Weird talaga ng tatay ko. Minsan di ko talaga siya masakyan, di ko siya ma-gets, kaya madalas kami nag-aaway. Weird din ako kasi sinasabi ko to, matapos kong sabihin nung isang araw na mahal ko siya.
Mahal ko naman talaga yung tatay ko eh. Yun nga lang, minsan, di ko ma-gets yung pagiging mashadong cerebral niya. Siguro dahil matanda na siya at bata pa ako. Ayoko kasi ng mashadong pinagiisipan yung mga bagay. Para sa akin, sign yun ng indecisiveness. Mali siguro ako, pero kelangan ko pa ng taong mageexplain sa akin ng tama tungkol doon.
Sa sobrang strict ng tatay ko, feeling ko tuloy, nasasakal na ako. Minsan kasi, ang dating sa akin, siya lang ang may karapatan magdecide kasi pag kami ang nagdedecide, laging mali, laging hindi tama. Naaawa na nga ako sa nanay ko, kasi nagkakaroon siya ng feeling na hindi importante yung opinyon niya.
Naisip ko din, baka concerned lang naman yung tatay ko. Protective, over protective. Syempre, puro kasi babae ang mga anak niya. Biruin mong kahit crush lang, uusisain pa rin niya.
Pero sana lang, dagdagan naman niya yung trust niya sa amin dahil hindi naman namin siya niloloko eh. Never namin siya lolokohin, hinding hindi ko magagawa yun. Mahal ko ang pamilya ko at hinding-hindi ako gagawa ng bagay na makakasakit sa kanila. Kaya nga ako nag-aaral ng mabuti para maging masaya naman sila kahit pabigat ako. Sana lang maisip nila yun.
Tama na ito, madrama na.
Enrolment na bukas! Kitakits mga isko!!
pareho pala tatay natin.. lolo ko kasi galing militar kaya nahawa siguro sya sa pagpapalaki sa amin. parang may martial law palagi haha. siguro ganun talaga ang mga tatay..
uy di kita naaabutang online sa ym..
Posted by sheryl at November 6, 2006, 12:48 pmhehe,, naks.. 2nd sem na..
aun, reply dun sa comment mo sa post ko!
–ngek! di ako mayaman nuh! ala din ako pera! hahaha
Posted by paeng at November 6, 2006, 7:34 pmhindi ko naranasang magkatatay kaya hindi ko alam ang feeling ng ganyan.
pero, siguro, the best, talk to him, diba?
Posted by the Whore at November 6, 2006, 7:43 pmuhm.. ganun daw talga ang mga tatay.. like my dad.. tapos unica ija pa ako. kaya sobrang strict! as in. kaya kinabahan ako nung pinakilala ko sa kanya yung BF ko..
pero one time nung retreat ko, binigyan niya ako ng letter. sinulat niya dun, kaya lang daw siya naging over protective sakin kasi im the best ever treasure the he ever had in his whole life. kaya aun..
siguro ganun din yung dad mo sayo.. sobrang inaalagaan ka lng niya dahil mahal na mahal ka niya.
:) tc. good luck po sa pasukan!
Posted by ikay at November 7, 2006, 12:32 amganun talaga mga tatay. they are authoritative. akala mo lang siguro di niya pinapakinggan ang mga opinyon niyo. men are not showy kasi and at the same time, egotistic din. di yun maaalis. unawain mo na lang sila, someday malalaman mo rin kung bakit sila ganun.
Posted by billycoy at November 7, 2006, 10:33 am“no country treats its women as equal as its men.”
totoo ‘yun. kahit sabihing marami na ‘yung puwede gawin ng mga kababaihan today, they always fall behind men. ganoon talaga ang society na nakamulatan natin. napaka-patriarchal. laging tama si dad or si kuya. pero siguro, once in a while, dapat sinasabi natin sa kanila na inappropriate na minsan ‘yung ginagawa nila.
i dont think women are vulnerable. all women can stand on their own. but the society considers women as a fragile one, kaya parang ganun ‘yung mentality ng iba. babae kasi. mahina, malamya, malambot. sa ganung mentality kasi tayo sine-shape ng society. and dagdag mo pang old-fashioned dad mo.
im not saying na mali siya. i can see that he loves you and your whole family. siguro ang sa akin lang, hindi niya kailangang maging protective nang sobra. siguro maging protective siya in a way na sinasabihan niya kayo but not to the point na nakokontrol ‘yung ginagawa ninyo. pag protective kasi masyado, parang it means na mas superior siya sa inyo, na kaya niya kayong i-shield at i-save mula sa lahat ng problema at gusot.
hope you got my point. sorry ang haba ng comment. ui, palink naman dun sa isko bloggers mo! salamat!
ate, musta enrolment? nagulat ako ganun paal ka-hassle…
anyway….
baliktad naman sa family namin… although my father’s the one working for us… ung mama ko ung nagiging decision-maker… palagi…. and that means my father almost has no say in most situations….. napakabait naman kc ng papa ko…. there are times na pointless na talaga minsan at alam na siguro niyang mali sya, but my mom won’t admit it…. ipagpapatuloy pa rin nya… para sa kanya laging siya ang tama….
pero on second thought… buhay pa rin naman kaming lahat… at nakakasurvive….
so i guess…. tama talagang… nothing’s perfect… siguro we just have to accept each other’s shortcomings…. and look on their positive traits instead…..
hahahahahaha….
mejo serious ata un…. anyway… sana ay natapos po ninyo ung enrolment…. the hassle-ful enrolment…. hahahahahha
uhm. ako man ay naiwirdohan sa tatay ko.
Posted by bulitas at November 6, 2006, 11:05 ammagulo kasing kausap.
pero mahal ko siya at naa-appreciate ko mga ginagawa niya para sa amin.
yun nga lang, magulo xa.
=)
ox lang yan.
cheer up.
pasukan na namn! woohoo!