Be still. It's my turn.

Home » Post Item » Christmas Rush

Christmas Rush

December 19, 2006

Gaya ng karamihan, paboritong holiday ko rin ang Pasko.  Sa panahong ito kasi, parang bumabait lahat ng tao.  Dumadami ang mga "Outreach Programs", marami ang namimili ng mga regalo para sa mga mahalaga sa kanila.  Pero ang hindi ko naintindihan kaagad ay kung bakit mas sumusungit ang mga saleslady sa mall tuwing ganitong season.

 Ang totoo, lagi silang masungit kapag sale.  Isa ba itong pagpapakita ng diskrimination?  Dahil maaaring sinasabi nila na yung mga mahihirap lang ang bumibili sa sale.  Pero mali yung ganyang argument.  Marami akong kakilala na may-kaya na suki ng Divi at 168.

 O baka naman pagod lang sila?  Panahon na kasi ngayon ng tinatawag nilang "Holiday Rush".  Madaming tao sa mga malls at alam kong nakakastress talaga kapag maraming tao.  Mabuti kung ang lahat ng customers ay mabait, pero hindi.  Yung iba kasi super demanding at mga bitch pa.  Lalo na sa mga bilihan ng damit.  Andaming mga bitch na customer lalo na sa fitting rooms.  Argh! (Halata bang I'm talking from my experience?)

May isa pa akong experience kung saan nasaktan ang aking ego.  December 16, birthday ng papa ko.  May impromptu party sa bahay kaya naman hindi kami nakabili ng yelo.  Kasama ang ate ko, nilibot namin ang Muntinlupa para lang makahanap ng yelo.  Tila isang delubyo ang aming naranasan dahil sa lahat ng 7-11 na napuntahan namin, walang yelo.  So nakarating kami sa South Supermarket sa Alabang.  Siguro nga hindi maganda yung damit ko (naka engg angas shirt ako at shorts) pero nainis ako nung sinabi nung bagger na, "Mam, hatid ko na po kayo.  Saang jeep po ba ang sasakyan niyo?"  Tangina, gusto kong tarayan siya at sabihing "May kotse ako(with attitude)" pero ang nagawa ko na lang ay sabihing "May kotse po ako (parang angel)".  Sabihin niyo nang brat ako, pero naiinis talaga ako kapag ganun yung mga tao sa akin.  Ayokong iniimply na hampas lupa ako.  Hindi ako "show-off" pagdating sa pananamit o sa mga gadgets(pwera lang sa aking digicam) pero hindi naman ibig sabihin nun na super poor kami para magsakay ng 24 bottles ng 1.5 liters na coke sa jeep.  Sana nag-iisip siya bago siya magtanong…

Pero hindi ko naman sinusumpa lahat ng mga saleslady, bagger, cashier at lahat ng nagtatrabaho sa mga malls.  Ang totoo nga, saludo ako sa kanila dahil hindi naman madali ang trabahong ginagawa nila.  At mas madalas silang magalang kaysa sa masungit. Once a year lang naman ang mga Christmas sales diba?

*Pasensya na sa pagka-brat ng post.* 

Posted by stillness at 9:01 am | permalink

Previous Comments

taena, natawa na naramdaman ko yung banat na yun ah..haha, sarcastic ba o baka naman hindi sinasadya? hehe!

naka angas shirt ka pa naman, sayang sana natarayan mo narin gaya ng pananaray mo kay ahem..ahihhi joke!

oo, may mga feelingerang maganda na saleslady, at knowing na impatient ako, may mga pagkakataong hindi ko sila pinalalampas. hehe, pero kapag mabait sila naku sobra din akong mabait! parang mas ganado ako bumili para kumita naman sila, hahahaha. walang kwenta akong buyer, nadadala ako ng sales person. hmpf, haha!

Posted by panghent at December 19, 2006, 12:41 pm

ayoko naman yung mga sunud ng sunod saka ang tingin sa iyo parang iba. yung tingin na nananakawin mo ang buong shop nila.

Posted by billycoy at December 19, 2006, 3:36 pm

nyaks. ow, they’re also human. as long as we can keep our temper, keep it.

big fights start from little arguments. peace.

Posted by the Whore at December 21, 2006, 2:17 pm

hay naku. pag mabait yung saleslady, lagi akong natutuwa pero sobrang nababanas din ako pag masungit yung saleslady. tapos minsan kapag bata ka, ayaw kang pansinin kasi nga bata ka pa at wala kang kasamang matanda. kaya nga minsan, gusto kong ipamukha sa mga ganung saleslady na “miss, eto pera ko oh, tignan mo, tignan mo, may pambili ako”. hahahaha! siguro nga minsan, pagod lang sila, naiintindihan ko naman yun. pero may iba talagang nakakaasar diba?

pero uy, mabait naman yung saleslady na gustong maghatid sayo. siguro di lang niya in-expect na may dala kang kotse kasi bata ka pa, diba? pero in fairness sa kanya, inalok ka pa niya ng tulong.

Posted by claire at December 23, 2006, 12:05 pm

pagod cguro..kaw ba naman tumau ng ilang oras nakakapagod un ah! madami din nman kc makukulit na customers so minsan pagpasenciahan na naten cla!:)

Posted by zansui at January 7, 2007, 4:57 am

Thanks for taking this opportunity to discuss this, I feel fervently about this and I like learning about this subject.

Posted by Coach Canada at April 27, 2011, 9:25 am

Watch live pacquiao vs mosley boxing fight here! http://www.pacquiaoversusmosleylive.com/

Posted by Pacquiao vs Mosley at May 1, 2011, 11:18 am

Add a comment