Be still. It's my turn.

Home » Post Item » Ang totoo

Ang totoo

November 10, 2006

Pasensya na kayo dahil di ko na madalas mabibisita ang mga blog ninyo.  Nagsimula na nung thursday ang mga class namin at syempre career mode na ako dapat.  Wala din kasi akong PC sa apartment ko at ayoko naman magrent pa sa labas para lang mag-update ng blog.  Sayang kasi yung binabayad namin sa broadband dito sa bahay kaya magtitiis na lang ako.

Kamusta naman ang first night ko sa 'pseudo-independence'?

Ayun, putul-putol ang tulog.  Medyo di pa ako sanay na ako yung gumagawa ng lahat.  Pag-gising ko, luto ng sariling ulam, luto ng sariling kanin, ligo, linis ng bahay, handa para sa school.  Di kasi ako sanay ng hindi nagbebreakfast eh, tapos nagbabaon din pala ako.  Ayoko na kasing gumastos para sa pagkain na bibilhin ko sa labas. 

Pag-uwi naman, magpapahinga lang ng konti, tapos aasikasuhin naman ang dinner.  Kapag may oras pa, maliligo ako.  Wala akong kasama kaya malungkot.  Mabuti na lang at may kapitbahay ako na kilala ko since elementary kaya komportable ako kahit lalaki siya.  Nakikinood lang ako ng TV sa unit niya kasi wala akong sarili.  Kapag naman hindi ako nakikinood, binabasa ko ulit yung Tuesdays with Morrie ko.  Wala kasi akong ibang libro na nadala eh.

Sa isang gabi na pagstay ko sa apartment nang mag-isa, may natutunan na ako.  Hindi pala madali ang mag-isa.  Nakakalungkot, pero masaya dahil may challenge.  I think this is the best way para mas makilala ko yung sarili ko, para malaman ko kung hanggang saan ba talaga yung kaya ko.  Kung magkamali man ako sa ibang mga bagay, ang importante ay matututunan kong bumangon mag-isa.

Nalulungkot ako dahil di pa rin kami naguusap ng tatay ko.  Matigas ako, matigas siya.  Sinusubukan ko siya kausapin pero hindi siya sumasagot sa PM ko.  Inaasahan ko na tatawag siya sa akin sa unang gabi ko sa apartment para kamustahin ako pero hindi nangyari yun.  Nangyari na ito dati, at parang pakiramdam ko pointless itong away na ito kaya ayoko na ako ang mag-sorry.  Pero ako naman ata yung may kasalanan.  Ewan ko ba dito sa ego ko kung anong problema niya.  Sana maayos na ito, sana lumiit na yung ego ko, sana magpakumbaba na lang ako, sana makaya ko gawin.

Bibisita ako sa mga blogs niyo bukas.  Relax na lang muna ako ngayong gabi :)

Posted by stillness at 7:27 pm | permalink

Previous Comments

ganyan din ako nung unang beses kong magdorm. naiyak pa nga ako eh. pero syempre kailangan tsaka matututo talaga tayo. masasanay ka rin ;)

baka pala di na ako lumipat. salamat na rin!

Posted by sheryl at November 10, 2006, 10:28 pm

ayus lang :) salamat din :)

Posted by stillness at November 10, 2006, 10:37 pm

iniisip ka rin nun at nag-aalala… ;)

Posted by dyan at November 11, 2006, 1:19 am

mahirap ata talaga mag-isa. pero kaya.

saka,yung father mo, iniisip ka rin non. pride alng yon.

Posted by th at November 11, 2006, 2:42 am

kahit mag-isa lang si robinson crusoe sa island na yun for years, natuto naman siya ng mga bagay-bagay at nagsurvive siya. ;)

kaya mo yan! faito!!!

Posted by claire at November 11, 2006, 5:14 pm

indeed, being alone is lonely sometimes. but since hindi ka naman forever na alone diyan, hehe, ok lang, diba? it’s enough to give you your own space to, like you said, realize yourself. i bet magkakaroon ka ng maraming senti-sentihan moments, hehe!

too bad nga lang, wala kang sariling pc. ako, kahit ako lang mag-isa, basta’t may pc / laptop, madami na ako pwedeng gawin the whole night. kung di man manood ng mga tv series, pwede rin magsulat ng kung anu-ano, diba?

Posted by REX at November 12, 2006, 2:05 am

good luck ah :) ako nga rin busy di makadaan sa mga blog :)

Posted by rina at November 12, 2006, 12:03 pm

Add a comment