Weird talaga ng tatay ko. Minsan di ko talaga siya masakyan, di ko siya ma-gets, kaya madalas kami nag-aaway. Weird din ako kasi sinasabi ko to, matapos kong sabihin nung isang araw na mahal ko siya.
Mahal ko naman talaga yung tatay ko eh. Yun nga lang, minsan, di ko ma-gets yung pagiging mashadong cerebral niya. Siguro dahil matanda na siya at bata pa ako. Ayoko kasi ng mashadong pinagiisipan yung mga bagay. Para sa akin, sign yun ng indecisiveness. Mali siguro ako, pero kelangan ko pa ng taong mageexplain sa akin ng tama tungkol doon.
Sa sobrang strict ng tatay ko, feeling ko tuloy, nasasakal na ako. Minsan kasi, ang dating sa akin, siya lang ang may karapatan magdecide kasi pag kami ang nagdedecide, laging mali, laging hindi tama. Naaawa na nga ako sa nanay ko, kasi nagkakaroon siya ng feeling na hindi importante yung opinyon niya.
Naisip ko din, baka concerned lang naman yung tatay ko. Protective, over protective. Syempre, puro kasi babae ang mga anak niya. Biruin mong kahit crush lang, uusisain pa rin niya.
Pero sana lang, dagdagan naman niya yung trust niya sa amin dahil hindi naman namin siya niloloko eh. Never namin siya lolokohin, hinding hindi ko magagawa yun. Mahal ko ang pamilya ko at hinding-hindi ako gagawa ng bagay na makakasakit sa kanila. Kaya nga ako nag-aaral ng mabuti para maging masaya naman sila kahit pabigat ako. Sana lang maisip nila yun.
Tama na ito, madrama na.
Enrolment na bukas! Kitakits mga isko!!