My grandparents just celebrated their 50th year of being together. 50 years of each other's company. I should have expected a tear-jerker but i didn't that's why it caught me off-guard.
It's amazing to think how they have survived those 50 years. It must be nothing but pure love. For me, my grandparents are the epitome of a good couple. The perfect example on how to raise children and grandchildren. They may have come from the poor but their dedication to family has let them produce such successful children.
What I like most about them is how they glorify God, thanking him for everything, every time. I could only wish I have such a strong faith as them. Maybe this is one of their secrets in keeping a strong marriage.
Every couple dreams of someday being able to celebrate fifty years of partnership. My grandfather has only one tip for every one who wants to be like them, and I quote,
Sa mga nangangarap din na umabot sa 50 years, may isa lang akong tip sa inyo. Bawat umaga, sa paggising niyo, wag niyo lang kalimutan huminga.
And that's why they call us the "Adam's Family".
Happy Golden Wedding Anniversary Lolo and Lola, even if I know you won't be able to read this, i just want to say I love you and thank you for all the good examples. Truly, you have remained faithful to the vows you've made some five decades ago.
Angel Usi Guanlao - Aurora Gonzales Amigable
50 years of love
March 31 1957-2007
Pasensya na kayo dahil di ko na madalas mabibisita ang mga blog ninyo. Nagsimula na nung thursday ang mga class namin at syempre career mode na ako dapat. Wala din kasi akong PC sa apartment ko at ayoko naman magrent pa sa labas para lang mag-update ng blog. Sayang kasi yung binabayad namin sa broadband dito sa bahay kaya magtitiis na lang ako.
Kamusta naman ang first night ko sa 'pseudo-independence'?
Ayun, putul-putol ang tulog. Medyo di pa ako sanay na ako yung gumagawa ng lahat. Pag-gising ko, luto ng sariling ulam, luto ng sariling kanin, ligo, linis ng bahay, handa para sa school. Di kasi ako sanay ng hindi nagbebreakfast eh, tapos nagbabaon din pala ako. Ayoko na kasing gumastos para sa pagkain na bibilhin ko sa labas.
Pag-uwi naman, magpapahinga lang ng konti, tapos aasikasuhin naman ang dinner. Kapag may oras pa, maliligo ako. Wala akong kasama kaya malungkot. Mabuti na lang at may kapitbahay ako na kilala ko since elementary kaya komportable ako kahit lalaki siya. Nakikinood lang ako ng TV sa unit niya kasi wala akong sarili. Kapag naman hindi ako nakikinood, binabasa ko ulit yung Tuesdays with Morrie ko. Wala kasi akong ibang libro na nadala eh.
Sa isang gabi na pagstay ko sa apartment nang mag-isa, may natutunan na ako. Hindi pala madali ang mag-isa. Nakakalungkot, pero masaya dahil may challenge. I think this is the best way para mas makilala ko yung sarili ko, para malaman ko kung hanggang saan ba talaga yung kaya ko. Kung magkamali man ako sa ibang mga bagay, ang importante ay matututunan kong bumangon mag-isa.
—
Nalulungkot ako dahil di pa rin kami naguusap ng tatay ko. Matigas ako, matigas siya. Sinusubukan ko siya kausapin pero hindi siya sumasagot sa PM ko. Inaasahan ko na tatawag siya sa akin sa unang gabi ko sa apartment para kamustahin ako pero hindi nangyari yun. Nangyari na ito dati, at parang pakiramdam ko pointless itong away na ito kaya ayoko na ako ang mag-sorry. Pero ako naman ata yung may kasalanan. Ewan ko ba dito sa ego ko kung anong problema niya. Sana maayos na ito, sana lumiit na yung ego ko, sana magpakumbaba na lang ako, sana makaya ko gawin.
—
Bibisita ako sa mga blogs niyo bukas. Relax na lang muna ako ngayong gabi
Weird talaga ng tatay ko. Minsan di ko talaga siya masakyan, di ko siya ma-gets, kaya madalas kami nag-aaway. Weird din ako kasi sinasabi ko to, matapos kong sabihin nung isang araw na mahal ko siya.
Mahal ko naman talaga yung tatay ko eh. Yun nga lang, minsan, di ko ma-gets yung pagiging mashadong cerebral niya. Siguro dahil matanda na siya at bata pa ako. Ayoko kasi ng mashadong pinagiisipan yung mga bagay. Para sa akin, sign yun ng indecisiveness. Mali siguro ako, pero kelangan ko pa ng taong mageexplain sa akin ng tama tungkol doon.
Sa sobrang strict ng tatay ko, feeling ko tuloy, nasasakal na ako. Minsan kasi, ang dating sa akin, siya lang ang may karapatan magdecide kasi pag kami ang nagdedecide, laging mali, laging hindi tama. Naaawa na nga ako sa nanay ko, kasi nagkakaroon siya ng feeling na hindi importante yung opinyon niya.
Naisip ko din, baka concerned lang naman yung tatay ko. Protective, over protective. Syempre, puro kasi babae ang mga anak niya. Biruin mong kahit crush lang, uusisain pa rin niya.
Pero sana lang, dagdagan naman niya yung trust niya sa amin dahil hindi naman namin siya niloloko eh. Never namin siya lolokohin, hinding hindi ko magagawa yun. Mahal ko ang pamilya ko at hinding-hindi ako gagawa ng bagay na makakasakit sa kanila. Kaya nga ako nag-aaral ng mabuti para maging masaya naman sila kahit pabigat ako. Sana lang maisip nila yun.
Tama na ito, madrama na.
Enrolment na bukas! Kitakits mga isko!!
Masaya ako ngayon kasi nakita ko na lahat ng grades ko sa CRS. 1.71 ang GWA ko, College Scholar ako for the first time! Ganito pala ang feeling! Parang lumulutang sa langit. Masarap sa pakiramdam kasi alam kong pinaghirapan ko talaga lahat ng ito. Maraming gabi na rin ako nagpuyat, hindi natulog para mag-aral. Hay, unti-unti nang bumabalik ang tiwala ko sa aking sarili na nawala nung una kong makita ang bagsak kong long exam noon sa Math17.
Oo, degrading talaga ang feeling nun. Biruin mo, isa lang akong mahiyaing freshie, sa isang napakalaking unibersidad. Unang exam sa buong college life ko, tapos bumagsak ako. Ako, ako na isang valedictorian nung gumraduate ng high school. Masakit sa utak, masakit sa ego. Ang hirap tuloy ipagmalaki sa UP na valedictorian ako gayong bagsak ang unang exam ko sa Math 17. Tumaas ang kilay ng mga teachers ko nung high school nung nalaman nila yun. Anlaki talaga kasi ng expectations ng ibang tao eh, sa sobrang laki, nakakapressure na.
Pero masaya ako, dahil after one year, na-overcome ko na rin ang pressure. Hindi na ako mahiyain, hindi na ako unsure sa lahat ng bagay na ginagawa ko. Marami na rin akong friends, marami nang kakilala. Natutuwa ako dahil hindi lang in terms of acads ako nag-grow, kundi pati na rin sa social aspect ng buhay.
Noong ibinalita ko sa tatay ko ang standing ko, eto ang sinabi niya:
Ama: congrats anak, mana ka talaga sa akin, I'm very proud of you…hehehe
ako: hehe.. salamat pa!!
ako: next sem ulit! sisikapin ko maging CS ulit.. o kaya US.. para mas masaya
Ama: keep up the good work and also work on your personality and character
ako: yes sir
Ama: alam ko kaya mo yan
Ama: and i'm here always to support you all my baby's
Ayan, actual conversation sa YM.
Ayos ang acads ko, ang social life. Kailangan ko na lang i-build-up ang aking personality at character. Magandang advice ito galing sa aking ama. Nagpapasalamat ako dahil napakasupportive ng pamilya ko sa akin. Mahal ko kayo!
Ikaw, naovercome mo na ba ang insecurities mo?
In just a few hours, pupunta na kami sa sementeryo. Yearly namin ginagawa ito kagaya ng ibang Pilipino. Dinadalaw namin yung puntod ng Lolo ko sa Manila Memorial Park. Hindi ko na inabutan yung lolo kong yun, kaya hindi ko din alam ang marami tungkol sa kanya. Pero kahit ganun, hindi pa rin ako papayag na ma-miss ang pagdalaw sa kanya. Parang feeling ko kasi malulungkot siya at maiinggit sa mga katabi niya na maraming dumadalaw.
Yung iba nga party mode pa eh. Dati nung hindi pa pinagbabawal ang alcoholic beverages sa loob ng sementeryo, laging nagiinuman yung mga kasama naming matatanda. May isang beses nga na nawasak yung nguso ng kotse namin dahil sa sobrang kalasingan ng tatay ko. Nagdrive pa kasi kahit nakainom na. Maliit pa kami nun kaya wala talagang sasalo sa pagdidrive kapag nalasing na yung tatay ko. Hehe, buti nga buhay pa kami hanggang ngayon eh.
—
Para sa mga kids, rich or not, living around Alabang, I'm very disappointed to say na walang Halloween Trick or Treat ngayon sa Ayala Alabang Village! Baket kaya noh? Sayang handa pa naman yung Princess Sara costume ko! wooohooo!
—
Dadalhin ko mamaya yung digicam ko sa cementeryo, maghahanap ako mg mumu. Haha!
—
Nga pala, sobrang sure na! Titira ako sa Katipunan nang mag-isa next sem! Nakakalungkot na medyo OK na rin. Hehe. Sa next post na to!