Be still. It's my turn.

Home » Post Item » Wala akong gustong iwanan…

Wala akong gustong iwanan…

January 20, 2007

Marami akong bagay na kinaiinisan.  Isa na dito ay kapag sinasabihan ako na nang-iiwan ako.  Siguro hindi lang ako ang nakaranas na masabihan ng ganito,  At doon sa mga nakaranas na rin, hindi siya magandang experience diba?

Napaka-selfish ng mga taong nagsasabi nito.  Parang kapag may balak kang baguhin sa sarili mo, at nagkataon lang na hindi mo na sila makakasama sa mga plano mo, napakasama mo nang tao.  Unfair yun.  Dahil hindi masarap sa pakiramdam yung iniisip mo na may nasaktan kang tao pero hindi mo naman alam kung paano mo siya nasaktan.  Parang kahit na sabihin mo na ginagawa mo ang mga bagay na iyon dahil gusto mo mag-improve, iisipin pa rin nila na kinakalimutan mo na sila at hindi sila mahalaga sayo.   Para sa akin, hindi tunay na mga kaibigan ang mga iyon.  Dahil kung tunay nga sila, magiging masaya sila kung saan man ako mapunta, kung ano man ang mga pinaplano ko at kung ano man ang mga gusto kong maabot.  Dapat sumusuporta sila sa akin.  Nakakalungkot dahil may mga ganitong tao sa buhay ko ngayon at ang mas dumadagdag pa sa kalungkutan ko ay ang malamang siya yung taong hindi ko inaasahan na magsasabi ng ganun.

Nakakalungkot lang talaga. 

Posted by stillness at 11:01 pm | permalink

Previous Comments

damn, i know the feeling. people like that make you feel that leaving them out is a capital offense. and you’re right — it is unfair.

Posted by kimmy at January 21, 2007, 8:16 am

it has always been an issue in our barkada as well…
kapag nakahanap ng ibang kaibigan ung isa sa min marami nang magsasabi ng masama sa kanya….. sinasabi ko na lang na tigilan nila ang pagiging selfish… at hayaang mag-grow ung kaibigan namin…. after all, kung hindi naman niya magustuhan ung mga bago nyang kaibigan tingin ko naman babalik rin un sa min… at kung magustuhan naman niya at least masaya siya sa piling nila….
in your case, siguro hindi lang rin sila sanay na malayo ka sa kanila. atayaw ka nilang sumama sa iba dahil takot silang mawala ka sa kanila. ganun siguro talaga ang unang reaction ng mga kaibigan. pero kung iproprove mong walang magbabago sa pagkakaibigan niyo at lagi ka namang anjan para sa kanila, maayos rin yan…. malay mo ung mga bago mong kaibigan at mga dati ay magmerge pa…. e di mas masaya… hahahahahahahaha

Posted by edgar at January 21, 2007, 10:10 am

oo nga! feeling naman nila, hindi sila nang-iiwan!!

well, kanya-kanyang pananaw lang. kung akala ng kaibigan mo - nang-iiwan ka, then prove them na hinde.

or maybe you need not to prove them, tutal kilala mo naman ang sarili mo.

ahh basta, NATURAL lang ang iwanan. :) darating ang panahon na iiwan mo ang isang tao, bagay, lugar, pangyayari o kung ano pa man.

:D

in short, lahat tayo - nang-iiwan. makapal lang talaga mukha nila. [hahahha!]

Posted by utakGAGO at January 21, 2007, 3:39 pm

yeah, i got it. TRUE FRIENDS will not hinder your development by giving those statements. :D

Posted by gerome at January 22, 2007, 7:20 pm

erm, either they’re too sensitive or they’re too possessive.

edgar, “marami nang magsasabi ng masama sa kanya” hehe, may naalala ako. LOL. people who speak ill of you pag nakatalikod ka na. :lol:

Posted by claire at January 22, 2007, 8:28 pm

ako naglalambing lang pag nagsasabi ng ganyan ;)

Posted by dyan at January 23, 2007, 9:36 am

Add a comment