Ngayon ko lang narealize, lagi pala akong maaga sa mga usapan. Ayoko kasi ng nale-late. Saka nakakahiya sa kausap ko. Minsan, di bale nang ako ang naghihintay kaysa naman ako ang hinihintay. Ngayon ko lang nalaman na totoo pala itong isang testimonial ko sa Friendster
'mie-jeza' | 6/10/2006
si ***… clasmate ko sa art stud,, grupmate din sa paper… hay nakoh.. daming pacenxa ng girl na toh… willing na maghintay kahit matagal… hehehe… at first, she seems to be a silent type. pero since, nakakasama ko xa at somehow, napafeeling close,,, naks! hindi rin naman talaga xa katarayan! hehe.. madalas xang online… techie… astig! hehe…
Sige nah,, testi koh rin ah? haha!.. ingatz!
Patience is a virtue. Yan ang lagi kong sinasabi sa sarili ko. Nag-hang ang PC -Patience is a virtue. Timed out ang site - Patience is a virtue. Late sila groupmates - Patience is a virtue. Traffic jam sa EDSA - Patience is a virtue. Hindi ako ma-tae - Patience is definetely a virtue.
Virtue - ano nga ba ang ibig sabihin ng virtue? Kapag ba lahat ng tao sa Pilipinas ay may virtue, uunlad ba ang bansa? Mawawala ba ang mga TG, squatters, beggars, at mga kriminal? Di ko kasi talaga alam ang eksaktong ibig sabihin ng virtue. **kukuha ng dictionary**
So yun pala ang ibig sabihin ng salitang VIRTUE. Kita mo, di ko alam yung buong meaning pero lagi kong ginagamit. Naalala ko tuloy nung bata pa ako, paborito ko ang salitang SHIT. SHYET pa nga ang pagkabasa ko noon. Narinig ko lang sa iba. Akala ko pareho lang sila ng "cool", "wow", "astig" at kung ano pang salitang pang-puri. Minsan nga sinabi ko pa sa nanay ko, "Shyet ma, Shyet si Patrick Garcia!" Translation: "Wow ma, Cool si patrick Garcia!"
Patrick Garcia - hay buhay! Ka-gwapong bata! Siya yung crush nung matabang bata sa isang commercial ng hotdog noong mga grade two pa lang ako. Mestizo, cute, shit talaga. Hindi lang niya alam kung gaano na karaming sleepless nights ang binigay niya sa akin. Ano kaya ang feeling na maging boyfriend si Patrick Garcia?
Boyfriend- kelan kaya ako magkakaboyfriend? NBSB member kasi ako eh. Ayus lang naman kung after ten years pa pero, wala lang. Gusto ko lang maranasan kung paano yung may naghahatid sa akin pauwi, yung may nagbubuhat ng mabigat na libro ko sa physics, yung may nanlilibre ng pamasahe, yung may nagchecheck kung kumain na ako ng dinner kahit alas-singko pa lang ng hapon. Siguro hindi ganun ang nangyayari kapag may boyfriend pero ganun yung naiimagine ko.
Imagination- Imagination ko lang lahat ito. Antagal kasi dumating nung kausap ko eh. Buti na lang may dala akong papel at bolpen.
—
Ang essay na ito ay isinulat sa Mini-Stop Katipunan kaninang 9:22 ng umaga. Maaga nanaman ang awtor sa usapan kaya feeling niya late ang kausap.
—
Hindi talaga alam ng awtor ang ibig sabihin ng VIRTUE dati.
—
Pinayagan nang magdorm ang awtor!!! woohoo!!
Dahil napagalitan ako nung isang araw, at nanganib ang aking pagdodorm, kelangan kong gumawa ng good deed para maisalba ang aking buhay next sem.
OPERATION LINIS KWARTO!
Yung kwarto kasi naming magkakapatid **oo, share kami** hindi nalilinis kapag may pasok. Yung mga libro nakakalat kasi wala nang oras para iligpit pa. Ngayon na ang tamang panahon para magpaimpress! Kelangan maging good girl muna ako hanggang Tuesday **tuesday na kasi yung alis ng tatay ko papuntang Thailand ulit**. Kaya ko ito!!
Kung may iba pa kayong suggestion para maging good girl ako, paki-post lang dito. Hay, dang hirap magpanggap!!
—
Ni-PM niya ako nung isang araw, may tinatanong, kaso lang umalis na ako agad kasi gagamit pa yung ate ko. Haha. Sayang, sana nakausap ko man lang siya, namimiss ko na siya ng sobra. Ay syet! Tama na nga!
—
Wala pa rin akong magawa sa sembreak ko! Balak kong sumama sa Baguio sa pinsan ko, sana isama nila ako! Kelangan ko ng gala!!!
Official sembreak day 1 ko ngayon*since kahapon lang naman yung deadline nung last kong requirement* Pero as usual, wala pa rin akong magawa. Ganun ba talaga yun? Masaya lang isipin ang bakasyon pag wala pa ito, kapag hirap na hirap ka pa sa schoolwork at sobrang dami pa ng mga requirements sa school. Pero kapag nandyan na, bigla mong marerealize na boring pala sa bahay buong araw, na sana may pasok na lang at sana nakikita mo yung friends mo. Haaay, nakakamiss ang UP.
Mas mahirap pa kung natural na sayo ang pagiging boring. Tinanong ako nung isa kong classmate sa panpil kung ano daw pinagkakaabalahan ko, sabi ko, wala kasi boring akong tao. Meron naman ako talagang pinagkakaabalahan, pero feeling ko lang kasi hindi siya interesting para sa ibang tao. Abala ako sa paggawa ng layout ng blog sa photoshop. Abala ako sa pagsusulat ng isang short story tungkol sa isang gwapong bading. Abala ako sa pag-iisip. Wala nga lang akong sport kasi di ako athletic type. Wala rin kaming cable kaya wala akong mashadong alam sa mga foreign show bukod dun sa mga pinapalabas sa studio23 at rpn9. Techie daw ako pero wala akong ipod, pero meron naman akong laptop, cellphone at digicam na sarili. Matalino daw ako kasi valedictorian ako nung high school at nag-aaral ako sa UP. Paborito ko yung The Catcher in the Rye at To Kill a Mockingbird. At nabasa mo na ba yung short story na "A Perfect Day for Bananafish" ni J.D. Salinger? Gusto ko rin yun. Favorite show ko yung Grey's Anatomy, pero di na ako mashadong nakakapanood kasi naging abala ako sa acads. At ayun pala, abala rin ako sa acads.
Ayoko mang isipin na nagiging GC ulit ako, wala akong magagawa kasi yun na yung nangyayari. Well, sino ba naman ang hindi gaganahang mag-aral kung meron kang 25000pesos every sem basta ang GWA mo ay hindi bababa sa 2.00? Ansaya diba?
Ayan, so di naman pala ako boring na tao. Tinatamad lang siguro akong magkwento ung isang araw kaya nasabi kong boring ako.
Mabuti naman at nakakatulog na ako ngayon. Grabe, sa sobrang walang magawa, kahit tanghaling tapat na, tulog pa rin ako. Nakabukas pa ang YM ko nun kaya pasensya na sa mga nag-pm sa akin kasi di ko nalagay sa stat na tulog ako. Sorry talaga.
Ano ba ang agenda ngayong araw na ito?
Simula nung may nakabasa na nung blog ko sa blogspot na fadingreallyfast *hephep, wag mo nang subukan, binura ko na* eh mejo nawalan na ako ng gana magsulat sa blog. Ilang beses na ba nangyari sa akin to? Lagi na lang may nakakaalam ng mga bagay na dapat ay secret lang. Kasi pag sinabi kong secret yun, ibig sabihin sobrang importanteng secret yun. Saka pag secret yun, kahit malaman mo pa, hindi naman uunlad ang Pilipinas kaya wag na lang diba??
Ang masama pa nito, mali pa yung nabisto sa akin. Basta, as in sobrang mali… hindi naman tunay yung iniisip niya eh. Sa totoo lang, ibang tao talaga yung sobrang crush ko… sana binasa pa niya yung ibang post para mas naliwanagan siya…
Magtatagalog ako dito sa blog na ito!
Iniisip mo siguro, "Ha? Isa nanamang blog? Di kaya siya nagsasawa?" Sa totoo lang, gusto ko lang itry yung iba't ubang providers para malaman ko kung ano ba yung pinakamaganda. Wala lang, nakyutan lang ako sa layout nito.
Wala akong magawa ngayon eh… ako lang mag-isa sa bahay… hay