Be still. It's my turn.

Home » Archives » 17. January 2007

Buhay pa naman…

January 17, 2007

Ok, kasalanan ko.  Hindi ako isang mabuting blogger.  Hindi man lang ako nagpaalam na matagal ako mawawala.  Yun nga lang, sobrang dami ko talagang ginagawa at iniisip at wala na akong time asikasuhin ang blog ko.

Wala kasi akong kwenta.  Nung bakasyon, hindi man lang ako nag-buklat kahit isang pahina man lang ng mga libro ko kaya tuloy natambakan ako ng aaralin, exams, at gawain para sa pasukan.  Kasalanan ko talaga.

Tapos hindi ko na nabibisita yung mga links ko.  Ang totoo, binubuksan ko yung pages niyo pero hindi na ako nag-ta-tag kasi laging pahapyaw lang yung pag-susurf ko. Sorry talaga.

Nga pala, may New Year's Resolution nga pala ako.  MAgiging organized na ako.  Kaya bumili ako ng planner.  Sana mapanindigan ko ito… so far, well maintained pa naman si planner.

Ayun na muna, sabog pa ako.  May lab pa ako ng onse mamaya. <UP engg jargon, pardon me> 

Posted by stillness at 12:07 am | permalink | comments[2]