Be still. It's my turn.

Home » Archives » 30. November 2006

Add Ben, Sure?

November 30, 2006

Ako ay isang batang mahilig sa adventures.  Kahit ano game ako, kahit saan mo ako dalhin, basta hindi ako pinagbawalan, sasama ako.  Ako yung taong hindi umiiyak kapag nawala sa isang lugar na hindi ko kabisado.  Ako yung taong trip na trip ang madapa kaya sobrang daming peklat.

Nung Monday, napagdesisyunan ko mag-"Manila Adventure".  Mula Diliman, nagcommute ako papuntang MaSci sa Padre Faura tapos tumuloy ako sa Recto para maghanap ng libro sa ES11 dahil naubusan na sa school at sobrang importante na makakuha ako.  Ginawa ko ito sa aking four and a half hours break.  Ansaya di ba?

Grabe sa Recto.  Parang gusto ko sabihin na iyon na ang "hatest"(kung may ganito ngang word) place ko sa Manila.  Madumi, magulo, masikip, mainit, maingay, madaming tao.  Hindi ko alam kung paano nagiging conducive for learning ang ganitong lugar para sa mga estudyante na nag-aaral sa mga universities na nakapaligid dito gaya ng UE at FEU.

Anyway.  Ayun.  Mga 1 hour din akong palakad lakad sa recto para maghanap ng libro.  Kasalanan ko ba kung hindi ko alam kung saan ang UE??  Nakakainis.

Ang nakakatuwa lang sa adventure na ito ay nasakyan ko lahat ng tren sa manila sa loob ng isang araw.  MRT, LRT1 at LRT2.  Masasabi ko na ang pinakamaganda syempre ay LRT2 dahil ito ang pinakabago at ang may pinakamaluwag na tren at istasyon.  Pinakaayaw ko naman ang LRT1.  Nga pala, first time ko rin pala sumakay sa LRT1 nun! Ansaya talaga ng mga first-times!!

Ikaw?  Mahilig ka rin ba sa adventures?

Posted by stillness at 9:58 am | permalink | comments[5]