Naglinis ako ng kwarto ko kanina. Hinalungkat ang mga sandamakmak na papel na naipon sa aking cabinet. Karamihan sa mga ito mga readings mula sa mga subjects ko ngayong college. Nakakatawang isipin na napakasentimental na tao ko pala. Mahirap para sa akin ang itapon lang basta-basta ang mga bagay. Ultimo resibo ng mga kinainan ko dati, lalo na kung kasama ko ang mga kaibigan ko, tinatago ko parin. Mga ticket ng mga pinanood na play. mga box ng french fries galing sa mcdo, mga pinagbalutan ng mga regalong naibigay sa akin, mga litrato ng mga kaibigan ko nung high school, lumang pambura, lapis, mga sulat. Kalat para sa iba, pero mga alaala para sa akin.
Sa gitna ng aking paglilinis, nakita ko yung ginawa kong speech para sa graduation namin nung high school. Bigla kong naisip na nakakatouch pala yung nagawa kong speech. Ang malungkot na parte, hindi ako pinayagan na yun ang gamiting speech. Gumawa ng panibago ang aking adviser at yun ang pinamemorize sa akin. Sa aking pananaw, hindi naging maganda ang kinalabasan ang aking valedictory speech noon. Unang-una, hindi mula sa puso ko ang mga salitang iyon at pangalawa, hindi ko talaga namemorize yung bagong speech. Kung maibabalik ko lang ang panahon, bibigkasin ko yung ginawa ko sa graduation at sigurado akong marami ang maiinspire.
Wala rin talagang kwenta yung ginawa kong paglilinis kanina. Kung nabawasan man ang "kalat" sa aking cabinet, sigurado akong hindi ko ito mapapansin. Kakaunti lang talaga kasi ang aking mga naitapon.
Fact: Meron akong 13 na boxes ng french fries na naitago. Ang mga ito ay nanggaling sa McDo, Jollibee, Wendy's. Burger King at Carl's Jr. Pinakamarami ang sa McDo. Obsession ba ito?
PS: Sa lahat ng nagkukumento at dumadaan, maraming salamat sa inyo. Mas nakakaganang magsulat kapag alam mong may nakakaapreciate ng mga gawa mo, diba?