Be still. It's my turn.

Home » Tags

Random updates

October 28, 2006

Sa lahat ng sakit, pinakaayaw ko yung sipon.  Ayaw ko kasi yung maya-maya may hawak na tissue at sumisinga.  Ang ikee pa ng feeling kasi di ako makahinga.  Pero syempre, malas talaga ako, kaya two days na akong may sipon, samahan mo pa ng lagnat at slight na ubo.  Perfect combo, isn't it?  Sana naman gumaling na ako bago magsimula ang classes dahil kadudertz talaga kapag may sipon sa school.  Parang ayaw mong lumapit sa friends mo dahil baka mahawa sila sayo at ikaw pa ang sisihin nila.

Wala pa rin akong nahahanap na kasama sa apartment.  Sa bawat araw na dumadaan, lalong lumalabo ang chances na makapag-apartment pa ako.  Patay talaga ako next sem.

Kahapon, nag-pm nanaman siya.  Pero di ko nakausap kasi AFK ako nung nagmessage siya tapos nung nagreply na ako, mga ten minutes later, wala na siya.  Sad no?  Ilang araw na ring walang communication.  Baka di ko na siya kilala pag nagkita ulit kami.

Kelangan ko palang pumunta sa UP bago mag-november 3 para pumirma sa isang papel upang ako ay maging eligible for enrolment next sem.  Shit, nakakatamad.  Angganda kasi ng bagong pakulo ng RegCom eh, angganda talaga.  Gagastos ako ng humigit kumulang isang daang piso sa pamasahe para lang pumirma sa kapirasong papel?  Oh well, gagawin ko na rin, kesa naman maabala pa ako pagdating ng registration.  Sa UP pa naman, pag sinabi mong "abala", sobrang sakit sa ulo yun.  Hindi lang siya yung abalang pwedeng matapos sa isang oras.  Kung minalas ka pa, baka abutin ka pa ng isang buong araw.   Sakit nun!

Watched this video last night sa MTV.  Loved it at once.. haha.. kapag talaga may sakit, nagiging cheesy.. haha.  Pero promise, cool yung song, astig yung melody and lyrics..

Check this out! Never be lonely by The Feeling

Posted by stillness at 9:05 am | permalink | comments[1]

Sabog

October 20, 2006

Mga one week ko nang pinag-iisipan, mashado lang siguro akong amazed dun sa tao at sa mga pinagsasasabi niya.  Saka yung fact na he doesn't look and act his age, galing.  Too bad for me, haha, go figure!

CRS is finally working today.  I saw my sked, at syempre, walang nagbago kasi wala naman akong binago.  The schedule was crappy pero I couldn't risk losing my major subjects because lucky me got everything, including PE.  Ayun, tiis nalang siguro ako sa everyday 7.30am-5pm na pasok.  Pero tonight, I'll try to convince my papa na payagan na ako magdorm or apartment kasi promise talaga, hindi ko kaya yung ganung schedule ng uwian.  Tapos 20 units pa ako next sem.  Gally, mabubuhay pa kaya ako pagkatapos ng next sem?  Malamang hindi na kung uwian pa rin ako.

Namiss ko siya kagabi, kaya tinignan ko yung picture niya sa cp ko.  Haha.  Pinromise kong hindi na yon titignan eh! Pucha.  Pero mukhang di naman niya ako namimiss kasi hindi na siya nagpaparamdam.  Haaaaay.  Go figure ulet!  No clues.

Chasing Cars by Snow Patrol naman ang pinagdidiskitahan ko! Ahaha, senti mode!

Posted by stillness at 4:41 pm | permalink | comments[2]

Adios stan

October 19, 2006

Bago ako magsimula, gusto ko lang sabihin na– WAAA ANG GALING NG THE FRAY!!! AS INNNN!!!

Ayun, download kayo ng mga kanta nila, ganda grabe.  Yung mga nadownload ko pa lang ay How To Save A Life saka Over My Head.  Sa sobrang ganda, yun lang dalawang kantang yun ang pinakikinggan ko for the past five days!

I now bid adios to my lablayp!  Tama na ang everyday na pagcheheck sa friendster profile niya, ang everyday pagtingin sa picture, ang paghihintay sa pm niya, ang pagbantay sa cellphone dahil baka ang sunod na text ay galing sa kanya, ang paguunli dahil LANG sa kanya, at higit sa lahat, ang paniniwala sa isang bagay na hindi naman totoo, at malamang kahit kailan hindi magiging totoo.

Wala munang lablayp para sa akin ngayon, nakakasawa na kasing kiligin para sa iisang tao lang.  Saka feeling ko, mashado na akong nagiging mushy.  Mushy akong tao pero to the nth level na siya ngayon, nakakasuka na.

Goodbye na ba talaga? Hehe, hanap na lang muna ako ng bagong prospect.  Yung gusto ko, matanda! wahu! Yung tipong nag-ta-thumb-suck pa lang ako, nagbabasa na siya ng dictionary! haha. Seryoso.

Posted by stillness at 8:52 am | permalink | comments[2]