Be still. It's my turn.

Home » Tags

my bad

July 2, 2007

It's been a month since I last posted in this blog.  And the weird thing is, I'm not missing it. 

 I just can't find things to write about, or think of interesting stories to tell.  And I am preoccupied with things like my org and acads. 

The truth is, my life has never been this interesting.  Great things are happening to my org this semester.  An increase in application, more fun members, more bonding times, and a whole lot of new experiences.  I really hope this surge of new things will come continuously for us so we can be the new and improved CREST come engg week.

As for my acads, I have a big load this sem, I should start taking things seriously now.

About my love life, my head is up, I think someone's poking me in the elbow.  Let's just wait and see.

About my gimik life, I already know how to drink two red horse and not be drunk! wee!

I actually can't believe I wrote something in the "gimick life" part… hahaha… I actually have a "gimmick life!"!

I'll try to update this blog more frequently from now on, but I can't promise that I can bloghop anymore.  And for that, I should not be expecting comments anymore! haha.. poor me… ok I'm not fishing! 

 

Posted by stillness at 8:02 pm | permalink | Add comment

Aylavvit!

April 7, 2007

MGA GUSTO/DAPAT KONG MAGAWA BAGO MAMATAY:
updated version 5.0

  • makakain sa Subway
  • makagraduate ng college
  • makapag-wall climbing
  • makapag-bungee jump
  • makasakay sa airplane
  • makasakay sa helicopter
  • magkaboyfriend
  • magkaasawa
  • magkaanak
  • magkatrabaho
  • maging mayaman
  • makabili ng mga gamit na super mahal mejo mahal na rin ang digicam diba??
  • malasing
  • makatulog sa bahay ng kaibigan salamat paolo!
  • makaakyat sa bundok
  • makapagsurfing
  • makakita ng snow
  • Mahawakan yung kamay ng crush ko
  • makaperfect ng exam sa math
  • maka-uno sa kahit anong subject
  • matapos ang lahat ng required number ng PE
  • makanood ng UAAP
  • mapanood ang Purefoods ng live
  • makanood ng tunay na rock concert
  • matuto lumangoy
  • makapag- PDA [kahit once lang sa buong lifetime ko, matry lang]
  • magkaroon ng digital camera meron na!!
  • magkaroon ng mp3 player

Yan anggaling.  I found this list on my old blog and i decided to update it.  those in orange are the new things that i've accomplished.   I last updated this list Septamber 14 of last year.

Yey CS ulit this sem! Aylavvit! 

Posted by stillness at 11:44 pm | permalink | comments[3]

Two weeks na lang!

March 9, 2007

UtakGago, ako man ay tigang na rin.  Hindi ko maimagine na makakatagal ako ng ganito nang hindi nag-popost.  Kakaiba ang pakiramdam ngayong isa-isa ko nanamang pinipindot ang mga letra ng keyboard.  Nakakamiss din pala.

Matagal akong nawala dahil maraming nangyari sa akin.  Nawala ang aking mahal na digicam noong February 25. Eksaktong anim na buwan pagkatapos ko siyang bilhin.  Hindi ako makapaniwala na ganun ganun na lang iyong mawawala sa akin.  Napagluksaan ko na ito at sana hindi na ito mangyari muli sa aking bagong biling cellphone.  Ito'y isa namang Motorola L6, ang kakaiba sa kanya ay color pink siya!  Cute di ba?  Muli, kagaya ng aking digicam, pera ko nanaman ang pinangbili ko sa cellphone ko.  Ang yaman ko! haha joke lang.

Pero hindi naman puro masama ang nangyari sa akin.  Kaakibat naman ng pagkawala ng Digicam ko sa Baler, Aurora ang experience ng first time na mag-surfing.  Oo, as in SURFING! Surfboard, wax at waves! Surfing talaga!  Kakaiba ang feeling ng dinadala ka ng alon.  Kahit sobrang sakit ng katawan ko pagkatapos, masaya pa rin.  Napuno ang katawan ko ng pasa at mga sugat pero ok lang sa akin, dahil isang walang kapalit na karanasan naman ang kasama ng mga galos na ito.

Nung weekend na iyon din una akong nakainom ng beer.  Grabe, halata talaga na hindi ako sanay uminom dahil naka isang bote pa lang ako ng SanMig Light, nahilo na ako at umakyat na agad sa room.  Nakakahiya sa mga kainuman pero wala ako magagawa.  Promise, sa susunod, malakas na akong uminom! haha! joke lang! :)

Malapit nang matapos ang semestreng ito, balik buhay blogging nanaman! Two weeks na lang!!! :)  

Posted by stillness at 7:10 pm | permalink | comments[3]

Hindi pwedeng ako lang

February 9, 2007

Natapos din ang linggong ito! At natutuwa ako dahil maganda ang naging resulta nung isa kong exam.  Nakapasa ako at mataas pa ito sa inaasahan ko.  Natutuwa talaga ako.

Tinatamad na akong mag-blog.  Bakit kaya?  Ah, kasi minsan pinagmumulan lang ng gulo ang mga sinusulat ko dito.  Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng mga kaibigan ko na may blog nga ako at syempre, dahil available itong mabasa online, nababasa nila ito.

Nahihirapan na akong kausapin yung isang kong kaibigan.  Hindi ko na kasi alam kung anong sasabihin sa kanya eh.  Nabasa niya ang blog ko at feeling niya isa siya sa mga tinutukoy ko sa isa kong post.  Di ko talaga alam kung anong gagawin.

Nakakalungkot lang sapagkat dahil doon, nawalan na ako ng ganang sabihin ang mga nararamdaman ko dito.  Nakakalungkot dahil kapag tinigil ko ang pagsusulat dito, mawawalan na ako ng hingahan ng iniisip.  At nalulungkot ako dahil parang sa tingin niya nagbago na ako.

Sorry magulo ako. 

Posted by stillness at 6:13 pm | permalink | comments[3]

Buhay pa naman…

January 17, 2007

Ok, kasalanan ko.  Hindi ako isang mabuting blogger.  Hindi man lang ako nagpaalam na matagal ako mawawala.  Yun nga lang, sobrang dami ko talagang ginagawa at iniisip at wala na akong time asikasuhin ang blog ko.

Wala kasi akong kwenta.  Nung bakasyon, hindi man lang ako nag-buklat kahit isang pahina man lang ng mga libro ko kaya tuloy natambakan ako ng aaralin, exams, at gawain para sa pasukan.  Kasalanan ko talaga.

Tapos hindi ko na nabibisita yung mga links ko.  Ang totoo, binubuksan ko yung pages niyo pero hindi na ako nag-ta-tag kasi laging pahapyaw lang yung pag-susurf ko. Sorry talaga.

Nga pala, may New Year's Resolution nga pala ako.  MAgiging organized na ako.  Kaya bumili ako ng planner.  Sana mapanindigan ko ito… so far, well maintained pa naman si planner.

Ayun na muna, sabog pa ako.  May lab pa ako ng onse mamaya. <UP engg jargon, pardon me> 

Posted by stillness at 12:07 am | permalink | comments[2]