Be still. It's my turn.

Home » Post Item » Kalat

Kalat

November 2, 2006

Naglinis ako ng kwarto ko kanina.  Hinalungkat ang mga sandamakmak na papel na naipon sa aking cabinet.  Karamihan sa mga ito mga readings mula sa mga subjects ko ngayong college.  Nakakatawang isipin na napakasentimental na tao ko pala.  Mahirap para sa akin ang itapon lang basta-basta ang mga bagay.  Ultimo resibo ng mga kinainan ko dati, lalo na kung kasama ko ang mga kaibigan ko, tinatago ko parin.  Mga ticket ng mga pinanood na play. mga box ng french fries galing sa mcdo, mga pinagbalutan ng mga regalong naibigay sa akin, mga litrato ng mga kaibigan ko nung high school, lumang pambura, lapis, mga sulat.  Kalat para sa iba, pero mga alaala para sa akin.

Sa gitna ng aking paglilinis, nakita ko yung ginawa kong speech para sa graduation namin nung high school.  Bigla kong naisip na nakakatouch pala yung nagawa kong speech.  Ang malungkot na parte, hindi ako pinayagan na yun ang gamiting speech.  Gumawa ng panibago ang aking adviser at yun ang pinamemorize sa akin.  Sa aking pananaw, hindi naging maganda ang kinalabasan ang aking valedictory speech noon.  Unang-una, hindi mula sa puso ko ang mga salitang iyon at pangalawa, hindi ko talaga namemorize yung bagong speech.  Kung maibabalik ko lang ang panahon, bibigkasin ko yung ginawa ko sa graduation at sigurado akong marami ang maiinspire.

Wala rin talagang kwenta yung ginawa kong paglilinis kanina.  Kung nabawasan man ang "kalat" sa aking cabinet, sigurado akong hindi ko ito mapapansin.  Kakaunti lang talaga kasi ang aking mga naitapon.

Fact:  Meron akong 13 na boxes ng french fries na naitago.  Ang mga ito ay nanggaling sa McDo, Jollibee, Wendy's. Burger King at Carl's Jr.  Pinakamarami ang sa McDo.  Obsession ba ito? :)

PS: Sa lahat ng nagkukumento at dumadaan, maraming salamat sa inyo.  Mas nakakaganang magsulat kapag alam mong may nakakaapreciate ng mga gawa mo, diba?

Posted by stillness at 11:31 pm | permalink

Previous Comments

post your speech here! :)

Posted by dyan at November 3, 2006, 2:34 am

gusto mong mabawasan ang mga yan? gawin mong scrap book or yan ang gamitin mong paper/card para sa mga letters mo sa mga friends mo lalo’t malapit ng magchristmas. you’re not the only one who should remember those things, it’s good to share those moments with them

Posted by billycoy at November 3, 2006, 11:48 am

kalahati sa mga nabanggit mong “basura,” e tinatago ko rin..pero hindi naman yung gift wrappers at boxes ng fries..hehe, kapag “espesyal” lang..haha!

oo nga! post mo naman yung speech mo! :D

Posted by panghent at November 3, 2006, 11:52 am

gawan mo ng scrapbook yung mga nakita mo hehe.

salamat pala sa pagbisita sa blog ko ;) link kita ha?

Posted by sheryl at November 3, 2006, 2:21 pm

hay. di lang pala ako ang senti dito. haha. pero ate, mas senti ka saken kasi tinatapon ko na yung di gaanong senti na resibo at yung box ng french fries. medyo OC kasi ako eh. pero yung mga handouts mula second year high school, nasa akin pa. haha.

tama sina billycoy at sheryl, scrapbook ang solusyon. hihi, yung akin kasi ginagawa ko ring scrapbook para maayos. OC eh. pero kung tinatamad kang gumawa ng scrapbook, pwede namang ilagay na lang ang mga senti stuff sa isang magandang box para hindi mukhang makalat.

bakit naman ganun yung teacher mo? diba dapat ina-assist ka lang niya sa paggawa at hindi siya dapat ang gumawa o nag-judge kung maganda o pangit yung ginawa mo? sana pala ginulat mo siya sa graduation day niyo at ni-recite yung ginawa mo. hahahaha… XD

sorry, haba ng comment ko. LOL.

Posted by claire at November 3, 2006, 4:19 pm

totoo. nahirapan din akong itapon ultimo resibo ng binili kong c2 sa seven-11 sa umaga bago ang aking final exam sa math. hay…

ako din pala, kelangan ko ng magtanggal ng kalat. i need to make room for more readings this sem. haha. at, oo, minsan, nakakakita ako ng kung ano anong papel na kung ano ano rin nakasulat. at sila’y nakatago.

pero, ang pinakatinatago ko ay ang nasirang frames ng luma kong salamin. haha. i have 8 in my box now. haha.

Posted by jod at November 3, 2006, 5:52 pm

Hahaha

Naalala ko yung mga kalat ko sa taas ng bahay namin. Sandamak talaga! Madalas nga akong kagalitan ng daddy ko dahil sobrang dami na raw ng tambak ko… libro, notebooks, letters, pics, etc.

Nakakahinayang kasi magtapon. Lalo na kung may sentimental value yung gamit o “kalat” na makita mo :)

p.s. Thanks sa comment mo ha! U made my day, sis! :)

Posted by sasha at November 3, 2006, 10:39 pm

dyan: sige try ko ipost yung speech.. hehe.. nahihiya ako!

billycoy: wow salamat sa tip! ok nga pang gift yun ngayong christmas eh! hehe.. Salamat!

panghent: asahan mong makakatanggap ka ng box ng french fries galing sa akin ngayong christmas

Sheryl: matrabaho kasi yung scrapbook eh! hehe.. sige , salamat sa paglink

claire: ayus lang ang mahahabang comment! salamat din pala sa tip

jod: nagsasalamin din ako dati pero contacts na ako ngayon. hehe, sana pala tinago ko rin yung mga luma kong salamin noh? hehe

sasha: iba na talaga ang mga senti :)

Salamat sa mga comment!

Posted by stillness at November 4, 2006, 12:52 am

Add a comment