Be still. It's my turn.

Home » Post Item » Ulan

Ulan

December 17, 2006

Umihip ang malamig na hangin.  Inilapit ko ang aking katawan sayo upang hindi ako gaanong lamigin.  Leche, dalawang araw na tayong inuulan dito sa bundok na ito.  Paano kaya ako kung wala ka?

Hindi naman ganito ang tingin ko sayo dati eh.  Para na kitang kapatid, nakakatawa pa nga ang tawag ko sayo.  Pero baka epekto lang ito ng alak.  Sinabi ko naman kasi sa inyo na hindi ako umiinom.  Yan tuloy, napaamin ninyo ako sa isang bagay na walang ka-kwenta-kwenta.  Pero nagsabi lang naman ako ng totoo nun, hindi ko inaasahan na ganito ang magiging epekto sa akin.

Bakit nga ba kasi ikaw pa?  Naguguluhan na rin ako.  Pero sana wag mong maramdaman na may dapat kang gawin dahil lang nalaman mo yun.  Mas matutuwa ako kung aarte ka na parang wala kang narinig.  Parang wala kang nalaman.  Wala sanang magbago sa pakikitungo mo sa akin.  Ayoko na maging espesyal ako sa iyo dahil lang nalaman mo na ganun ka sa akin.  Pag ginawa mo yun, magagalit lang ako sayo. 

Nga pala, may nakakatawa akong ikukwento sayo.  Sabi nung classmate ko, magkamukha daw tayo sa picture.  Asa? Haha. 

Posted by stillness at 10:15 pm | permalink

Previous Comments

uuh. *walang masabi kasi walang lablayp*

but… but… but… mahirap ata yan. kasi karamihan ng lalaki, ganito: “ooh, someone likes me…” *glomps at the girl without thinking*

sana hindi siya ganun. >___________

Posted by claire at December 17, 2006, 11:37 pm

drama pare!!!

*wala ring masabi dahil singol pa sa ngayon, ahehehe*

so the story goes like - you get drunk, you spilled the beans and later on, you blame yourself for telling something ‘paradoxical’ or…. a secret, maybe?

ooooooooooy. kwento na! paligoy-ligoy pa! suuuus. :P

Posted by utakGAGO at December 18, 2006, 10:06 pm

yun pala yooooonnnn!!!!

hahahahahaha!! yun ba ung nangyari? wooh!! kaya pala “alam niya, alam nilang lahat!” ang sinabi mo sa akin..haha!!

wahaww..ayus yan, hmmm..ang weird niyo na ba sa tabi ng isa’t isa? ikeeee, tuloy mo ang kwento ha!! hehe! :D

Posted by panghent at December 18, 2006, 10:21 pm

Add a comment