Marami akong bagay na kinaiinisan. Isa na dito ay kapag sinasabihan ako na nang-iiwan ako. Siguro hindi lang ako ang nakaranas na masabihan ng ganito, At doon sa mga nakaranas na rin, hindi siya magandang experience diba?
Napaka-selfish ng mga taong nagsasabi nito. Parang kapag may balak kang baguhin sa sarili mo, at nagkataon lang na hindi mo na sila makakasama sa mga plano mo, napakasama mo nang tao. Unfair yun. Dahil hindi masarap sa pakiramdam yung iniisip mo na may nasaktan kang tao pero hindi mo naman alam kung paano mo siya nasaktan. Parang kahit na sabihin mo na ginagawa mo ang mga bagay na iyon dahil gusto mo mag-improve, iisipin pa rin nila na kinakalimutan mo na sila at hindi sila mahalaga sayo. Para sa akin, hindi tunay na mga kaibigan ang mga iyon. Dahil kung tunay nga sila, magiging masaya sila kung saan man ako mapunta, kung ano man ang mga pinaplano ko at kung ano man ang mga gusto kong maabot. Dapat sumusuporta sila sa akin. Nakakalungkot dahil may mga ganitong tao sa buhay ko ngayon at ang mas dumadagdag pa sa kalungkutan ko ay ang malamang siya yung taong hindi ko inaasahan na magsasabi ng ganun.
Nakakalungkot lang talaga.
Ok, kasalanan ko. Hindi ako isang mabuting blogger. Hindi man lang ako nagpaalam na matagal ako mawawala. Yun nga lang, sobrang dami ko talagang ginagawa at iniisip at wala na akong time asikasuhin ang blog ko.
Wala kasi akong kwenta. Nung bakasyon, hindi man lang ako nag-buklat kahit isang pahina man lang ng mga libro ko kaya tuloy natambakan ako ng aaralin, exams, at gawain para sa pasukan. Kasalanan ko talaga.
Tapos hindi ko na nabibisita yung mga links ko. Ang totoo, binubuksan ko yung pages niyo pero hindi na ako nag-ta-tag kasi laging pahapyaw lang yung pag-susurf ko. Sorry talaga.
Nga pala, may New Year's Resolution nga pala ako. MAgiging organized na ako. Kaya bumili ako ng planner. Sana mapanindigan ko ito… so far, well maintained pa naman si planner.
Ayun na muna, sabog pa ako. May lab pa ako ng onse mamaya. <UP engg jargon, pardon me>
2006 is one hell of a ride for me. Madaming mga nangyari, mga first times, mga most memorable, mga most embarassing at kung anu-ano pa. Madaming nakilalang mga bagong tao, mayroon naman na dati nang kilala pero ngayon lang talagang naging close. Sa dami ng nangyari, naimagine mo bang naguupdate pa rin ako ng blog! haha. More than one year na akong nagboblog, nakakatuwa dahil hindi pa rin ako nagsasawa.
Eto ang aking "2006's List of Anything Worth Mentioning"
And lastly,
Infatuation kills.
Happy New Year everyone!
Bibihira ka nga lang makakakita o makakakilala ng isang babae na Mechanical Engineering ang course. Hindi rin usual yung babae na puro lalake ang barkada. Maliit na porsyento lamang sila ng populasyon. Sabihin na nating 20%, o baka mas mababa pa. Dun sa kaunting yun, isa ako sa kanila.
Boyish daw ako sabi ng karamihan. Pero minsan, kapag iniisip ko, hindi din naman mashado. Masasabi kong ako'y biktima lamang ng pagkakataon.
Ang totoo, hindi talaga Mechanical Engineering ang gusto kong kunin nung nasa high school pa ako. Bago ako gumraduate, desidido na ako na maging Accountant. Yun pa nga ang nakalagay sa yearbook namin eh. Minalas nga lang at hindi yun ang nakuha ko. Nag-apply din naman ako sa ibang schools at natanggap ako sa accountancy pero gusto ko talaga sa UP. Nung first year ako, desidido pa ako na magshishift ako sa BAA pero narealize ko na napamahal na rin sa akin ang ME. Natutunan ko nang maappreciate yung oppurtunities na maibibigay sa akin ng pagiging ME kaya hindi na rin ako nagshift.
Maraming ipinagbago ang buhay ko simula nung pumasok ako ng college. Yung dating nerdy na valedictorian na puro babae lang ang barkada, napasama na sa mga guys. Hindi din naman kasi maiiwasan. Sobrang daming lalake sa Eng'g at sobrang weird na talaga kung kahit isa ay wala akong lalakeng kaibigan. Ang totoo, kahit galing ako sa Co-Ed na school, hindi pa rin talaga ako sanay dati sa maraming lalakeng kaklase dahil nung high school, apat lang ang boys sa section ko. Out of 35 students, apat lang ang lalake, sobrang minority talaga ang mga lalake kaya parang hindi ko rin sila naramdaman. Parang all-girls school nga yung school namin kung titignan sa section namin. Imagine mo na lang yung prom namin, puro babae lang kami nagsasayawan dahil konti lang ang lalake at hindi nila kayang pagsabayin lahat.
Sa college, kabaliktaran ng high school, sobra. Nagulat ako nung math 17 ko na class, puro blockmates ko ang classmates ko at kamusta naman, 5 lang ata kaming girls! Nakakapanibago talaga yun. At dahil hindi ako sanay, lagi akong conscious sa lahat ng galaw ko. Naging tahimik ang dating super energetic na babae. Nakakahiya kasi, andaming lalake. Nung tumagal, nagsawa na rin akong maging conscious, kaya ang sabi ko, BAHALA NA! Bahala na kung magulo yung buhok ko. Bahala na kung pangit yung damit ko. Bahala na kung hindi ako super nice. Yun na siguro yung simula ng pagiging boyish ko.
Nung nagtagal, hindi na ako concerned sa lip balms, candy mags (na super uso nung high school ako), shoes, blouses at kung ano ano pang kakikayan. Nagsubside ang inner fashionista ko, yung tipong pambahay mode pa rin kahit nasa school na at keber ko na lang sa mga makakapansin. Hindi na rin ako conyo (konti na lang){oo conyo ako, at one point in my freaking life, nakakainis noh?} Sobrang wala na akong pakialam sa mga "silly cat-fights". At higit sa lahat, mas naging comfortable na ako na kasama ang mga guys kaysa sa mga girls.
Narealize ko rin na mas madaling makisama sa mga lalake. Kasi, unless the both of you are going down romance avenue, hindi na kailangang maging super conscious ng girl sa lahat ng gagawin niya. Yung friendship with guys, they're never superficial. Hindi kagaya ng sa girls, you just don't know who's true. Kaya siguro tayong mga girls, we like to have people who we call "bestfriends" kasi meron tayong "friends", "close friends", "friend friends", "kinda friends" at kung anu ano pang mga ka-ekekan. Nakuha mo ba? Sana.
Ayun. Hindi naman talaga ako tomboy, hindi lang ako kikay. yun lang.
I was supposed to write something about me being boyish but I changed my mind when I realized I was not making sense. Silly me.
Anyway, I just felt like writing an entry in English. Just thought I needed to practice my skills.
There's just something, rather, someone, who's bugging me lately. I'm not really sure about his intention but the way he speaks, it doesn't sound good to me. I'm the type of person who really freaks out whenever confronted by these kinds of "situations". I told him what he wanted to hear and I am now praying that nothing unexpected turns up from what I said. I, honestly, don't want to be involved with anything or anyone yet. So I'm wishing that wherever he's going with this stuff, hope it's not somewhere I don't want to be or somewhere I'm not comfortable. It's just not me.