Being able to tell someone what I feel was always hard for me. In fact, it still is hard for me. I consider it a very unusual thing, probably the most absurd thing i could ever do.
However, I always hear people saying that life is too short and you must tell the person you love how you feel because you cannot be sure if he will still be around tomorrow. You should seize the moment, take every chance that passes you by. Do everything that you must so that whatever happens, you won't spend the rest of your life in misery, walking through the what-if's and may-have-been's with a long face.
Easier said than done I say.
You see, doing this is a risk. It's like entering a dark maze. You know it's a maze. You know you could get lost inside, you could go hungry, you could not see where you'll be heading. You could die, or you could survive. You know it's a fifty-fifty chance of succeeding, but somehow, the thought of failing overpowers the thought of possibly succeeding. Then you lose hope and start walking away from the maze. You then forget why you're even there in the first place. You try to convince yourself that walking away is no big deal. Everyone does it, anyway. But then you're not convinced by yourself. You'll try to find something that will be more do-able for you, just to console yourself, just for you to feel better about what you've failed to do. You'll try to divert your attention to something else but deep inside, you know the maze is still there, waiting for you to explore it. The finish line is blurred but you know it still wants you and you definitely want it.
It is an endless cycle. Wanting, dreaming, thinking of doing it, saying "maybe not", then thinking again, saying "or maybe yes!", then thinking again, walking away, regretting… It will go on as long as you haven't decided to end it. And there's is only one sure way of ending it, just do t.
I still lack the courage to do things. The outcome will be the number one consideration. And, for as long as rejection is one of the endpoints in this equation, expect me to shut my blabber.
Bibihira ka nga lang makakakita o makakakilala ng isang babae na Mechanical Engineering ang course. Hindi rin usual yung babae na puro lalake ang barkada. Maliit na porsyento lamang sila ng populasyon. Sabihin na nating 20%, o baka mas mababa pa. Dun sa kaunting yun, isa ako sa kanila.
Boyish daw ako sabi ng karamihan. Pero minsan, kapag iniisip ko, hindi din naman mashado. Masasabi kong ako'y biktima lamang ng pagkakataon.
Ang totoo, hindi talaga Mechanical Engineering ang gusto kong kunin nung nasa high school pa ako. Bago ako gumraduate, desidido na ako na maging Accountant. Yun pa nga ang nakalagay sa yearbook namin eh. Minalas nga lang at hindi yun ang nakuha ko. Nag-apply din naman ako sa ibang schools at natanggap ako sa accountancy pero gusto ko talaga sa UP. Nung first year ako, desidido pa ako na magshishift ako sa BAA pero narealize ko na napamahal na rin sa akin ang ME. Natutunan ko nang maappreciate yung oppurtunities na maibibigay sa akin ng pagiging ME kaya hindi na rin ako nagshift.
Maraming ipinagbago ang buhay ko simula nung pumasok ako ng college. Yung dating nerdy na valedictorian na puro babae lang ang barkada, napasama na sa mga guys. Hindi din naman kasi maiiwasan. Sobrang daming lalake sa Eng'g at sobrang weird na talaga kung kahit isa ay wala akong lalakeng kaibigan. Ang totoo, kahit galing ako sa Co-Ed na school, hindi pa rin talaga ako sanay dati sa maraming lalakeng kaklase dahil nung high school, apat lang ang boys sa section ko. Out of 35 students, apat lang ang lalake, sobrang minority talaga ang mga lalake kaya parang hindi ko rin sila naramdaman. Parang all-girls school nga yung school namin kung titignan sa section namin. Imagine mo na lang yung prom namin, puro babae lang kami nagsasayawan dahil konti lang ang lalake at hindi nila kayang pagsabayin lahat.
Sa college, kabaliktaran ng high school, sobra. Nagulat ako nung math 17 ko na class, puro blockmates ko ang classmates ko at kamusta naman, 5 lang ata kaming girls! Nakakapanibago talaga yun. At dahil hindi ako sanay, lagi akong conscious sa lahat ng galaw ko. Naging tahimik ang dating super energetic na babae. Nakakahiya kasi, andaming lalake. Nung tumagal, nagsawa na rin akong maging conscious, kaya ang sabi ko, BAHALA NA! Bahala na kung magulo yung buhok ko. Bahala na kung pangit yung damit ko. Bahala na kung hindi ako super nice. Yun na siguro yung simula ng pagiging boyish ko.
Nung nagtagal, hindi na ako concerned sa lip balms, candy mags (na super uso nung high school ako), shoes, blouses at kung ano ano pang kakikayan. Nagsubside ang inner fashionista ko, yung tipong pambahay mode pa rin kahit nasa school na at keber ko na lang sa mga makakapansin. Hindi na rin ako conyo (konti na lang){oo conyo ako, at one point in my freaking life, nakakainis noh?} Sobrang wala na akong pakialam sa mga "silly cat-fights". At higit sa lahat, mas naging comfortable na ako na kasama ang mga guys kaysa sa mga girls.
Narealize ko rin na mas madaling makisama sa mga lalake. Kasi, unless the both of you are going down romance avenue, hindi na kailangang maging super conscious ng girl sa lahat ng gagawin niya. Yung friendship with guys, they're never superficial. Hindi kagaya ng sa girls, you just don't know who's true. Kaya siguro tayong mga girls, we like to have people who we call "bestfriends" kasi meron tayong "friends", "close friends", "friend friends", "kinda friends" at kung anu ano pang mga ka-ekekan. Nakuha mo ba? Sana.
Ayun. Hindi naman talaga ako tomboy, hindi lang ako kikay. yun lang.
Enrolan kanina. Hindi naman nag-init ang dugo ko, hindi gaya ng mga nagdaan na semestre kung saan dinudugo na lahat ng pwedeng duguin sa akin dahil sa kahihintay sa bulok at mabagal na sistema ng pag-eenrol sa UP. Ganun talaga eh, yan ang kapalit ng mura at dekalidad na edukasyon.
Medyo tanghali na ako nakarating kaya naman hindi ko na nakita yung mga kaibigan ko sa madalas namin tambayan. Akala ko solo flight na ako buong araw, mabuti na lang at nakita ko sa paolo sa hagdan. Hindi ko na ikukwento ang buong proseso, basta hindi ako nakapagbayad ng tuition ngayon dahil kulang pa ako ng subject.
Naging masaya ang araw ko ngayon. Nanood kami ng sine sa aming bakanteng oras. Anghirap magkwento, baka may makabasang hindi dapat magbasa. Pasensya na.
—
Ako yung tipo ng tao na hindi nagbibigay ng limos. Bukod sa wala akong pera, malakas ang paninindigan ko na hindi sa ganoong paraan dapat makuha ng mga tao ang pangangailangan nila. Sa tingin ko, hindi dapat masanay ang mga mahihirap na nanghihingi na lang, dahil lalo silang hindi makakaahon sa kung ano mang kinalulubugan nila.
Kung ikaw ay madalas dumadaan sa Quezon Avenue, sigurado akong nakita mo na yung mga batang umaakyat sa jeep at nagpupunas ng mga sapatos. Sigurado akong napansin mo na hindi naman talaga nalilinis ang mga sapatos dahil madumi din ang basahan. Sigurado akong binigyan mo na sila ng limos kahit isang beses lang. At sigurado din akong wala kang narinig na "Thank You" matapos mong ibigay ang iyong kaunting barya.
Siguro nakita mo na rin yung batang nangungurot kapag hindi mo siya binigyan ng pera. Sasadyain niyang hawakan ang iyong puting pantalon gamit ang kanyang mga kamay na nanlilimahid sa dumi. Magmamakaawa at tatangkaing ilapit ang kanyang maruming mukha sa iyong mukha. Kapag walang nakuhang pera mula sa kahit isa mang pasahero, padabog itong baba ng sasakyan. Maaring matyempuhan mo pang bad trip siya at marinig mo siyang sumigaw na "Mga kuripot!"
Mas masarap sana silang tulungan kung maganda lamang ang kanilang mga ugali. Kung sana ay tinuturuan man lang sila ng kanilang mga magulang. Galit ako sa mga magulang ng mga batang ito. Sa tingin ko, sila ay mga iresponsableng mga tao. Inaasa nila sa mga anak ang kakainin sa araw-araw. Ang mga batang ito ay dapat nakakapag-aral, nakakapag-laro sa ligtas na lugar at hindi sa lansangan. Karapatan nila yun.
Hinawakan niya ang puti kong pantalon gamit ang nanlilimahid niyang kamay. Inilapit niya ang kanyang maruming mukha sa aking mukha. Nanglilimos sa akin ang batang iyon, ngunit hindi ko siya binigyan. Hindi dahil sakim akong tao, kundi dahil gusto kong maisip nila na hindi lang yun ang paraan para mabuhay.
Ngumiti na lang ako at sinabing, "Wala eh"
Naglinis ako ng kwarto ko kanina. Hinalungkat ang mga sandamakmak na papel na naipon sa aking cabinet. Karamihan sa mga ito mga readings mula sa mga subjects ko ngayong college. Nakakatawang isipin na napakasentimental na tao ko pala. Mahirap para sa akin ang itapon lang basta-basta ang mga bagay. Ultimo resibo ng mga kinainan ko dati, lalo na kung kasama ko ang mga kaibigan ko, tinatago ko parin. Mga ticket ng mga pinanood na play. mga box ng french fries galing sa mcdo, mga pinagbalutan ng mga regalong naibigay sa akin, mga litrato ng mga kaibigan ko nung high school, lumang pambura, lapis, mga sulat. Kalat para sa iba, pero mga alaala para sa akin.
Sa gitna ng aking paglilinis, nakita ko yung ginawa kong speech para sa graduation namin nung high school. Bigla kong naisip na nakakatouch pala yung nagawa kong speech. Ang malungkot na parte, hindi ako pinayagan na yun ang gamiting speech. Gumawa ng panibago ang aking adviser at yun ang pinamemorize sa akin. Sa aking pananaw, hindi naging maganda ang kinalabasan ang aking valedictory speech noon. Unang-una, hindi mula sa puso ko ang mga salitang iyon at pangalawa, hindi ko talaga namemorize yung bagong speech. Kung maibabalik ko lang ang panahon, bibigkasin ko yung ginawa ko sa graduation at sigurado akong marami ang maiinspire.
Wala rin talagang kwenta yung ginawa kong paglilinis kanina. Kung nabawasan man ang "kalat" sa aking cabinet, sigurado akong hindi ko ito mapapansin. Kakaunti lang talaga kasi ang aking mga naitapon.
Fact: Meron akong 13 na boxes ng french fries na naitago. Ang mga ito ay nanggaling sa McDo, Jollibee, Wendy's. Burger King at Carl's Jr. Pinakamarami ang sa McDo. Obsession ba ito?
PS: Sa lahat ng nagkukumento at dumadaan, maraming salamat sa inyo. Mas nakakaganang magsulat kapag alam mong may nakakaapreciate ng mga gawa mo, diba?
Ngayon ko lang narealize, lagi pala akong maaga sa mga usapan. Ayoko kasi ng nale-late. Saka nakakahiya sa kausap ko. Minsan, di bale nang ako ang naghihintay kaysa naman ako ang hinihintay. Ngayon ko lang nalaman na totoo pala itong isang testimonial ko sa Friendster
'mie-jeza' | 6/10/2006
si ***… clasmate ko sa art stud,, grupmate din sa paper… hay nakoh.. daming pacenxa ng girl na toh… willing na maghintay kahit matagal… hehehe… at first, she seems to be a silent type. pero since, nakakasama ko xa at somehow, napafeeling close,,, naks! hindi rin naman talaga xa katarayan! hehe.. madalas xang online… techie… astig! hehe…
Sige nah,, testi koh rin ah? haha!.. ingatz!
Patience is a virtue. Yan ang lagi kong sinasabi sa sarili ko. Nag-hang ang PC -Patience is a virtue. Timed out ang site - Patience is a virtue. Late sila groupmates - Patience is a virtue. Traffic jam sa EDSA - Patience is a virtue. Hindi ako ma-tae - Patience is definetely a virtue.
Virtue - ano nga ba ang ibig sabihin ng virtue? Kapag ba lahat ng tao sa Pilipinas ay may virtue, uunlad ba ang bansa? Mawawala ba ang mga TG, squatters, beggars, at mga kriminal? Di ko kasi talaga alam ang eksaktong ibig sabihin ng virtue. **kukuha ng dictionary**
So yun pala ang ibig sabihin ng salitang VIRTUE. Kita mo, di ko alam yung buong meaning pero lagi kong ginagamit. Naalala ko tuloy nung bata pa ako, paborito ko ang salitang SHIT. SHYET pa nga ang pagkabasa ko noon. Narinig ko lang sa iba. Akala ko pareho lang sila ng "cool", "wow", "astig" at kung ano pang salitang pang-puri. Minsan nga sinabi ko pa sa nanay ko, "Shyet ma, Shyet si Patrick Garcia!" Translation: "Wow ma, Cool si patrick Garcia!"
Patrick Garcia - hay buhay! Ka-gwapong bata! Siya yung crush nung matabang bata sa isang commercial ng hotdog noong mga grade two pa lang ako. Mestizo, cute, shit talaga. Hindi lang niya alam kung gaano na karaming sleepless nights ang binigay niya sa akin. Ano kaya ang feeling na maging boyfriend si Patrick Garcia?
Boyfriend- kelan kaya ako magkakaboyfriend? NBSB member kasi ako eh. Ayus lang naman kung after ten years pa pero, wala lang. Gusto ko lang maranasan kung paano yung may naghahatid sa akin pauwi, yung may nagbubuhat ng mabigat na libro ko sa physics, yung may nanlilibre ng pamasahe, yung may nagchecheck kung kumain na ako ng dinner kahit alas-singko pa lang ng hapon. Siguro hindi ganun ang nangyayari kapag may boyfriend pero ganun yung naiimagine ko.
Imagination- Imagination ko lang lahat ito. Antagal kasi dumating nung kausap ko eh. Buti na lang may dala akong papel at bolpen.
—
Ang essay na ito ay isinulat sa Mini-Stop Katipunan kaninang 9:22 ng umaga. Maaga nanaman ang awtor sa usapan kaya feeling niya late ang kausap.
—
Hindi talaga alam ng awtor ang ibig sabihin ng VIRTUE dati.
—
Pinayagan nang magdorm ang awtor!!! woohoo!!