If only I could go back to my high school days, I would.
Way back then, I was the type of student that would go straight home after classes. Some days I will stay at my friend's house for some girl bonding but seldom did I go home very late. I have never tasted alcohol with my friends who are, by the way, the kindest and most parent-obedient friends I've ever had. I am thankful that I was with those kind of people in high school but sometimes I daydream of being that "bad-ass rocker-chick that still gets excellent grades even if she goes out all night, partying with friends, drinking all the margaritas in the bar and vomiting in the sidewalk after having more than enough alcohol".
Yeah, for the nerdy girls like me, that is the idea of "SUPER COOL". These people seem to have all the fun in the world. Sometimes I wish I was less supervised so I can do anything I want. I wish I had hung out with all the cool people in high school, the jocks, the rockers, the cheerleaders and others. I wish I made more friends, other than my books. I wish I had known everyone in my batch. I hate myself for not doing that. I hate myself for being arrogant to my batch mates. I know they always had thought of me as the "snob girl in the star section" and maybe I can't do anything about that anymore.
Now in college, I try to socialize more. I hang out with people, I stay in school longer, doing nothing. I am having fun. Although some still think that I am taking studies too seriously, I think that is not the case. I take full loads every semester, try to do good with the subjects while keeping in balance my academics and social life. I get suitors once in a while but having a relationship is not yet in my mind. I have discovered that flirting in moderation is enjoyable too. Ok now that is weird.
Natapos din ang linggong ito! At natutuwa ako dahil maganda ang naging resulta nung isa kong exam. Nakapasa ako at mataas pa ito sa inaasahan ko. Natutuwa talaga ako.
Tinatamad na akong mag-blog. Bakit kaya? Ah, kasi minsan pinagmumulan lang ng gulo ang mga sinusulat ko dito. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng mga kaibigan ko na may blog nga ako at syempre, dahil available itong mabasa online, nababasa nila ito.
Nahihirapan na akong kausapin yung isang kong kaibigan. Hindi ko na kasi alam kung anong sasabihin sa kanya eh. Nabasa niya ang blog ko at feeling niya isa siya sa mga tinutukoy ko sa isa kong post. Di ko talaga alam kung anong gagawin.
Nakakalungkot lang sapagkat dahil doon, nawalan na ako ng ganang sabihin ang mga nararamdaman ko dito. Nakakalungkot dahil kapag tinigil ko ang pagsusulat dito, mawawalan na ako ng hingahan ng iniisip. At nalulungkot ako dahil parang sa tingin niya nagbago na ako.
Sorry magulo ako.
Marami akong bagay na kinaiinisan. Isa na dito ay kapag sinasabihan ako na nang-iiwan ako. Siguro hindi lang ako ang nakaranas na masabihan ng ganito, At doon sa mga nakaranas na rin, hindi siya magandang experience diba?
Napaka-selfish ng mga taong nagsasabi nito. Parang kapag may balak kang baguhin sa sarili mo, at nagkataon lang na hindi mo na sila makakasama sa mga plano mo, napakasama mo nang tao. Unfair yun. Dahil hindi masarap sa pakiramdam yung iniisip mo na may nasaktan kang tao pero hindi mo naman alam kung paano mo siya nasaktan. Parang kahit na sabihin mo na ginagawa mo ang mga bagay na iyon dahil gusto mo mag-improve, iisipin pa rin nila na kinakalimutan mo na sila at hindi sila mahalaga sayo. Para sa akin, hindi tunay na mga kaibigan ang mga iyon. Dahil kung tunay nga sila, magiging masaya sila kung saan man ako mapunta, kung ano man ang mga pinaplano ko at kung ano man ang mga gusto kong maabot. Dapat sumusuporta sila sa akin. Nakakalungkot dahil may mga ganitong tao sa buhay ko ngayon at ang mas dumadagdag pa sa kalungkutan ko ay ang malamang siya yung taong hindi ko inaasahan na magsasabi ng ganun.
Nakakalungkot lang talaga.
Bibihira ka nga lang makakakita o makakakilala ng isang babae na Mechanical Engineering ang course. Hindi rin usual yung babae na puro lalake ang barkada. Maliit na porsyento lamang sila ng populasyon. Sabihin na nating 20%, o baka mas mababa pa. Dun sa kaunting yun, isa ako sa kanila.
Boyish daw ako sabi ng karamihan. Pero minsan, kapag iniisip ko, hindi din naman mashado. Masasabi kong ako'y biktima lamang ng pagkakataon.
Ang totoo, hindi talaga Mechanical Engineering ang gusto kong kunin nung nasa high school pa ako. Bago ako gumraduate, desidido na ako na maging Accountant. Yun pa nga ang nakalagay sa yearbook namin eh. Minalas nga lang at hindi yun ang nakuha ko. Nag-apply din naman ako sa ibang schools at natanggap ako sa accountancy pero gusto ko talaga sa UP. Nung first year ako, desidido pa ako na magshishift ako sa BAA pero narealize ko na napamahal na rin sa akin ang ME. Natutunan ko nang maappreciate yung oppurtunities na maibibigay sa akin ng pagiging ME kaya hindi na rin ako nagshift.
Maraming ipinagbago ang buhay ko simula nung pumasok ako ng college. Yung dating nerdy na valedictorian na puro babae lang ang barkada, napasama na sa mga guys. Hindi din naman kasi maiiwasan. Sobrang daming lalake sa Eng'g at sobrang weird na talaga kung kahit isa ay wala akong lalakeng kaibigan. Ang totoo, kahit galing ako sa Co-Ed na school, hindi pa rin talaga ako sanay dati sa maraming lalakeng kaklase dahil nung high school, apat lang ang boys sa section ko. Out of 35 students, apat lang ang lalake, sobrang minority talaga ang mga lalake kaya parang hindi ko rin sila naramdaman. Parang all-girls school nga yung school namin kung titignan sa section namin. Imagine mo na lang yung prom namin, puro babae lang kami nagsasayawan dahil konti lang ang lalake at hindi nila kayang pagsabayin lahat.
Sa college, kabaliktaran ng high school, sobra. Nagulat ako nung math 17 ko na class, puro blockmates ko ang classmates ko at kamusta naman, 5 lang ata kaming girls! Nakakapanibago talaga yun. At dahil hindi ako sanay, lagi akong conscious sa lahat ng galaw ko. Naging tahimik ang dating super energetic na babae. Nakakahiya kasi, andaming lalake. Nung tumagal, nagsawa na rin akong maging conscious, kaya ang sabi ko, BAHALA NA! Bahala na kung magulo yung buhok ko. Bahala na kung pangit yung damit ko. Bahala na kung hindi ako super nice. Yun na siguro yung simula ng pagiging boyish ko.
Nung nagtagal, hindi na ako concerned sa lip balms, candy mags (na super uso nung high school ako), shoes, blouses at kung ano ano pang kakikayan. Nagsubside ang inner fashionista ko, yung tipong pambahay mode pa rin kahit nasa school na at keber ko na lang sa mga makakapansin. Hindi na rin ako conyo (konti na lang){oo conyo ako, at one point in my freaking life, nakakainis noh?} Sobrang wala na akong pakialam sa mga "silly cat-fights". At higit sa lahat, mas naging comfortable na ako na kasama ang mga guys kaysa sa mga girls.
Narealize ko rin na mas madaling makisama sa mga lalake. Kasi, unless the both of you are going down romance avenue, hindi na kailangang maging super conscious ng girl sa lahat ng gagawin niya. Yung friendship with guys, they're never superficial. Hindi kagaya ng sa girls, you just don't know who's true. Kaya siguro tayong mga girls, we like to have people who we call "bestfriends" kasi meron tayong "friends", "close friends", "friend friends", "kinda friends" at kung anu ano pang mga ka-ekekan. Nakuha mo ba? Sana.
Ayun. Hindi naman talaga ako tomboy, hindi lang ako kikay. yun lang.
Una sa lahat, gusto ko humingi ng paumanhin kung may mga nasaktan man ako sa last kong post. Mashado ko kasing minaliit at nilait ang Recto at hindi ko naisip na baka nga may masagasaan ako na feelings ng ibang tao. Pasensya na talaga.
—
Napapansin ko na lately, puro aral na lang ang bukang-bibig ko. Hindi ako dati ganito. Dati, nag-aaral lang ako kapag may exam. Pero ngayon, bawat gabi, nag-aaral ako. Nagbabasa na ako ng mga textbooks na hate na hate kong gawin dati. Iba talaga naidudulot ng kawalan ng TV.
Iniisip ko tuloy minsan, pano kaya kung kahit sobrang nag-effort na ako sa pag-aaral, in the end, bagsak pa rin yung mga exams ko? Ibig lang ba sabihin nun bobo talaga ako? Maaaring mawalan ako ng tiwala sa sarili ko at yun ang pinaka-ayaw ko na mangyari, lalo na ngayon.
Bukod pa sa pressure sa studies(na ako mismo ang nagdudulot sa aking sarili), pressured din ako sa mga friends ko. Di ko alam kung friends na nga ang dapat ko itawag sa kanila pero iniisip ko na lang, since hindi ko naman sila kaaway, malamang friends ko nga sila. Meron kasing mga group of people na niyaya akong sumali sa kanila. Mukhang masaya ang samahan nila, aaminin ko yun. Ang iniisip ko lang, pano na lang ang studies ko(na malaki ang possibilidad na mapabayaan ko dahil hindi naman sila conscious mashado sa studies nila, so baka mahawa ako) at pati na rin ang parents ko(na malaki mashado ang tiwala sa akin na hindi ako sasama sa mga ganoong tao) at pati na rin ang mga barkada ko na ngayon(na mahirap nang iwanan dahil parang blockmate at kapatid na rin ang turing ko sa kanila). Mashadong madaming dapat i-consider at nahahassle na ang utak ko. Sa tingin ko, kuntento na ako sa barkadang meron ako ngayon.
Yung barkada ko kasi ngayon, hindi GC pero mataas ang mga grade. Walang bumabagsak sa kanila (at least, so far). At mabait sila, kahit may katarantaduhan din minsan. Tamang gaguhan lang kapag tinopak.
Dapat nga ma-OP ako sa kanila kasi isang block sila, samantalang ako, naligaw lang sa block nila. Pero never kong na-feel na outcast ako. Never nila pinaramdam sa akin na hindi ako dapat doon. At masaya ako dahil doon.
Pasensya na, pero solid crest muna ako.