Be still. It's my turn.

Home » Archives » 17. November 2006

Etong Sagot

November 17, 2006

uhhh.. eto ang aking peborit na tanong.. wah.. anu ang essence nang pagiging babae?? ahahha.. ) walang kwenta.. parang ms. universe na tanong

Posted by potpot at November 12, 2006, 2:56 pm

Ang essence ng pagiging babae.  Hmmm, di ko alam eh. Puro kasi lalaki yung kasama ko ngayon, parang feeling ko one of the boys na rin ako.  Pero kung sasali ako sa beauty pageant at itatanong sa akin yan, baka bumaba na lang ako ng stage dahil di ko talaga matranslate sa tagalog yung meaning ng 'essence'.  Angsaklap ko noh?

wla ba ikaw un automatic off ng Lpg? meron kami nun sa pinas. safe pa. P hehe!

ahmm tanong ko, ano mga klase mga panaginip mo? ung mga natatandaan mo lang. )

haha ang weird ng tanong ko ) good luck sa iyo!:)

Posted by rina at November 13, 2006, 4:22 am

Yung regulator ng LPG ko, manual lang yung pag-on at pag-off.  Grabe nga eh, pagbalik ko doon nung monday, talaga palang nakabukas yung regulator.  Buti na lang walang nagleak.  Hindi nasunog ang "condo". haha!

Yung mga panaginip ko, weird.  Kasi madalas promiscuous ako sa mga dreams ko.  Lagi ko napapanaginipan na kasama ko yung crush ko at may ginagawa kaming kalandian.  Ganun.  Lakas kasi talaga ng imagination ko eh. Marami din naman ibang types ng dreams pero yun yung madalas. hehe :)

san ka sa muntinlupa?

Posted by the Whore at November 13, 2006, 8:22 am

Taga-Katarungan Village ako.  Baranggay Poblacion.  Ikaw? :)

sige tanong…

ano ba ang magandang tanong sa iyo? at ano naman ang magandang sagot mo sa magandang tanong na iyon?

Posted by billycoy at November 13, 2006, 1:05 pm

Magandang tanong:  Baket ang ganda mo ngayon??
Magandang sagot:  Kasi bulag ka lang.  Matagal na kaya akong maganda!!

new blog. just follow the link

Posted by tops at November 13, 2006, 6:20 pm

Saan yung tanong?? haha

Ano yung isang nagawa mo na super nire-regret mo at kung mababago mo lang talaga, you’d change?

Ayan, dahil nagtanong ako at sasagutin mo naman… u can ask me one question din )

Take care, Still!

Posted by sasha at November 13, 2006, 6:53 pm

Hmm.  Siguro yung moment na hindi ko kinonsider yung feelings ng iba.  Yung moment na yun kung saan sarili ko lang ang mahalaga sa akin, at hindi ako nag-exert ng effort para intindihin yung mga taong mahalaga sa akin.  Ni-reregret ko yun kasi ngayon, iba na talaga yung pakiramdam ko.  Kahit kausapin sila, hindi ko magawa.  Naiinis ako sa sarili ko. :(

may tanong ako! Kelan ibabalik ang palabas na Negosyete. nyahaha;-p

Posted by Isaiah at November 14, 2006, 3:45 pm

Magandang tanong yan kaibigang Isaiah!  Alam kong excited ka na dahil talaga namang napakaganda ng palabas na ito.  Hintay hintay ka lang at malapit na rin yan.  Papakiusapan ko ang mga tibak sa UP upang magsagawa ng mobilization upang itaguyod ang napakagandang layunin ng pagpapabalik sa Negosyete.

kung ikaw ay isng superhero… sino ka at ano ang iyong superpowers?

Posted by edgar at November 15, 2006, 1:00 pm

Kung ako ay isang super hero, ako ay si Super Glue at ang power ko ay magiging madikit sa akin ang mga super hot guys! yeboy!! :D

tanong?

eto.

maituturing bang bioterrorist ang isang tao kapag may contagious disease siya tapos naglalalabas pa rin siya?

sorry, ang random lang talaga niya.

Posted by claire at November 16, 2006, 7:44 pm

Sa aking pananaw, hindi siya bioterrorist.  Kasi hindi naman niya choice yung magkaroon siya ng sakit, ang kasalanan lang niya ay lumalabas pa rin siya kahit may sakit siya.  Maaaring hindi lang talaga niya alam na contagious pala ang kanyang sakit.  Ang mga bioterrorist ay yung mga nagkakalat ng sakit na ang intention talaga ay makasakit ng kapwa.  Kung ikaw ay isa lang namang taong nagkasakit ng hindi dsinasadya, malamang ay wala ka ring intensyon na manakit ng iba. Ayun. Anghaba ng sagot ko.. hehe

Ayun. Yan muna.  bukas na ang update sa buhay buhay at ang bloghop. :)

Posted by stillness at 10:19 pm | permalink | comments[6]