Be still. It's my turn.

Home » Post Item » Me, my boys, me boy

Me, my boys, me boy

December 27, 2006

 Bibihira ka nga lang makakakita o makakakilala ng isang babae na Mechanical Engineering ang course.  Hindi rin usual yung babae na puro lalake ang barkada.  Maliit na porsyento lamang sila ng populasyon.  Sabihin na nating 20%, o baka mas mababa pa.  Dun sa kaunting yun, isa ako sa kanila.

Boyish daw ako sabi ng karamihan.  Pero minsan, kapag iniisip ko, hindi din naman mashado.  Masasabi kong ako'y biktima lamang ng pagkakataon.

Ang totoo, hindi talaga Mechanical Engineering ang gusto kong kunin nung nasa high school pa ako.  Bago ako gumraduate, desidido na ako na maging Accountant.  Yun pa nga ang nakalagay sa yearbook namin eh.  Minalas nga lang at hindi yun ang nakuha ko.  Nag-apply din naman ako sa ibang schools at natanggap ako sa accountancy pero gusto ko talaga sa UP.  Nung first year ako, desidido pa ako na magshishift ako sa BAA pero narealize ko na napamahal na rin sa akin ang ME.  Natutunan ko nang maappreciate yung oppurtunities na maibibigay sa akin ng pagiging ME kaya hindi na rin ako nagshift. 

Maraming ipinagbago ang buhay ko simula nung pumasok ako ng college.  Yung dating nerdy na valedictorian na puro babae lang ang barkada, napasama na sa mga guys.  Hindi din naman kasi maiiwasan.  Sobrang daming lalake sa Eng'g at sobrang weird na talaga kung kahit isa ay wala akong lalakeng kaibigan.  Ang totoo, kahit galing ako sa Co-Ed na school, hindi pa rin talaga ako sanay dati sa maraming lalakeng kaklase dahil nung high school, apat lang ang boys sa section ko.  Out of 35 students, apat lang ang lalake, sobrang minority talaga ang mga lalake kaya parang hindi ko rin sila naramdaman.  Parang all-girls school nga yung school namin kung titignan sa section namin.  Imagine mo na lang yung prom namin, puro babae lang kami nagsasayawan dahil konti lang ang lalake at hindi nila kayang pagsabayin lahat. 

Sa college, kabaliktaran ng high school, sobra.  Nagulat ako nung math 17 ko na class, puro blockmates ko ang classmates ko at kamusta naman, 5 lang ata kaming girls!  Nakakapanibago talaga yun. At dahil hindi ako sanay, lagi akong conscious sa lahat ng galaw ko.  Naging tahimik ang dating super energetic na babae.  Nakakahiya kasi, andaming lalake.  Nung tumagal, nagsawa na rin akong maging conscious, kaya ang sabi ko, BAHALA NA! Bahala na kung magulo yung buhok ko. Bahala na kung pangit yung damit ko.  Bahala na kung hindi ako super nice.  Yun na siguro yung simula ng pagiging boyish ko.

Nung nagtagal, hindi na ako concerned sa lip balms, candy mags (na super uso nung high school ako), shoes, blouses at kung ano ano pang kakikayan.  Nagsubside ang inner fashionista ko, yung tipong pambahay mode pa rin kahit nasa school na at keber ko na lang sa mga makakapansin.  Hindi na rin ako conyo (konti na lang){oo conyo ako, at one point in my freaking life, nakakainis noh?}  Sobrang wala na akong pakialam sa mga "silly cat-fights".  At higit sa lahat, mas naging comfortable na ako na kasama ang mga guys kaysa sa mga girls.

Narealize ko rin na mas madaling makisama sa mga lalake.  Kasi, unless the both of you are going down romance avenue, hindi na kailangang maging super conscious ng girl sa lahat ng gagawin niya.  Yung friendship with guys, they're never superficial.  Hindi kagaya ng sa girls, you just don't know who's true.  Kaya siguro tayong mga girls, we like to have people who we call "bestfriends" kasi meron tayong "friends", "close friends", "friend friends", "kinda friends" at kung anu ano pang mga ka-ekekan.  Nakuha mo ba? Sana.

 Ayun.  Hindi naman talaga ako tomboy, hindi lang ako kikay.  yun lang. :)

Posted by stillness at 10:51 pm | permalink

Previous Comments

I actually love girls that are down-to-earth. I mean, kakaiba. Exotic - not in a sexy way. Yung tipong kakain kahit fishball sa kalsada at hindi pa mandidiri.

May tawag dun eh. Barabal? Ahhhh basta, yung laging game. Game na game sa kahit ano! Hehehe.

Wow, valedictorian ka pala. Shiyet naman, ako’y nanliliit. Ni sa Top 10, hindi ako kasama! Awwwwwts naman.

:d Daan!!!

At naging conyo ka for once in your life? Duhhh!?!?! [lolx]

Posted by utakGAGO at December 28, 2006, 12:39 am

so this is the post you were referring to on your previous one, hehe.

anyway, Engg ka kasi, minority kasi ang girls, esp sa ME. sa block nga namin, 7 out of 31 ang girls.

so mas masarap kabarkada ang boys? erm, i cant really tell. in high school, naturally, boys ang barkada ko, Don Bosco ako eh, hehe. pero may friends kami sa St Scho. come college, ayun, coed na talaga. hay naku ewan! para sa akin, regardless of gender, basta totoong tao, yun ang perfect na kaibigan, hehe!

and about kakikayan, well, malay natin diba? i know quite a number of girls who learned to be extra prettier when they stepped into college.. :)

Posted by rex at December 28, 2006, 9:14 pm

LOL. ate, pagtapak ko rin sa college, nawala ang interes ko sa pangongolekta ng candymag, di nako nagsusuot ng kakikayan at lagi na rin akong naka-pambahay sa school. hahaha.

actually, okey lang maging boyish girl. di mo kailangang masyadong mag-isip kung anong susuotin mo. di ka na mag-uubos ng oras sa paglalagay ng make-up at pagbibihis.

at agree ako sa pagkakaroon ng lalaking kaibigan. err, mga lalaki kasi hindi possessive sa mga kaibigan nila at karamihan sa kanila ay hindi phony. pero syempre, mabuti pa rin na may mga kaibigang babae [mas mabuti kung katulad mo yung mga kaibigan mong babae] kasi yung iba mali ang iniisip pag puro lalaki yung kaibigan ng isang babae eh. T_________T

Posted by claire at December 28, 2006, 10:44 pm

hmm.. i must admit na masama loob ko sa mami ko kapag naco2mpare nia ako dun sa kababata ko na babaeng babae. kesyo siya daw nag mmake up.. ako hindi.. siya daw nag-aayos.. ako hindi mxado.. wtf!?.

nabubuhay naman ako ng walang make-up sa mukha.. nag-aayos din naman ako.. kaso hindi naman ung todo ayos araw2x.. minsan siguro pwede pa.. pero araw2x.? ano to.. animal party?

and besides, 5 kami magkakapatid. ako lng babae. tas i grew up riding the school service na puro lalake kasama.. tapos pag-apak ko ng college, kaka-coed lng nung skul. ewan ko ba. :)

maybe ayun din ung reason bakit mas malapit ako sa lalaki.. unti lng ang babae kong kaibigan. mas transparent kce ako sa lalake kaysa sa babae. hahaha!

basta masaya ako sa kung sino at ano ako ngayon. hehehe! tapos. :)

Posted by ikay at December 29, 2006, 6:01 am

haha, apir! apir tayo!! agree ako sa mga sinabi mo, at mga ikinoment ng mga tao!

nung hs ako, syempre puro girls din ang friends ko kasi exclusive, pero may community org ako kaya medyo ok lang din with boys, although di ko naman kasama mga yun on a daily basis..pagdating ko ng college, ayan, araw araw na. at agree ako, mas madaling pakisamahan ang mga lalaki. wala silang arte at hindi ganun karami ang inhibitions nila. lagi pang masaya, hehe!

kaunti na lang tayo, di ko pa kilala ung ibang girls sa me, kaya ikaw talga ang takbuhan ko, hahaha!! mabuhay ang girls ng “boys’ course”!!!

Posted by panghent at December 29, 2006, 1:51 pm

akala mo ba sa girls lang uso ang plastikan, actually ganun din sa guys, di lang masyadong obvious.

ganun din sa amin nung college, bilang ang mga girls. kaya nawawala ang pagkafinesse ng mga babae sa amin. nagiging one of us guys na rin sila.

minsan ka si wala na ring magawa eh. if you can’t avoid, just go with the flow.

Posted by billycoy at December 29, 2006, 2:33 pm

yup. totoo nga na mas masarap kaibigan ang mga lalaki kaysa sa mga babae.

mahirap nga lang, yun nga, pag hindi mo inasahan na mapupunta kayo sa ‘romance avenue’ at ang mas masakit pa don, pag walang nararamdaman yung isa.

*ouch*

anyways, hindi rin naman ako kikay. hindi rin tomboy. pero babae ako. hindi mo naman kailangan magmalandi para lang masabing babae ka, hindi ba?

Posted by the Whore at December 29, 2006, 5:00 pm

maganda ung pagkakakwento…. hehehehe…. naexpress mo talaga ung gusto mong sabihin….

baliktad naman tau in two ways…first, gusto ko naman mag-shift na sa ba since ayaw ko namang mag-accountancy… wala talaga akong hilig dun…. at saka sa college namin 1:2 ang ration ng boys sa girls… mas madaming babae…. so i’ve no choice rin but to be with girls….

yung tungkol naman dun sa pakiramdam mong nawawalan ka ng finesse… ok lang un…. at least natututo kang makibagay…. and at the same time nalalaman mo rin ung mga kaya mong gawin na hindi kaya ng ibng babae….

nakuha ko…. tama ka…. para sa akin lahat ng kaibigan ko ay kaibigan lang… wala akong “best” at wala akong “close” na mga kaibigan…. since ang trato ko sa kanila pare-pareho lang….. ganun talaga siguro….

sige lang ate… ipagpatuloy mo ang life with the boys…..

Posted by edgar at December 30, 2006, 11:34 pm

feel ko lang sagutin yung mga comments ninyo.. hehe.. anghaba kasi nila eh! salamat! :)

utakGAGO– hmm, kumakain ako ng fishballs, and the like. Pero meron lang talagang isang street food na hindi ko makuhang kainin, at iyon ang isaw. Ewan ko ba, hindi pa siguro nagpapakilala yung taong makakapagpakain sa akin ng isaw. At tama ka, may mga lalake nga na mas gusto ng mga barabal na babae.. haha..

rex–yung mga dati nang nakakakilala sa akin, sinasabi nila na gumaganda daw ako. So i guess wala rin sa pagiging kikay yung beauty, a person can become beautiful without all those make-up on.

claire– loved that you used the term “phony”.. very holden caulfield ang dating. haha. you’re right, minsan nga iba ang iniisip nila kapag puro na lang lalake ang kasama. tsktsk

ikay– wow! ibig sabihin may kuya ka? wow! gusto ko rin ng kuya!

panghent– apir! :)

billycoy– i will. :)

the Whore– tama! and about that “romance avenue” thingy, weird talaga ang nangyayari sa mga tao dyan.. ang hirap i-explain

edgar– salamat ng marami edgar!

Posted by still at January 1, 2007, 6:37 pm

ANJ!!!!!!!!!!! ang masasabi ko lang ay.. I AGREE. hehe.. shempre.. kilala mo naman ako. hihi.. at tama yung going down the romantic avenue.. ingat ingat lang tyo sa pagiging “barubal” natin.. maraming boys ang mahilig sa girls na ganya. maniwala ka sakin sister! at mahirap pag nalagay sa sitwasyon na sabay sabay silang magtatapat sa ‘yo! haha. have fun sa engg. of course it wasn’t as fun when i was there.. hehe. miss ko na kyo sa crest! mwahz!

Posted by HzL at January 18, 2007, 1:01 pm

Add a comment