Pasensya na kayo dahil di ko na madalas mabibisita ang mga blog ninyo. Nagsimula na nung thursday ang mga class namin at syempre career mode na ako dapat. Wala din kasi akong PC sa apartment ko at ayoko naman magrent pa sa labas para lang mag-update ng blog. Sayang kasi yung binabayad namin sa broadband dito sa bahay kaya magtitiis na lang ako.
Kamusta naman ang first night ko sa 'pseudo-independence'?
Ayun, putul-putol ang tulog. Medyo di pa ako sanay na ako yung gumagawa ng lahat. Pag-gising ko, luto ng sariling ulam, luto ng sariling kanin, ligo, linis ng bahay, handa para sa school. Di kasi ako sanay ng hindi nagbebreakfast eh, tapos nagbabaon din pala ako. Ayoko na kasing gumastos para sa pagkain na bibilhin ko sa labas.
Pag-uwi naman, magpapahinga lang ng konti, tapos aasikasuhin naman ang dinner. Kapag may oras pa, maliligo ako. Wala akong kasama kaya malungkot. Mabuti na lang at may kapitbahay ako na kilala ko since elementary kaya komportable ako kahit lalaki siya. Nakikinood lang ako ng TV sa unit niya kasi wala akong sarili. Kapag naman hindi ako nakikinood, binabasa ko ulit yung Tuesdays with Morrie ko. Wala kasi akong ibang libro na nadala eh.
Sa isang gabi na pagstay ko sa apartment nang mag-isa, may natutunan na ako. Hindi pala madali ang mag-isa. Nakakalungkot, pero masaya dahil may challenge. I think this is the best way para mas makilala ko yung sarili ko, para malaman ko kung hanggang saan ba talaga yung kaya ko. Kung magkamali man ako sa ibang mga bagay, ang importante ay matututunan kong bumangon mag-isa.
—
Nalulungkot ako dahil di pa rin kami naguusap ng tatay ko. Matigas ako, matigas siya. Sinusubukan ko siya kausapin pero hindi siya sumasagot sa PM ko. Inaasahan ko na tatawag siya sa akin sa unang gabi ko sa apartment para kamustahin ako pero hindi nangyari yun. Nangyari na ito dati, at parang pakiramdam ko pointless itong away na ito kaya ayoko na ako ang mag-sorry. Pero ako naman ata yung may kasalanan. Ewan ko ba dito sa ego ko kung anong problema niya. Sana maayos na ito, sana lumiit na yung ego ko, sana magpakumbaba na lang ako, sana makaya ko gawin.
—
Bibisita ako sa mga blogs niyo bukas. Relax na lang muna ako ngayong gabi
Tunay na talaga. Tuloy na tuloy na ang aking pag-iisa sa susunod na sem. Syempre masaya ako dahil sa wakas ay hindi na rin ako mapapagod sa araw-araw na pagcocommute. Hindi na ako gagabihin dahil sa traffic at makakapag-aral na ako ng maayos. Pero nakakalungkot pa rin ang mawalay sa pamilya. First time kong hindi uuwi sa bahay ng matagal.
Bukod pa sa pagkamiss sa pamilya, wala din akong computer doon. Wala ding TV. Wala na akong ibang gagawin kundi mag-aral nang mag-aral hanggang wala na akong maaral. Sana lang maging maganda ang kalabasan ng next sem upang di naman masayang ang lahat ng gagawin kong sakripisyo.
Sa December pa siguro ako magkakaroon ng laptop sa apartment. Kaya baka ngayong November, di ako mashadong makakapagbloghop. Baka sa weekends na lang ako makapag-post. At baka sometime in December din ako magkaroon ng TV. Naghahanap pa rin ako ng roommate.
Sana makaya ko ang lahat ng kalungkutan. Sana hindi mapanis ang laway ko sa apartment. Sana maging US ako next sem.
Oi kung may time ka, bisitahin mo naman ako sa apartment ko. Room 65. Ha?
In just a few hours, pupunta na kami sa sementeryo. Yearly namin ginagawa ito kagaya ng ibang Pilipino. Dinadalaw namin yung puntod ng Lolo ko sa Manila Memorial Park. Hindi ko na inabutan yung lolo kong yun, kaya hindi ko din alam ang marami tungkol sa kanya. Pero kahit ganun, hindi pa rin ako papayag na ma-miss ang pagdalaw sa kanya. Parang feeling ko kasi malulungkot siya at maiinggit sa mga katabi niya na maraming dumadalaw.
Yung iba nga party mode pa eh. Dati nung hindi pa pinagbabawal ang alcoholic beverages sa loob ng sementeryo, laging nagiinuman yung mga kasama naming matatanda. May isang beses nga na nawasak yung nguso ng kotse namin dahil sa sobrang kalasingan ng tatay ko. Nagdrive pa kasi kahit nakainom na. Maliit pa kami nun kaya wala talagang sasalo sa pagdidrive kapag nalasing na yung tatay ko. Hehe, buti nga buhay pa kami hanggang ngayon eh.
—
Para sa mga kids, rich or not, living around Alabang, I'm very disappointed to say na walang Halloween Trick or Treat ngayon sa Ayala Alabang Village! Baket kaya noh? Sayang handa pa naman yung Princess Sara costume ko! wooohooo!
—
Dadalhin ko mamaya yung digicam ko sa cementeryo, maghahanap ako mg mumu. Haha!
—
Nga pala, sobrang sure na! Titira ako sa Katipunan nang mag-isa next sem! Nakakalungkot na medyo OK na rin. Hehe. Sa next post na to!
Wala na, hindi na talaga pwede si Eloisa maging roommate. So pano yun? Wala na talaga?
Pinapagcanvass ako ng aking ama sa magagastos sa pagbili ng mga appliances na kailangan para tumira sa dorm. Sa aking paunang pagcocompute, aabot sa mahigit 30000 pesos yung magagastos. Parang nakakapanghinayang talaga. Kelangan kasi bumili ng bagong refrigirator, kama, kalan at gasul syempre. Tapos yung rent na 5000 solo ko pang babayaran. Hay, sorry pa at ma, pabigat talaga ako.
Kung matutuloy ang pamumuhay ng solo, kelangan kong mabuhay sa budget na 7000 pesos every month. Kasama na lahat. Pagkain, renta, pamasahe, kuryente, tubig, at kung anich anich pang mga pangangailangan. Pati ang mga computer rentals, pagpapaprint at mga merienda. Wala munang gimik, kelangan talagang mag-aral ng todo. Although alam ko naman na pwedeng pwede kong iwithdraw yung pera ko sa ATM na galing sa scholarship, hindi pa rin talaga tama. Para kasing trust fund chorva yun, trust fund na pwedeng i-withdraw anytime.. haha.. anggulo na..
In short, kung matutuloy man ang aking pamumuhay nang mag-isa, bukod sa lungkot, magigipit din ako sa budget. Mahirap pero handa kong kayanin. Mas mahirap pa rin naman ang magcommute araw-araw kaya tiwala ako na kaya kong malagpasan ang pag-iisa na malayo sa pamilya. Sana lang talaga hindi ako mabaliw pag mag-isa lang ako sa bahay araw-araw. Tapos wala pang laptop! Kaya ko toh!
Sa lahat ng sakit, pinakaayaw ko yung sipon. Ayaw ko kasi yung maya-maya may hawak na tissue at sumisinga. Ang ikee pa ng feeling kasi di ako makahinga. Pero syempre, malas talaga ako, kaya two days na akong may sipon, samahan mo pa ng lagnat at slight na ubo. Perfect combo, isn't it? Sana naman gumaling na ako bago magsimula ang classes dahil kadudertz talaga kapag may sipon sa school. Parang ayaw mong lumapit sa friends mo dahil baka mahawa sila sayo at ikaw pa ang sisihin nila.
—
Wala pa rin akong nahahanap na kasama sa apartment. Sa bawat araw na dumadaan, lalong lumalabo ang chances na makapag-apartment pa ako. Patay talaga ako next sem.
—
Kahapon, nag-pm nanaman siya. Pero di ko nakausap kasi AFK ako nung nagmessage siya tapos nung nagreply na ako, mga ten minutes later, wala na siya. Sad no? Ilang araw na ring walang communication. Baka di ko na siya kilala pag nagkita ulit kami.
—
Kelangan ko palang pumunta sa UP bago mag-november 3 para pumirma sa isang papel upang ako ay maging eligible for enrolment next sem. Shit, nakakatamad. Angganda kasi ng bagong pakulo ng RegCom eh, angganda talaga. Gagastos ako ng humigit kumulang isang daang piso sa pamasahe para lang pumirma sa kapirasong papel? Oh well, gagawin ko na rin, kesa naman maabala pa ako pagdating ng registration. Sa UP pa naman, pag sinabi mong "abala", sobrang sakit sa ulo yun. Hindi lang siya yung abalang pwedeng matapos sa isang oras. Kung minalas ka pa, baka abutin ka pa ng isang buong araw. Sakit nun!
—
Watched this video last night sa MTV. Loved it at once.. haha.. kapag talaga may sakit, nagiging cheesy.. haha. Pero promise, cool yung song, astig yung melody and lyrics..
Check this out! Never be lonely by The Feeling