Be still. It's my turn.

Home » Archives » 09. March 2007

Two weeks na lang!

March 9, 2007

UtakGago, ako man ay tigang na rin.  Hindi ko maimagine na makakatagal ako ng ganito nang hindi nag-popost.  Kakaiba ang pakiramdam ngayong isa-isa ko nanamang pinipindot ang mga letra ng keyboard.  Nakakamiss din pala.

Matagal akong nawala dahil maraming nangyari sa akin.  Nawala ang aking mahal na digicam noong February 25. Eksaktong anim na buwan pagkatapos ko siyang bilhin.  Hindi ako makapaniwala na ganun ganun na lang iyong mawawala sa akin.  Napagluksaan ko na ito at sana hindi na ito mangyari muli sa aking bagong biling cellphone.  Ito'y isa namang Motorola L6, ang kakaiba sa kanya ay color pink siya!  Cute di ba?  Muli, kagaya ng aking digicam, pera ko nanaman ang pinangbili ko sa cellphone ko.  Ang yaman ko! haha joke lang.

Pero hindi naman puro masama ang nangyari sa akin.  Kaakibat naman ng pagkawala ng Digicam ko sa Baler, Aurora ang experience ng first time na mag-surfing.  Oo, as in SURFING! Surfboard, wax at waves! Surfing talaga!  Kakaiba ang feeling ng dinadala ka ng alon.  Kahit sobrang sakit ng katawan ko pagkatapos, masaya pa rin.  Napuno ang katawan ko ng pasa at mga sugat pero ok lang sa akin, dahil isang walang kapalit na karanasan naman ang kasama ng mga galos na ito.

Nung weekend na iyon din una akong nakainom ng beer.  Grabe, halata talaga na hindi ako sanay uminom dahil naka isang bote pa lang ako ng SanMig Light, nahilo na ako at umakyat na agad sa room.  Nakakahiya sa mga kainuman pero wala ako magagawa.  Promise, sa susunod, malakas na akong uminom! haha! joke lang! :)

Malapit nang matapos ang semestreng ito, balik buhay blogging nanaman! Two weeks na lang!!! :)  

Posted by stillness at 7:10 pm | permalink | comments[3]