maganda!!
new blog. just follow the link
Posted by tops at November 13, 2006, 6:20 pm
Saan yung tanong?? haha
Ano yung isang nagawa mo na super nire-regret mo at kung mababago mo lang talaga, you’d change?
Ayan, dahil nagtanong ako at sasagutin mo naman… u can ask me one question din
Take care, Still!
Posted by sasha at November 13, 2006, 6:53 pm
Hmm. Siguro yung moment na hindi ko kinonsider yung feelings ng iba. Yung moment na yun kung saan sarili ko lang ang mahalaga sa akin, at hindi ako nag-exert ng effort para intindihin yung mga taong mahalaga sa akin. Ni-reregret ko yun kasi ngayon, iba na talaga yung pakiramdam ko. Kahit kausapin sila, hindi ko magawa. Naiinis ako sa sarili ko.![]()
may tanong ako! Kelan ibabalik ang palabas na Negosyete. nyahaha;-p
Posted by Isaiah at November 14, 2006, 3:45 pm
Magandang tanong yan kaibigang Isaiah! Alam kong excited ka na dahil talaga namang napakaganda ng palabas na ito. Hintay hintay ka lang at malapit na rin yan. Papakiusapan ko ang mga tibak sa UP upang magsagawa ng mobilization upang itaguyod ang napakagandang layunin ng pagpapabalik sa Negosyete.
kung ikaw ay isng superhero… sino ka at ano ang iyong superpowers?
Posted by edgar at November 15, 2006, 1:00 pm
Kung ako ay isang super hero, ako ay si Super Glue at ang power ko ay magiging madikit sa akin ang mga super hot guys! yeboy!!![]()
tanong?
eto.
maituturing bang bioterrorist ang isang tao kapag may contagious disease siya tapos naglalalabas pa rin siya?
sorry, ang random lang talaga niya.
Posted by claire at November 16, 2006, 7:44 pm
Sa aking pananaw, hindi siya bioterrorist. Kasi hindi naman niya choice yung magkaroon siya ng sakit, ang kasalanan lang niya ay lumalabas pa rin siya kahit may sakit siya. Maaaring hindi lang talaga niya alam na contagious pala ang kanyang sakit. Ang mga bioterrorist ay yung mga nagkakalat ng sakit na ang intention talaga ay makasakit ng kapwa. Kung ikaw ay isa lang namang taong nagkasakit ng hindi dsinasadya, malamang ay wala ka ring intensyon na manakit ng iba. Ayun. Anghaba ng sagot ko.. hehe
Ayun. Yan muna. bukas na ang update sa buhay buhay at ang bloghop.
In a few hours, aalis na ulit ako. Babalik na ako sa aking apartment dahil maaga pa yung class ko bukas. At marami pa akong kelangan basahin. Nagaalala nga ako kasi di ko ata nasara yung tanke ng LPG ko bago ako umalis. Baka mamaya masunog na yung buong building dahil lang sa akin. Naku wag naman sana.
One week nanaman di makakatikim ng update itong blog ko. Hay kawawa naman siya. Di bale, malapit na rin akong magkalaptop, SANAAAA!!!
—
Since matagal naman akong mawawala, may hihilingin ako sa mga nagbabasa ng aking blog. Magtanong kayo ng kahit ano sa akin at sasagutin ko sa pagbabalik ko sa friday. Kahit ano, game! Patulan niyo na!
Eto na muna. Hihintayin ko ang mga tanong niyo! Salamat!
—[edit]
Technorati Profile
pinapalagay ng technorati
Pasensya na kayo dahil di ko na madalas mabibisita ang mga blog ninyo. Nagsimula na nung thursday ang mga class namin at syempre career mode na ako dapat. Wala din kasi akong PC sa apartment ko at ayoko naman magrent pa sa labas para lang mag-update ng blog. Sayang kasi yung binabayad namin sa broadband dito sa bahay kaya magtitiis na lang ako.
Kamusta naman ang first night ko sa 'pseudo-independence'?
Ayun, putul-putol ang tulog. Medyo di pa ako sanay na ako yung gumagawa ng lahat. Pag-gising ko, luto ng sariling ulam, luto ng sariling kanin, ligo, linis ng bahay, handa para sa school. Di kasi ako sanay ng hindi nagbebreakfast eh, tapos nagbabaon din pala ako. Ayoko na kasing gumastos para sa pagkain na bibilhin ko sa labas.
Pag-uwi naman, magpapahinga lang ng konti, tapos aasikasuhin naman ang dinner. Kapag may oras pa, maliligo ako. Wala akong kasama kaya malungkot. Mabuti na lang at may kapitbahay ako na kilala ko since elementary kaya komportable ako kahit lalaki siya. Nakikinood lang ako ng TV sa unit niya kasi wala akong sarili. Kapag naman hindi ako nakikinood, binabasa ko ulit yung Tuesdays with Morrie ko. Wala kasi akong ibang libro na nadala eh.
Sa isang gabi na pagstay ko sa apartment nang mag-isa, may natutunan na ako. Hindi pala madali ang mag-isa. Nakakalungkot, pero masaya dahil may challenge. I think this is the best way para mas makilala ko yung sarili ko, para malaman ko kung hanggang saan ba talaga yung kaya ko. Kung magkamali man ako sa ibang mga bagay, ang importante ay matututunan kong bumangon mag-isa.
—
Nalulungkot ako dahil di pa rin kami naguusap ng tatay ko. Matigas ako, matigas siya. Sinusubukan ko siya kausapin pero hindi siya sumasagot sa PM ko. Inaasahan ko na tatawag siya sa akin sa unang gabi ko sa apartment para kamustahin ako pero hindi nangyari yun. Nangyari na ito dati, at parang pakiramdam ko pointless itong away na ito kaya ayoko na ako ang mag-sorry. Pero ako naman ata yung may kasalanan. Ewan ko ba dito sa ego ko kung anong problema niya. Sana maayos na ito, sana lumiit na yung ego ko, sana magpakumbaba na lang ako, sana makaya ko gawin.
—
Bibisita ako sa mga blogs niyo bukas. Relax na lang muna ako ngayong gabi