Be still. It's my turn.

Home » Archives » 27. December 2006

Me, my boys, me boy

December 27, 2006

 Bibihira ka nga lang makakakita o makakakilala ng isang babae na Mechanical Engineering ang course.  Hindi rin usual yung babae na puro lalake ang barkada.  Maliit na porsyento lamang sila ng populasyon.  Sabihin na nating 20%, o baka mas mababa pa.  Dun sa kaunting yun, isa ako sa kanila.

Boyish daw ako sabi ng karamihan.  Pero minsan, kapag iniisip ko, hindi din naman mashado.  Masasabi kong ako'y biktima lamang ng pagkakataon.

Ang totoo, hindi talaga Mechanical Engineering ang gusto kong kunin nung nasa high school pa ako.  Bago ako gumraduate, desidido na ako na maging Accountant.  Yun pa nga ang nakalagay sa yearbook namin eh.  Minalas nga lang at hindi yun ang nakuha ko.  Nag-apply din naman ako sa ibang schools at natanggap ako sa accountancy pero gusto ko talaga sa UP.  Nung first year ako, desidido pa ako na magshishift ako sa BAA pero narealize ko na napamahal na rin sa akin ang ME.  Natutunan ko nang maappreciate yung oppurtunities na maibibigay sa akin ng pagiging ME kaya hindi na rin ako nagshift. 

Maraming ipinagbago ang buhay ko simula nung pumasok ako ng college.  Yung dating nerdy na valedictorian na puro babae lang ang barkada, napasama na sa mga guys.  Hindi din naman kasi maiiwasan.  Sobrang daming lalake sa Eng'g at sobrang weird na talaga kung kahit isa ay wala akong lalakeng kaibigan.  Ang totoo, kahit galing ako sa Co-Ed na school, hindi pa rin talaga ako sanay dati sa maraming lalakeng kaklase dahil nung high school, apat lang ang boys sa section ko.  Out of 35 students, apat lang ang lalake, sobrang minority talaga ang mga lalake kaya parang hindi ko rin sila naramdaman.  Parang all-girls school nga yung school namin kung titignan sa section namin.  Imagine mo na lang yung prom namin, puro babae lang kami nagsasayawan dahil konti lang ang lalake at hindi nila kayang pagsabayin lahat. 

Sa college, kabaliktaran ng high school, sobra.  Nagulat ako nung math 17 ko na class, puro blockmates ko ang classmates ko at kamusta naman, 5 lang ata kaming girls!  Nakakapanibago talaga yun. At dahil hindi ako sanay, lagi akong conscious sa lahat ng galaw ko.  Naging tahimik ang dating super energetic na babae.  Nakakahiya kasi, andaming lalake.  Nung tumagal, nagsawa na rin akong maging conscious, kaya ang sabi ko, BAHALA NA! Bahala na kung magulo yung buhok ko. Bahala na kung pangit yung damit ko.  Bahala na kung hindi ako super nice.  Yun na siguro yung simula ng pagiging boyish ko.

Nung nagtagal, hindi na ako concerned sa lip balms, candy mags (na super uso nung high school ako), shoes, blouses at kung ano ano pang kakikayan.  Nagsubside ang inner fashionista ko, yung tipong pambahay mode pa rin kahit nasa school na at keber ko na lang sa mga makakapansin.  Hindi na rin ako conyo (konti na lang){oo conyo ako, at one point in my freaking life, nakakainis noh?}  Sobrang wala na akong pakialam sa mga "silly cat-fights".  At higit sa lahat, mas naging comfortable na ako na kasama ang mga guys kaysa sa mga girls.

Narealize ko rin na mas madaling makisama sa mga lalake.  Kasi, unless the both of you are going down romance avenue, hindi na kailangang maging super conscious ng girl sa lahat ng gagawin niya.  Yung friendship with guys, they're never superficial.  Hindi kagaya ng sa girls, you just don't know who's true.  Kaya siguro tayong mga girls, we like to have people who we call "bestfriends" kasi meron tayong "friends", "close friends", "friend friends", "kinda friends" at kung anu ano pang mga ka-ekekan.  Nakuha mo ba? Sana.

 Ayun.  Hindi naman talaga ako tomboy, hindi lang ako kikay.  yun lang. :)

Posted by stillness at 10:51 pm | permalink | comments[10]