Be still. It's my turn.

Home » Archives » 24. November 2006

Conyo si Manny Pacquiao kaya may exam ako sa December5

November 24, 2006

Weird.  Once a week na lang ako naguupdate.  This is so not me.  I'm like, so conyo!

Haha.  Wala lang.  This past week kasi, napagtripan namin (ako, friendX at friendY) yung mga conyo sa KFC sa Katipunan.  Wala naman akong galit sa mga taga-THE ARENEYO, sa tingin ko lang mashado silang conyo.  Sandali, mukhang may mali ata akong nasabi.  Masama nga pala mag-Generalize.  Ganito na lang.  Karamihan ng mga nakakasalamuha kong taga-ateneo, conyo.  Pwede na.

Hindi ko sasabihin na walang masama sa pagiging conyo dahil meron talaga.  Kapag conyo ka kasi, ibig sabihin hindi mo kayang magsalita ng isang wika ng diretso.  Para sa mga taga-Akademya, isa itong sign ng kahinaan sa wika.  Dapat kung magsasalita ka ng English, siguraduhin mong tama ito at wag kang maghahalo ng ibang wika upang walang masabi sayo.

Pero ang pagiging conyo ay hindi lang naman tungkol sa hindi pakakapagsalita ng tuwid na Tagalog o Ingles.  Kung baga, iba ang conyo sa barok.  Si Manny Pacquaio ay hindi conyo kahit na hindi niya matuwid yung English niya.  Ang conyo, may arte sa salita, may confidence at may accent na sobrang kakaiba.  Sa sobrang weird nito, hindi siya madaling i-describe.

Speaking of Manny Pacquiao, nanalo siya, di ako mashadong masaya.  Medyo late na ito, pero naaawa talaga ako kay Morales.  Mashado kasi siyang nagmukhang payat at mahina dahil nagbawas siya ng maraming weight.

Ayun.  Update lang sa acads ko.  Grabe, windang ako sa ME41 ko.  First ever major in my entire life!  Kelangan ko magbigay ng extra effort kasi feeling ko mabagal ako makapick-up ngayon.  Hay!  First exam na namin sa December5!!! Shiit!

Posted by stillness at 9:21 pm | permalink | comments[6]