Be still. It's my turn.

Home » Archives » 17. December 2006

Ulan

December 17, 2006

Umihip ang malamig na hangin.  Inilapit ko ang aking katawan sayo upang hindi ako gaanong lamigin.  Leche, dalawang araw na tayong inuulan dito sa bundok na ito.  Paano kaya ako kung wala ka?

Hindi naman ganito ang tingin ko sayo dati eh.  Para na kitang kapatid, nakakatawa pa nga ang tawag ko sayo.  Pero baka epekto lang ito ng alak.  Sinabi ko naman kasi sa inyo na hindi ako umiinom.  Yan tuloy, napaamin ninyo ako sa isang bagay na walang ka-kwenta-kwenta.  Pero nagsabi lang naman ako ng totoo nun, hindi ko inaasahan na ganito ang magiging epekto sa akin.

Bakit nga ba kasi ikaw pa?  Naguguluhan na rin ako.  Pero sana wag mong maramdaman na may dapat kang gawin dahil lang nalaman mo yun.  Mas matutuwa ako kung aarte ka na parang wala kang narinig.  Parang wala kang nalaman.  Wala sanang magbago sa pakikitungo mo sa akin.  Ayoko na maging espesyal ako sa iyo dahil lang nalaman mo na ganun ka sa akin.  Pag ginawa mo yun, magagalit lang ako sayo. 

Nga pala, may nakakatawa akong ikukwento sayo.  Sabi nung classmate ko, magkamukha daw tayo sa picture.  Asa? Haha. 

Posted by stillness at 10:15 pm | permalink | comments[3]