Be still. It's my turn.

Home » Post Item » Conyo si Manny Pacquiao kaya may exam ako sa December5

Conyo si Manny Pacquiao kaya may exam ako sa December5

November 24, 2006

Weird.  Once a week na lang ako naguupdate.  This is so not me.  I'm like, so conyo!

Haha.  Wala lang.  This past week kasi, napagtripan namin (ako, friendX at friendY) yung mga conyo sa KFC sa Katipunan.  Wala naman akong galit sa mga taga-THE ARENEYO, sa tingin ko lang mashado silang conyo.  Sandali, mukhang may mali ata akong nasabi.  Masama nga pala mag-Generalize.  Ganito na lang.  Karamihan ng mga nakakasalamuha kong taga-ateneo, conyo.  Pwede na.

Hindi ko sasabihin na walang masama sa pagiging conyo dahil meron talaga.  Kapag conyo ka kasi, ibig sabihin hindi mo kayang magsalita ng isang wika ng diretso.  Para sa mga taga-Akademya, isa itong sign ng kahinaan sa wika.  Dapat kung magsasalita ka ng English, siguraduhin mong tama ito at wag kang maghahalo ng ibang wika upang walang masabi sayo.

Pero ang pagiging conyo ay hindi lang naman tungkol sa hindi pakakapagsalita ng tuwid na Tagalog o Ingles.  Kung baga, iba ang conyo sa barok.  Si Manny Pacquaio ay hindi conyo kahit na hindi niya matuwid yung English niya.  Ang conyo, may arte sa salita, may confidence at may accent na sobrang kakaiba.  Sa sobrang weird nito, hindi siya madaling i-describe.

Speaking of Manny Pacquiao, nanalo siya, di ako mashadong masaya.  Medyo late na ito, pero naaawa talaga ako kay Morales.  Mashado kasi siyang nagmukhang payat at mahina dahil nagbawas siya ng maraming weight.

Ayun.  Update lang sa acads ko.  Grabe, windang ako sa ME41 ko.  First ever major in my entire life!  Kelangan ko magbigay ng extra effort kasi feeling ko mabagal ako makapick-up ngayon.  Hay!  First exam na namin sa December5!!! Shiit!

Posted by stillness at 9:21 pm | permalink

Previous Comments

naku. minsan nakakaasar na parang si manny pacquiao na yung bida sa primetime at hindi na sina yung mga bida ng soap operas. but anyway… XD pero nakakatawa talaga na zero ang crime rate sa metro manila nung lumaban siya. mga pilipino tlaga…

on the conyo issue, i’d REALLY prefer to speak in straight english or straight filipino but definitely not conyo.

p.s.: ang saya nung Mark na nagcomment sayo. ang pathetic niya. LOL. ang sarap niyang tawanan!!! bwahahaha!!

anyway, mas cute talaga ni sir paraan pag naka-smile! LOL!!! *fangirls*

Posted by claire at November 25, 2006, 6:27 pm

Wah bigla akong nabadtrip dun sa Mark na yun. Hindi daw niya pinagmamayabang yung grade niya tapos ilalagay pa niya sa comment niya kung ano yung GWA niya.

In the first place, hindi naman ako nagyayabang eh, natutuwa lang ako dahil first time ko maging CS. At saka, blog ko naman ito ha, may karapatan akong magyabang(kung yun ang gusto niyo itawag sa ginawa ko)

Saka taga-UP ba siya? baka naman 1.2 yung GWA niya tapos puro GE naman. C’mon get a life!

Hay nako. I hate flamers. Very nasty people, i say.

Dumaan si sir paraan sa room namin nung isang araw!! wee! kinilig ako! kagwapo!!

Posted by stillness at November 25, 2006, 8:11 pm

may mga konyo naman na hindi masakit sa tengang pakinggan. pero ang iba, talagang mapapatakip ka na lang ng tenga pag narinig mong magsalita. tsktsk. buhay nga naman.

goodluck sa exam mo sa iyong very first major. wala pa kaming major eh, next year pa. pero may exam naman sa ES onse sa dec 4. goodluck naman!

Posted by jod at November 26, 2006, 1:48 pm

buti na lang wala naman akong mga kaibigang hard core conyo, complete with the accent at confidence na tinutukoy mo.

haha, tama ka nga eh..kahinaan talaga ang pagiging conyo. hindi makapili kung alin ang gagamitin, tsktsk. may fil40 pa naman akong subject..haha, magiging matatas na rin kaya ako sa pananagalog? whoo!!

Posted by panghent at November 27, 2006, 12:22 am

ahhh… conyo… ayokong gamitin ang term na yan… lalo kung spanish ka at narinig mo yan.

but anyway, meron naman kasing binabagayan nun, meron kasi obvious na TH lamang.

Posted by billycoy at November 27, 2006, 1:33 pm

Hindi ko alam kung paano ako napadpad dito. haha

Posted by Joanne at February 23, 2008, 10:55 am

Add a comment