Be still. It's my turn.

Home » Post Item » Hindi pwedeng ako lang

Hindi pwedeng ako lang

February 9, 2007

Natapos din ang linggong ito! At natutuwa ako dahil maganda ang naging resulta nung isa kong exam.  Nakapasa ako at mataas pa ito sa inaasahan ko.  Natutuwa talaga ako.

Tinatamad na akong mag-blog.  Bakit kaya?  Ah, kasi minsan pinagmumulan lang ng gulo ang mga sinusulat ko dito.  Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng mga kaibigan ko na may blog nga ako at syempre, dahil available itong mabasa online, nababasa nila ito.

Nahihirapan na akong kausapin yung isang kong kaibigan.  Hindi ko na kasi alam kung anong sasabihin sa kanya eh.  Nabasa niya ang blog ko at feeling niya isa siya sa mga tinutukoy ko sa isa kong post.  Di ko talaga alam kung anong gagawin.

Nakakalungkot lang sapagkat dahil doon, nawalan na ako ng ganang sabihin ang mga nararamdaman ko dito.  Nakakalungkot dahil kapag tinigil ko ang pagsusulat dito, mawawalan na ako ng hingahan ng iniisip.  At nalulungkot ako dahil parang sa tingin niya nagbago na ako.

Sorry magulo ako. 

Posted by stillness at 6:13 pm | permalink

Previous Comments

uhh.. kwento mo sakin. ^_^ para di ako maguluhan.. hehehe!!

Posted by ikay at February 10, 2007, 12:44 am

aww.. anj.. madali lang yan.. gawa ka ng ibang blog. na iba ang name mo. na walang nakakaalam na ikaw pala yun. para mabuhos mo yung mga saloobin mong malalim. yung tipong.. gusto kong patayin si chenes… tapos wala nakakaalam na ikaw na pala yung nag type nun. o dba? ^_^

Posted by HzL at February 12, 2007, 7:38 am

okay lang yan! what you cant say straight to their faces, say here! although, that borders on cowardice, ehehe.

if you have any problems with friends, TALK. it always clears things. ang miscommunication ay hindi lang problema ng mga mag-sing-irog kundi ng magkakaibigan din. =p

Posted by REX at February 19, 2007, 2:31 am

Add a comment