Be still. It's my turn.

Home » Post Item » Wala eh

Wala eh

November 7, 2006

Enrolan kanina.  Hindi naman nag-init ang dugo ko, hindi gaya ng mga nagdaan na semestre kung saan dinudugo na lahat ng pwedeng duguin sa akin dahil sa kahihintay sa bulok at mabagal na sistema ng pag-eenrol sa UP.  Ganun talaga eh, yan ang kapalit ng mura at dekalidad na edukasyon. 

Medyo tanghali na ako nakarating kaya naman hindi ko na nakita yung mga kaibigan ko sa madalas namin tambayan.  Akala ko solo flight na ako buong araw, mabuti na lang at nakita ko sa paolo sa hagdan.  Hindi ko na ikukwento ang buong proseso, basta hindi ako nakapagbayad ng tuition ngayon dahil kulang pa ako ng subject.

Naging masaya ang araw ko ngayon.  Nanood kami ng sine sa aming bakanteng oras.  Anghirap magkwento, baka may makabasang hindi dapat magbasa.  Pasensya na.

Ako yung tipo ng tao na hindi nagbibigay ng limos.  Bukod sa wala akong pera, malakas ang paninindigan ko na hindi sa ganoong paraan dapat makuha ng mga tao ang pangangailangan nila.  Sa tingin ko, hindi dapat masanay ang mga mahihirap na nanghihingi na lang, dahil lalo silang hindi makakaahon sa kung ano mang kinalulubugan nila.

Kung ikaw ay madalas dumadaan sa Quezon Avenue, sigurado akong nakita mo na yung mga batang umaakyat sa jeep at nagpupunas ng mga sapatos.  Sigurado akong napansin mo na hindi naman talaga nalilinis ang mga sapatos dahil madumi din ang basahan.  Sigurado akong binigyan mo na sila ng limos kahit isang beses lang.  At sigurado din akong wala kang narinig na "Thank You" matapos mong ibigay ang iyong kaunting barya.

Siguro nakita mo na rin yung batang nangungurot kapag hindi mo siya binigyan ng pera.  Sasadyain niyang hawakan ang iyong puting pantalon gamit ang kanyang mga kamay na nanlilimahid sa dumi.  Magmamakaawa at tatangkaing ilapit ang kanyang maruming mukha sa iyong mukha.  Kapag walang nakuhang pera mula sa kahit isa mang pasahero, padabog itong baba ng sasakyan.  Maaring matyempuhan mo pang bad trip siya at marinig mo siyang sumigaw na "Mga kuripot!"

Mas masarap sana silang tulungan kung maganda lamang ang kanilang mga ugali.  Kung sana ay tinuturuan man lang sila ng kanilang mga magulang.  Galit ako sa mga magulang ng mga batang ito.  Sa tingin ko, sila ay mga iresponsableng mga tao.  Inaasa nila sa mga anak ang kakainin sa araw-araw.  Ang mga batang ito ay dapat nakakapag-aral, nakakapag-laro sa ligtas na lugar at hindi sa lansangan.  Karapatan nila yun.

Hinawakan niya ang puti kong pantalon gamit ang nanlilimahid niyang kamay.  Inilapit niya ang kanyang maruming mukha sa aking mukha.  Nanglilimos sa akin ang batang iyon, ngunit hindi ko siya binigyan.  Hindi dahil sakim akong tao, kundi dahil gusto kong maisip nila na hindi lang yun ang paraan para mabuhay.

Ngumiti na lang ako at sinabing, "Wala eh"

Posted by stillness at 8:25 pm | permalink

Previous Comments

i don’t know, but maybe, it’s just life.

and life, well, we have to accept it’s the way it goes.

kahit pa nga naiinis, naiirita, naaawa, o ayaw natin ng ganon.

Posted by the Whore at November 7, 2006, 9:45 pm

hnd kea nakkbdtrip ung ganun hlmbwa puti ang pantalon mo ts my meeting kuno ka.. haaha.. :) peo aus lng.. tma nga siguro si yna.. it’s part of life.. heheh

Posted by potpot at November 8, 2006, 5:37 am

buti ka pa ate, di gaanong madugo ang enrollment mo. freshie pa nga lang ako, harsh na masyado sa akin ang enrollment. T____T mas masuwerte pa saken yung ibang upperclassmen. LOL.

***

ayoko din silang bigyan dahil nung minsang tumatawid ako sa intersection na yung ng quezon avenue at agham (papunta kasi akong napocor dahil sasabay ako sa daddy ko) may mga bata, amoy rugby.

pero sa ibang bagay naman tulad ng pagkain, hindi naman ako nagdadamot basta may dala akong pagkain. ;) basta never akong nagbigay ng pera.

Posted by claire at November 8, 2006, 10:01 am

ang problema kasi sa kanila, kapag pagkain yung binigay mo, parang disappointed pa sila.. ayun.. hehe

Posted by stillness at November 8, 2006, 10:07 am

ako rin di rin namimigay sa kanila… kung alam lang din nila kung gaano kahirap kumita ng pera, sana nga alam nila yun. kung gusto nilang magkapera, magtrabaho sila. bilib nga ako sa mga batang nagkukusang magtrabaho para lang may makain. mas mabuti ding alam nila ang hirap ng buhay at di sila dedepende na lamang sa pamamalimos at panghihingi. sila ang mga dapat kaawaan at dapat tulungan.

Posted by billycoy at November 8, 2006, 2:55 pm

DEDMA… yan lang lagi reaksiyon ko kapag may mga ganyang bata…. ni hindi ko sila pinapansin…. ung katabi ko once sa dyip… binigyan niya ng tinapay… aba itinapon… sosyal siya ha… tapos ung sa sc… hinhingi ung pagkain namin nung kaibigan ko.. parang gusto kong sabihin… ano ka hilo? close ba tau?…. hahahahahaha… pero di ko nasabi since may mga dala silang stick ng fishball…. ayoko namang siya ang huli kong makasalamuha bago ako pumanaw no…. hahahahahaahahah….
anyway… mabuti naman pala at mejo maayos ang enrollment mo… i bet isa ka rin sa nabwibwiset sa tricol policy… hahahahaha… ang bitter namin ni claire sa tricol na yan… hahahahaah….

Posted by edgar at November 8, 2006, 3:51 pm

sinwerte ako this enrollment. pagdating ko kaninang umaga, may form 5 na. hahaha. pero kahapon pa ko dun. sa CAMP. hahaha. :)

Posted by arnel at November 8, 2006, 6:52 pm

ako din hindi nagbibigay eh, kasi oo gaya ng sabi mo, medyo hindi kagandahan ang ugali nila..meron naman ako mga nakikitang mababait at magalang pa, ung mga yun pagkain naman ang inaabot ko, syempre kung may pagkain at hand..hehehe

namiss ko ang blog na to!! grabinessss!! kita kits sa skul.. sana classmates tayo sa kahit isang subject lang! huhuhu..

:)

Posted by panghent at November 8, 2006, 10:14 pm

uu nga naman..Yung dati nga eh hinila pa ako… Syet yun..ansama.. Kaya di din ako nagbigay. Panig ako sau Still^_^ uuy yung link ex. Link na kita.

Posted by Isaiah at November 9, 2006, 7:52 pm

hindi talaga swerte ‘yung enrolment ko. ‘yung iba, late na nga nag-enrol, halos three hours lang tinapos. pag maaga naman, aabutin ka ng siyam-siyam. hay.

hindi ko rin binibigyan ‘yung mga nanlilimos, though palagay ko hindi naman nila kasalanan na wala silang makain. palagay ko rin, hindi naman kasalanan ng mga magulang nila na wala silang trabaho, puwera na nga lang kung talagang iniaasa sa kanila ng mga parents nila ‘yung pagwo-work. tama ka sa pagsasabing hindi dapat maging ganoon ‘yung perception nila para maka-survive sa buhay. they have to at least work their asses out. :D

Posted by gerome at November 10, 2006, 7:36 pm

*The more you learn, the more you know.

Posted by Christian Louboutin Replica at December 11, 2010, 2:30 pm

Add a comment