Tunay na talaga. Tuloy na tuloy na ang aking pag-iisa sa susunod na sem. Syempre masaya ako dahil sa wakas ay hindi na rin ako mapapagod sa araw-araw na pagcocommute. Hindi na ako gagabihin dahil sa traffic at makakapag-aral na ako ng maayos. Pero nakakalungkot pa rin ang mawalay sa pamilya. First time kong hindi uuwi sa bahay ng matagal.
Bukod pa sa pagkamiss sa pamilya, wala din akong computer doon. Wala ding TV. Wala na akong ibang gagawin kundi mag-aral nang mag-aral hanggang wala na akong maaral. Sana lang maging maganda ang kalabasan ng next sem upang di naman masayang ang lahat ng gagawin kong sakripisyo.
Sa December pa siguro ako magkakaroon ng laptop sa apartment. Kaya baka ngayong November, di ako mashadong makakapagbloghop. Baka sa weekends na lang ako makapag-post. At baka sometime in December din ako magkaroon ng TV. Naghahanap pa rin ako ng roommate.
Sana makaya ko ang lahat ng kalungkutan. Sana hindi mapanis ang laway ko sa apartment. Sana maging US ako next sem.
Oi kung may time ka, bisitahin mo naman ako sa apartment ko. Room 65. Ha?
ako rin gusto ko nang lumayas dito sa pamamamahay namin… hahahahha… sawa nako… nakakainggit din ung ibang clasm8s kong may sariling dorm…. hahahahaha… kaya lang for practicality sake…. better pa rin talaga ung andi2 sa bahay… ang lapit lang naman ng bahay namin e… hahahahahahah
cge… dadalaw na lang ako… maghanda ka ate ng pagkain ha…. Room 65?
Cyangapala… na-ilink na rin po kita… hihi
Posted by edgar at November 1, 2006, 1:37 pmingat lang sa panis na laway, baka malason ka niyan o kaya magka-LBM ka, haha.
Posted by billycoy at November 1, 2006, 2:12 pmclaire: salamat sa pag-link.. yung pangalan ng kapatid ko, sabihin ko na lang sayo in private! ehehe.. add mo ko sa YM!
id: ams588
edgar: sige hihintayin kita ha?
add mo rin ako sa ym kung gutso mo!
billycoy: yun na nga yung kinatatakutan ko eh.. ayoko naman mamatay nang dahil lang sa panis na laway! hehe
Posted by stillness at November 1, 2006, 2:40 pmhahaha..asahan na ako jan! pareho pa tayong katipunan ang daan eh, kaya yesssss, mejo magugulo kita once in a while..ahaha..
naks, magiging US ka naman kaya ok lang na medyo may konting kabagutan..hehe! naku bihira na lang magblog? si still? nooooooooooooo
Posted by panghent at November 1, 2006, 7:26 pmwaw panghent! magiging masaya kung magpupunta ka sa apt ko! hehe.. at least may makakasama naman ako.. hehe
hey. i love green! weehee. and i would love to live in an apartment now. haha. peace! ayoko lang sa bahay. tsaka sobrang hassle ng magcommute.
akala mo ang layo ng bahay ko sa skul. taga marikina lang din ako. hehe.
kapwa iskolar, daan ka naman sa aking blog. hihi.
Posted by jod at November 2, 2006, 2:22 amang lungkot nga nun, but siguro maganda na rin yun para maging independent tayo, diba?
ang ganda nga pala dito :p
Posted by jenny at November 2, 2006, 4:59 pmkaya mo yan, sanayan lang namn yan eh.. kahit ako gusto ko na nga din magdorm sa kalagayan ko ba naman eh kailangan talaga, duty na eh hai.. pagod talaga :p nway guluck kaya mo yan!
Posted by jeniffer at November 2, 2006, 7:52 pmTama si jennifer, sanayan lang yan Still.. cge dalawin ka namin dyan. Room 65 ba kamo? hehehe joke!
Posted by sasha at November 2, 2006, 10:13 pmhmm, i assuming na uwian ka nung first sem? saan?
good luck sa sort of mini-independence mo! hehe..
masaya yan, actually, your own personal space. too bad nga lang, at first, wala kang ibang gagawin. hello? nakakabaliw din ang puro aral no! haha! =p
sige ate, link kita. XD
wow aspiring US! haha! siguro ate, CS ka noh? asteeg ka!!
anong pong name ng sister mo sa masci? (kahit kaunti lang kilala ko sa batch 07) n_n
good luck sa home alone drama. *wink wink*
Posted by claire at November 1, 2006, 1:01 pm