Be still. It's my turn.

Home » Archives » 20. January 2007

Wala akong gustong iwanan…

January 20, 2007

Marami akong bagay na kinaiinisan.  Isa na dito ay kapag sinasabihan ako na nang-iiwan ako.  Siguro hindi lang ako ang nakaranas na masabihan ng ganito,  At doon sa mga nakaranas na rin, hindi siya magandang experience diba?

Napaka-selfish ng mga taong nagsasabi nito.  Parang kapag may balak kang baguhin sa sarili mo, at nagkataon lang na hindi mo na sila makakasama sa mga plano mo, napakasama mo nang tao.  Unfair yun.  Dahil hindi masarap sa pakiramdam yung iniisip mo na may nasaktan kang tao pero hindi mo naman alam kung paano mo siya nasaktan.  Parang kahit na sabihin mo na ginagawa mo ang mga bagay na iyon dahil gusto mo mag-improve, iisipin pa rin nila na kinakalimutan mo na sila at hindi sila mahalaga sayo.   Para sa akin, hindi tunay na mga kaibigan ang mga iyon.  Dahil kung tunay nga sila, magiging masaya sila kung saan man ako mapunta, kung ano man ang mga pinaplano ko at kung ano man ang mga gusto kong maabot.  Dapat sumusuporta sila sa akin.  Nakakalungkot dahil may mga ganitong tao sa buhay ko ngayon at ang mas dumadagdag pa sa kalungkutan ko ay ang malamang siya yung taong hindi ko inaasahan na magsasabi ng ganun.

Nakakalungkot lang talaga. 

Posted by stillness at 11:01 pm | permalink | comments[6]