Be still. It's my turn.

Home » Archives » 01. December 2006

Solid, pare, SOLID!!

December 1, 2006

Una sa lahat, gusto ko humingi ng paumanhin kung may mga nasaktan man ako sa last kong post.  Mashado ko kasing minaliit at nilait ang Recto at hindi ko naisip na baka nga may masagasaan ako na feelings ng ibang tao.  Pasensya na talaga.

Napapansin ko na lately, puro aral na lang ang bukang-bibig ko.  Hindi ako dati ganito.  Dati, nag-aaral lang ako kapag may exam.  Pero ngayon, bawat gabi, nag-aaral ako.  Nagbabasa na ako ng mga textbooks na hate na hate kong gawin dati.  Iba talaga naidudulot ng kawalan ng TV.

Iniisip ko tuloy minsan, pano kaya kung kahit sobrang nag-effort na ako sa pag-aaral, in the end, bagsak pa rin yung mga exams ko?  Ibig lang ba sabihin nun bobo talaga ako?  Maaaring mawalan ako ng tiwala sa sarili ko at yun ang pinaka-ayaw ko na mangyari, lalo na ngayon.

Bukod pa sa pressure sa studies(na ako mismo ang nagdudulot sa aking sarili), pressured din ako sa mga friends ko.  Di ko alam kung friends na nga ang dapat ko itawag sa kanila pero iniisip ko na lang, since hindi ko naman sila kaaway, malamang friends ko nga sila.  Meron kasing mga group of people na niyaya akong sumali sa kanila.  Mukhang masaya ang samahan nila, aaminin ko yun.  Ang iniisip ko lang, pano na lang ang studies ko(na malaki ang possibilidad na mapabayaan ko dahil hindi naman sila conscious mashado sa studies nila, so baka mahawa ako) at pati na rin ang parents ko(na malaki mashado ang tiwala sa akin na hindi ako sasama sa mga ganoong tao) at pati na rin ang mga barkada ko na ngayon(na mahirap nang iwanan dahil parang blockmate at kapatid na rin ang turing ko sa kanila).  Mashadong madaming dapat i-consider at nahahassle na ang utak ko.  Sa tingin ko, kuntento na ako sa barkadang meron ako ngayon.

Yung barkada ko kasi ngayon, hindi GC pero mataas ang mga grade.  Walang bumabagsak sa kanila (at least, so far).  At mabait sila, kahit may katarantaduhan din minsan.  Tamang gaguhan lang kapag tinopak.

Dapat nga ma-OP ako sa kanila kasi isang block sila, samantalang ako, naligaw lang sa block nila.  Pero never kong na-feel na outcast ako.  Never nila pinaramdam sa akin na hindi ako dapat doon.  At masaya ako dahil doon.

Pasensya na, pero solid crest muna ako. :)

Posted by stillness at 8:09 pm | permalink | comments[6]