Be still. It's my turn.

Home » Post Item » Solid, pare, SOLID!!

Solid, pare, SOLID!!

December 1, 2006

Una sa lahat, gusto ko humingi ng paumanhin kung may mga nasaktan man ako sa last kong post.  Mashado ko kasing minaliit at nilait ang Recto at hindi ko naisip na baka nga may masagasaan ako na feelings ng ibang tao.  Pasensya na talaga.

Napapansin ko na lately, puro aral na lang ang bukang-bibig ko.  Hindi ako dati ganito.  Dati, nag-aaral lang ako kapag may exam.  Pero ngayon, bawat gabi, nag-aaral ako.  Nagbabasa na ako ng mga textbooks na hate na hate kong gawin dati.  Iba talaga naidudulot ng kawalan ng TV.

Iniisip ko tuloy minsan, pano kaya kung kahit sobrang nag-effort na ako sa pag-aaral, in the end, bagsak pa rin yung mga exams ko?  Ibig lang ba sabihin nun bobo talaga ako?  Maaaring mawalan ako ng tiwala sa sarili ko at yun ang pinaka-ayaw ko na mangyari, lalo na ngayon.

Bukod pa sa pressure sa studies(na ako mismo ang nagdudulot sa aking sarili), pressured din ako sa mga friends ko.  Di ko alam kung friends na nga ang dapat ko itawag sa kanila pero iniisip ko na lang, since hindi ko naman sila kaaway, malamang friends ko nga sila.  Meron kasing mga group of people na niyaya akong sumali sa kanila.  Mukhang masaya ang samahan nila, aaminin ko yun.  Ang iniisip ko lang, pano na lang ang studies ko(na malaki ang possibilidad na mapabayaan ko dahil hindi naman sila conscious mashado sa studies nila, so baka mahawa ako) at pati na rin ang parents ko(na malaki mashado ang tiwala sa akin na hindi ako sasama sa mga ganoong tao) at pati na rin ang mga barkada ko na ngayon(na mahirap nang iwanan dahil parang blockmate at kapatid na rin ang turing ko sa kanila).  Mashadong madaming dapat i-consider at nahahassle na ang utak ko.  Sa tingin ko, kuntento na ako sa barkadang meron ako ngayon.

Yung barkada ko kasi ngayon, hindi GC pero mataas ang mga grade.  Walang bumabagsak sa kanila (at least, so far).  At mabait sila, kahit may katarantaduhan din minsan.  Tamang gaguhan lang kapag tinopak.

Dapat nga ma-OP ako sa kanila kasi isang block sila, samantalang ako, naligaw lang sa block nila.  Pero never kong na-feel na outcast ako.  Never nila pinaramdam sa akin na hindi ako dapat doon.  At masaya ako dahil doon.

Pasensya na, pero solid crest muna ako. :)

Posted by stillness at 8:09 pm | permalink

Previous Comments

uy..swerte ka naman pala sa crest eh. =)

oo nga, mukhang tamang timpla lang ang barkadahan niyo, at teka, kahit naman hindi ka nagaaral hindi ka bumabagsak eh!

sa mga susunod na sem/taon, kung saan ka man sumali, (o hindi), ang masasabi ko lang, isang malaking gain ka sa org na yun. swerte din talaga ang crest! swerte ni…

hahaha, sana magkataong magkasabay naman tayo tumambay, aking tambay neighbor! :)

Posted by panghent at December 2, 2006, 11:18 am

hay, TV pala ang BI sa yo ano? haha. sige lang tuloy mo lang yan. magpakaGC ka.

Posted by arnel at December 2, 2006, 4:19 pm

hey,you’ve got great friends so don’t leave them! and well, it seems as though you’re happy so don’t neglect anything that you have right now.

your decisions would affect everything, right?

Posted by the Whore at December 3, 2006, 10:56 pm

kung pipili ka ng barkada, piliin mo yung makakabenefit sa iyo, and makakabenefit ka rin para sa kanila. as long na di ka pinipilit na mapasama ok lang yun.

Posted by billycoy at December 4, 2006, 11:18 am

crest ka pala? hmmm..hehe

kung tv ang distraction mo, ako ay pc. gerrrr… kelangan kong malayo dito dahil may exam ako next week huhu.

tungkol naman sa org, may mga co-mems din ako na di naman namin blockmates pero napamahal na sa amin (naks) na tulad mo sa crest. kung inaaya ka man ng iba, choice mo naman yun eh. pakiramdaman mo muna kung kaya mong pagsabayin lahat.

God bless!

Posted by sheryl at December 8, 2006, 9:01 pm

aww. opinyon mo lang naman yung tungkol sa recto eh! nako naman. ginagalang ko ang opinyon mo! :)

nice friends ha! hindi GC pero matataas ang grade!

:D wala lang. daan. walang masabi pero nabasa ko naman yung buong post. -_-

Posted by utakGAGO at December 9, 2006, 5:14 am

*The more you learn, the more you know.

Posted by Christian Louboutin Replica at December 11, 2010, 2:47 pm

Add a comment