Be still. It's my turn.

Home » Archives » 19. December 2006

Christmas Rush

December 19, 2006

Gaya ng karamihan, paboritong holiday ko rin ang Pasko.  Sa panahong ito kasi, parang bumabait lahat ng tao.  Dumadami ang mga "Outreach Programs", marami ang namimili ng mga regalo para sa mga mahalaga sa kanila.  Pero ang hindi ko naintindihan kaagad ay kung bakit mas sumusungit ang mga saleslady sa mall tuwing ganitong season.

 Ang totoo, lagi silang masungit kapag sale.  Isa ba itong pagpapakita ng diskrimination?  Dahil maaaring sinasabi nila na yung mga mahihirap lang ang bumibili sa sale.  Pero mali yung ganyang argument.  Marami akong kakilala na may-kaya na suki ng Divi at 168.

 O baka naman pagod lang sila?  Panahon na kasi ngayon ng tinatawag nilang "Holiday Rush".  Madaming tao sa mga malls at alam kong nakakastress talaga kapag maraming tao.  Mabuti kung ang lahat ng customers ay mabait, pero hindi.  Yung iba kasi super demanding at mga bitch pa.  Lalo na sa mga bilihan ng damit.  Andaming mga bitch na customer lalo na sa fitting rooms.  Argh! (Halata bang I'm talking from my experience?)

May isa pa akong experience kung saan nasaktan ang aking ego.  December 16, birthday ng papa ko.  May impromptu party sa bahay kaya naman hindi kami nakabili ng yelo.  Kasama ang ate ko, nilibot namin ang Muntinlupa para lang makahanap ng yelo.  Tila isang delubyo ang aming naranasan dahil sa lahat ng 7-11 na napuntahan namin, walang yelo.  So nakarating kami sa South Supermarket sa Alabang.  Siguro nga hindi maganda yung damit ko (naka engg angas shirt ako at shorts) pero nainis ako nung sinabi nung bagger na, "Mam, hatid ko na po kayo.  Saang jeep po ba ang sasakyan niyo?"  Tangina, gusto kong tarayan siya at sabihing "May kotse ako(with attitude)" pero ang nagawa ko na lang ay sabihing "May kotse po ako (parang angel)".  Sabihin niyo nang brat ako, pero naiinis talaga ako kapag ganun yung mga tao sa akin.  Ayokong iniimply na hampas lupa ako.  Hindi ako "show-off" pagdating sa pananamit o sa mga gadgets(pwera lang sa aking digicam) pero hindi naman ibig sabihin nun na super poor kami para magsakay ng 24 bottles ng 1.5 liters na coke sa jeep.  Sana nag-iisip siya bago siya magtanong…

Pero hindi ko naman sinusumpa lahat ng mga saleslady, bagger, cashier at lahat ng nagtatrabaho sa mga malls.  Ang totoo nga, saludo ako sa kanila dahil hindi naman madali ang trabahong ginagawa nila.  At mas madalas silang magalang kaysa sa masungit. Once a year lang naman ang mga Christmas sales diba?

*Pasensya na sa pagka-brat ng post.* 

Posted by stillness at 9:01 am | permalink | comments[5]